Z A N D R A
Nagmamadali akong pumunta sa susunod kong klase dahil ayokong maabutan ni Louis. Ang laki ng nagastos ko sa kanya! Kasi naman ang dami niya ring in-order at lahat 'yun naubos niya. Alam ko namang ako nagsabi na ililibre ko siya, pero duh. Obvious naman sa panlabas kong anyo na mahirap ako. Why would he buy so much na parang ngayon lang nakatikim ng libre. May pera naman ako, sadyang naiinis lang ako. But why would I avoid him? Why would I ignore when in fact I did him a favor. Or maybe I am just disappointed?
I shook my head. Nagging mabagal ang paglalakad ko dahil lumilipad na naman ang isipan. Why would I get disappointed? Come on, Zandra. Don't expect too much, sa panahon ngayon wala ng lalaki na katulad ng mga nasa librong nababasa. I should stop reading books and make myself belive in such fairy tales.
Malapit na ako sa pinto ng susunod kong klase ng biglang may humila sa akin. Sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko. Nakapikit ako kaya hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Ganito ang plano Zandra, pagkamulat mo ng mata sipain mo agad sa ano tapos tumakbo ka na ng mabilis. Wala nang maraming drama dahil baka iba ang isipin nito pag nalaman niyang magaling ka sa mga bagay bagay ay may mabuking ka agad.
Isa...
Dalawa...
Tatlo-- Pagmulat ko ng mata ay hinawakan ko ang kamay niya nasa aking bibig upang baliin. Nang magwagi sa plano ay agad kong hinarap ito. Inuntog ko ang ulo niya sa aking ulo, napakit ako dahil doon pero ininda ko iyon. Hindi pa kuntento ay hinawakan ko ito sa magkabilang balikat upang tuhudan ang kanyang ano at saka tumakbo palayo rito. Napasigaw naman siya kaya napatigil ako. I am not supposed to face him but he sounds familiar.
"AHHHH!" Agad ko iyong nilingon at nanlaki ang mata ko ng siya ang makita. Agad akong lumapit dito. But one thing for sure, I am on the edge of laughing.
"Hala sorry, h-hindi ko naman alam na ikaw yun..." Pagaalingan akong lumapit rito para siya'y alalayan.
"The hell is your problem?!" He hissed. Hinawakan niya ang kanyang ano at saka nag tatalon talon. Natatawa na talaga ako, kasalanan niya naman.
"K-kalasan mo. Kasi naman bakit mo ko biglang hinila ng ganon, akala ko kung sino!" Hindi ko mapigilang hindi itaas ang boses dahil sa inis.
He stops what he's doing. He is now staring at me and I saw his jaw move. "Why are you even avoiding me?" I sighed.
"Sorry, pero mali ka. Hindi kita iniiwasan, sadyang nagmamadali lang ako." Pagsisinungaling ko pa. Masyadong mababaw ang dahilan ko para aminin sa kanya iyon.
"Sige nga, kung hindi mo talaga ako iniiwasan magkita tayo bukas." Seryoso niyang sabi. My forehead creases as I try to think of his plan. But what should I do? My pride is taking control of me.
"S-sige ba! Itext mo na lang ako kung saan at anong oras pupunta ako. Sige bye, may klase pa ako kaya mauuna na ako." Sabi ko sabay talikod rito upang tuluyang pumunta sa silid.
Argh! Pinatulan mo pa talaga ha, Zandra. Mukhang gustong gusto.
Maaga natapos ang aming klase at upang makaiwas na pag desisyunan ko na lang na umuwi. Asan kaya yung tatlo? Tinignan ko ang phone ko at doon ko nakita ay message ni Louis kung saan at anong oras kami magkikita.
Hindi na ako nag abalang replayan ito. Mabilis akong nagtipa upang mag iwan ng mensahe sa tatlo. Sinabi ko na uuwi na ako at kung nasa school pa sila, huwag na akong hintayin.
Nang maayos at makuha ang importanteng gamit sa locker ay agad akong nagtungo sa labas. Walang lingon lingon akong naglakad at saka lang nakahinga ng makalabas. Pumara ako ng taxi at mabuti na lang ay mabilis ring nakahanap. Mabilis akong sumakay at nakaramdam ng konsensya sa ginawa. Pero bakit? Magda dahilan na lang ako pag nagkita kami. Nakatingin ako sa bintana ng bigla akong kausapin ng taxi driver.
BINABASA MO ANG
The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionA/N: (Cover not Mine credits to the owner) Source: Pinterest ! UNDER REVISION ! THEY train so hard so they can get the justice they want. Losing someone is never easy to let go. They seek for the truth because they were left clueless. Hindi sya nag...