Four Nerds 21

1.9K 59 2
                                    

N A T A S H A

"Good Evening, girls!" Agad na bati sa amin ni Tito Seff pagpasok na pagpasok niya sa dining room. Napaismid naman ako dahil doon, ano na naman kayang problema niya?

"You look happy, why?" Tanong ko sabay inom ng juice ko.

"I'll discuss it with y'all once I guarantee it's assurance. Let's not ruin the mood, and enjoy this night." Parang walang makakapawi ng magandang ngiti sa labi niya. Natawa naman ako dahil parang ngayon ko lang uli siya makikita.

I shiverly sighed. I am hoping to plastered those kinds of smiles, genuinely happy. Sana hindi ako nangangamba ngayon. Then suddenly a memory pops into my head. Ugh! Naalala ko na naman ang nakita kanina. But why do I feel guilty? I didn't do anything.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa Theater Room. Kaninang lunch break kasi nag audition ulit ako at ang sabi meron daw silang upcoming project at dahil may nawalang isang member ay kinakailangan na nga daw talaga nila. Napangiti naman ako dahil alam kong ako yung nawala hahaha. Ni hindi pa nga nagsisimula si Jennie noon nawala agad.

Dahil wala ang last subject namin at salamat na rin dalil walang activity na iwan ay pinayagan na kami na umalis. There is no reason to stay anyways. At dahil nga masaya ako ay maaga akong pumunta sa theater room. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok roon saka sinarado muli. Nakapagtataka naman dahil nakita kong bukas ang ilaw sa stage.

Nakalimutan kaya nila itong isarado? Napangiti naman ako dah buti na lang nandito ako pwede kong patayin. But my smile vanished and my forehead knotted. Bakit ko ba naman papatayin? E bubuksan rin naman mamaya... Ang layo pa ng switch ng mga ilaw dito. Nasa backstage iyon gawa ng pag daw nilagay malapit sa audience at pinaglalaruan lang. May point naman yun, so hayaan ko na lang. Habang naghihintay pa ako ng 30 minutes ay naisipan kong akyatin ang stage. Naglalakad na sana ako ng biglang may nakitang isang anino. Agad naman akong napayuko at sinilip kung sino ito.

Kumunot naman ang noo ko ng makitang andoon si Felix. Anong ginagawa niya rito? Ay gaga kasali rin yan dito ha! Ang ibig kong sabihin ay bakit ang aga niya rito? Napailing naman ako dahil pinapasakit ko lang ang sariling ulo sa pakikipagtalo sa sarili.

Nababaliw na ba ako?

Bigla naman akong napangiti ng may maisip. HAHAHAHA! Hindi man kami gaano ka close pero gustong makaganti ni Jennie sa kanya. So as Natasha, I am fulfilling her request and I will make him scream real loud. Gugulatin ko lang ha. Gash...

Dahan dahan akong lumapit papunta sa kanya ng bigla siyang tumugtog. Nagulat ako doon kaya agad na napaupo ulit. Muntik pang makagawa ng ingay buti na lang at napigilan. When I heard strum the guitar my eyebrow automatically raised. So he plays guitar? I bit my lower lip when something is urging me to get closer.

Dahan dahan akong tumayo at naglakad ulit. Nang makalapit ako sa kinaroroonan niya ay bigla siyang huminto kaya agad akong nagtago sa likod niya upang hindi niya ako mahuli. Bigla naman siyang gumalaw at may kinapa sa bulsa niya sa likod. Muntik pang mag-lapat ang balat namin buti na lang ay napaiwas ko.

May nilabas siyang larawan at nais ko sanang tingnan ngunit masyadong malabo kaya dahil medyo may pagka-chismosa ako ay dahan dahan ulit akong tumayo upang silipin ito. Maybe a little thrill won't be bad? I smirked when I fully decided to do my first plan.

Gugulatin ko na sana siya ng biglang makita ang mukha ng nasa larawan. Bigla akong natigilan at nagulat sa sariling nasaksihan. Lumingon siya sa likod at nakita niya ako. His forehead furrowed then followed where my gaze was. He cleared his throat and put the picture back in his wallet. Ibinaba ko naman ang kamay ko saka kurap-kurap ang mata. I bit my lower lip when I feel my eyes getting hot.

The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon