Trixie's P.O.V
"Matagal ko ng alam. "
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Paanong, paanong alam niya? Naging maingat naman kami at naging pabaya nito lang ngunit ang ang sabi niya ay matagal na! So ibig sabihin kahit hindi ako nadulas ay matagal na niyang alam!
"Huh? " Ewan ko ba basta ewan! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang dami kong gustong itanong. Paano niya nalaman?
Bakit noong alam na niya hindi niya sinabi sakin?
Bakit siya nagpapanggap na walang alam?
Bakit di niya ako kinausap?"Alam kong marami kang tanong, at kung kailan handa ka na makinig sa sasabihin ko lapitan mo lang ako. " Seryoso niyang sabi.
"Sorry pwede hindi kita maintindihan, a-alis na ako. " Pagkasabi ko non ay dali dali akong umalis.
Dapat ko ba siyang komprontahin at tanungin?! Dapat ba akong magalit?! Dapat ko ba siyang iwasan?! Ano ba ang dapat kong gawin! Nalilito na ako. Noong nakaraang araw nastress ako dahil nalaman niya iyon ng dahil sa kabaliwan ko at bago ako kausapin ni Enzo ay tumawag si Tito at sinabing umuwi kami ng maaga. Hindi ko na alam kung saan ako magfofocus at anong gagawin ko.
Pero ngayon sa nangyari kanina ay ang best choice na dapat kong gawin ay ang umuwi. Hindi pa ako handang makinig sa mga dahilan niya. Sana matagal na niyang sinabi sakin yun. Nagtitiwala palang ako pero nawawala na, hindi ko alam kung bakit nagpanggap siya noong araw na iyon sa library na parabg gulat pa dah nakita ang litrato ni Jina. What a good actor!!
Masaya siguro siya na kilala niya kung sinong tunay na ako at eto ako nagpapanggap na ngayon ko lang siya nakilala sa buhay ko.
I hate myself! Parang nakagawa ako nang kasalan na hindi ko naman ginawa. Gets niyo?! Hindi ko na rin kasi naiintindihan ang sarili ko
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay rinig na rinig ko ang kanilang kasiyahan at tawanan. Nagtataka ay agad akong pumasok sa loob ng gate at pinakinggang maiigi saan nagmumula ang tunog. Habang naglalakad ay nakaraating ako sa swimming pool at nakita ang mga kaibigan. Nang mapansing andito ako ay kumaway sila sakin pati si Tito. Lalapit na sana ako para itanong kung sino ang isa nilang kasama ng humarap ito.
"HI TRIXIE!!"
Bakit siya andito?
Natasha's P.O.V
Masaya ako. Sobrang saya, sa bahay hanggang sa school. Tuwing hapon ay lagi kaming nagpapractice para sa darating na Festival at natutuwa ako sa nangyayari. Masaya ako kasi napapalapit ako sa kanya at natatakot sa maaring malaman. Ayokong malaman na siya nga. Hindi ko alam kung bat ako natatakot basta ewan.
Siguro dahil may alam kong hindi alam ng mga kaibigan ko natatakot ako na baka pag napalapit ako sa kanya ay ang sikretong iningatan namin ay biglang lumantad. Ano nalang ang sasabihin nila saakin? Paano kung pati siya, malaman niya.
"Okay rest muna kayo!" Sigaw ng aming director kaya agad kaming tumango at umalis sa stage. Nakita ko naman si Felix na lumabas dala ang script namin. "Hindi ba yun kakain? " Napatingin ako kay Aris ng bigla siyang nagtanong. "Kaya nga eh hindi ko ba alam diyan, ang bilis naman niyang makasundo hindi rin tayo nagkakaproblema sa practoce pero ang weird ayaw niya ba saatin? " Dagdag pa nito. Walang alinlangan naman akong kumuha ng dalawang juice at dalawang tinapay.
Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang sigaw ng isa sa mga kasamahan ko. "Saan ka pupunta? "
"May titingnan lang, babalik din agad! " Pag kasabi ko non ay agad din akong umalis para icheck kung asan siya. Agad akong pumunta sa madalas niyang pagtambayan at nakita ko ulit siyang nakatingin sa wallet niya. Pinilit kong ngumiti ng malaki saka ako lumapit sakanya.
"Gusto mo?" Sabi ko habang nakatayo sa harao niya. Hindi naman siya nagulat pero agad din niyang itinago ang wallet. Tiningnan niya ako saka umiling.
"No." Napasimangot naman ako sa sinabi niya pero imbis na umalis ay umupo ako aa tabi niya. Nagtatakang umisod siya palayo sa akin. "Bakit ka ba andidito? "
Nakasimangot naman akong humarap sa kanya. "Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi ka laging nakain pero pag may rehearsal naman tayo ang ayos. Tsaka ayokong mawalan ng kapartner at ayoko ring bumisita sa Hospital nakakatakot doon no! " Mahaba kong paliwanag pero hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa kawalan. Ganon din ang ginawa ko hindi ako kumain at sinamahan siya sa kanyang ginagawa. Tumingin din ako sa kawalan habang nakanguso, gutom na ako!! At nang dahil sa kaartehang taglay ko ay eto ang nangyari saakin. Aisshh bakit pa ba kasi ako andito.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero ganon lang ang ginagawa niya bawat segundo akong nagbabalik tingin sakanya pero wala siyang awa ni hindi niya manlang ako pinansin.
"Hindi ka parin ba kakain? " tanong ko ulit, hindi makatiis.
Tumingin siya sakin saka umiling. "Ayoko kung gusto mo ikaw nalang. "
Ang sungit pero malay mo maawa naman siya sakin no? "Sige ka hindi rin ako kakain pag hindi ka kakain! " ngunit tiningnan niya lang ako.
Sana pala hindi ko na iyon sinabi kasi masama sakin ang hindi kumain ng hindi tama sa oras. Ayoko pang makagawa ng scene mamaya at ayokong mapalitan! I want my character! Just eat Felix! Kahit para sakin. Natapos na ang oras ng pamamahinga at agad din kaming pinatawag. Pagkatayo ko ppa lang sa upuan ay nakita ko nang pumasok si Elias at Felix kaya agad ko namang iniwas ang tingin doon. Hindi ako kumain at nagsisi ako sa ginawa ko. Wala syang awa! Tsaka ano nga bang paki niya kung hindi ako kakain wala naman diba. Bahala na nga. Uminom ulit ako ng tubig bago umakyat ng stage.
Nasakalagitnaan kami ng rehearsal ng makaramdam ako ng pagkahilo. Napapikit ako habang ginagawa ang aking eksena. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Wala akong mahawakan at mas lalong nanghihina ang aking mga tuhod. Tuluyan akong nanghina at naramdaman kong may sumalo sakin. Hindi ko makita ang mukha niya nang tuluyang manlabo ang paningin ko.
Nagising ako nang makita ang puting kisame at nang libutin ang buong kwarto ay napansin kong nasa Hospital ako. Nakakainis sana pala talaga kumain nalang ako dahil maaari ko namang itanggi na hindi ako kumain diba?! Pero nang dahil diyan sa determinasyon mong walang pinatunguhan ay walang nangyari sayo.
Tatanggalin ko na sana ang nakadikit saking balat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napatigil ako sa aking plano nang makita kung sino ito. Napansin niya siguro na tatanggalin ko ito kayaa aagad siyanag lumapit sa table upang ibaba ang dala at agad akong nilapitan.
"Gabi na ah anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.
"Ikaw anong plano mong gawin? " Hindi niya manlang sinagot ang aking tanong bagkos tinanong rin ako! Haysss
"Sabi ko naman sayo ayoko sa lugar na ito kaya hayaan mo na akong umalis. " May halong pagkainis kong sabi.
"Alam mo, kung kumain ka lang edi sana wala ka rito. " Sabi niya na ngayon ay naghihiwa na ng apple.
"Kasi ikaw bakit hindi ka kumain!" Inis ko na talagang sabi rito.
"Ang sabi ko naman sayo ayoko pero pinilit mo ko kasalanan ko pa ba yun kung ikaw mismo nagdesiyon ng para sa sarili mo?" Pabalang niyang sagot.
"Ayy ewann ko---"
"Tsaka madalas ka pala rito ha.... 5 sa isang buwan?" Tiningnan ko siya ng masama saka hinampas ng unan. Natawa naman siyaa dahil sa nalaman at ginawa ko.
"Paano mo nalaman?! " Mahinahon kong sabi dahil sa gulat at excite na naramdaman. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa! Ako ba ang dahilan non? Hindi nga lang talaga ako kakain sa susunod.
"Hindi na mahalaga yun eto kainin mo nalang muna habang kakausapin ko ang Doctor kung pwede ka ng lumabas. " Hindi ko siya sinagot bagkos ay kinagat ko ang mansanas habang nakatingin sa kanya. Siguro nakuha niya ang nais kong iparating kaya agad din siyang lumabas ng silid.
Nanghintay muna ako ng ilang minuto nagbabakasakaaling babalik siya. Nang masiguradong hindi na nga ay mahina akong nagsisisigaw sa kilig! Bakit ba ako kinikilig eh wala naman siyang ginagawa?! Bakit nga ba siya andito? Nako ha ikaw ha Mr. Felix wag kang ganyan nagiging malandi kana.

BINABASA MO ANG
The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionA/N: (Cover not Mine credits to the owner) Source: Pinterest ! UNDER REVISION ! THEY train so hard so they can get the justice they want. Losing someone is never easy to let go. They seek for the truth because they were left clueless. Hindi sya nag...