Trixie's P.O.V
Masaya akong pumasok sa bahay ng makita ko si Zandra na nakabusangot sa living room. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Zandra thank you nga pala sa kanina ha! Kung di dahil sayo mapapagalitan na ako ng teacher ko. " Bumitaw na ako sa pagkakayakap pagkatapos sabihin iyon at nginitian siya ng maapansin kong tulala lang siya.
"Hayss.. " Ngumuso ako ng marinig ang reply niya sakin.
"Are you mad at me?" Aishh hindi ko man lang naisip na baka may importante siyang gagawin at basta basta ko lang siyang hinigit sa groupmates niya.
"Hindi. "
"Ehh!! Galit ka eh! Sana sinabi mo nalang sakin na hindi ka pala pwede that time baka may nangyari na hindi dapat. " Pagtatampo ko pero imbis na sagutin ay tiningnan niya lang ako sa itinaas ang camera niya. Nanlaki ang mata ko ng mapansin ang sira nito. "Oh my! What happened to your camera? "
Hahawakan ko sana ang camera niya pero agad niyang iniwas ito saka tumayo. "Hindi ako galit , okay? " Ngumuso ulit ako saka tiningnan siyang umalis papunta sa 2nd floor. Hindi niya man lang hinintay ang sasabihin ko.
Agad din naman akong pumunta sa 2nd floor at dumaretso sa sariling kwarto para makapag bihis at magawa na ang mga dapat gawin dah kung gagawin ko ito mamaya ay baka makalimutan ko na naman. Nakakapagtaka lang paano nasira camera niya. Pinakaiingatan pa naman niya ito, mahilig kasi siya mangolekta ng mga pictures meron siyang cabinet kung saan andoon ang mga flasgdrive niya at may nakalagay na taon. Nagsimula siyang magganoon nang tumuntong kaming high school. Hindi ko alam yun noon pero ngayon nalaman ko dah sinabi niya.
Alam ko namang makukuha niya pa ang mga pictures na andoon pero hindi niya na mababawi ang camera. Sa pagkakakita ko hanggang display nalang iyon. Sayang nga lang dahil pinag ipunan yun ng kapatid niya gamit ang sariling pera para iregalo rito. Alam ko yun! Kasi sakin siya nagpatulong kung anong klaseng model ba ng camera ang maganda sabi ko nga ako nalang muna ang magbabayad pero tinanggihan niya ito at nakakagulat dahil pag uwi namin galing Seoul ay meron na.
Hindi ako naniniwalang siya ang nakasira ito dahil sigurado akong iingatan niya ito ng doble sa mga nauna niyang camera tsaka ngayon ko lang nakita na sira ang camera niya! First time lang iyon!
Nakakalungkot mang isipin at kahit naisin kong bumalik ang oras ay hindi iyon mangyayari. Pero bakit nga ba kung makaarte ako ay parang ako pa ang nasiraan ng gamit? Aishhh.
"Pwedeng makiupo? " Napaangat naman ako ng tingin sa taong nagtanong sakin. Hindi na ako nagulat ng makitang si Enzo yun.
Tiningnan ko ang paligid at doon ko lang napansin na marami pala ngayon ang tao sa Library kaya pala parang ang init. Ngumiti ako sa kanya at tamango. "Sige lang" Pag kasabi ko non ay agad din namang siyang umupo sa harap ko na para bang panatag na panatag na siyang papayag ako na umupo siya sa tabi ko. Well, totoo naman na kahit ako lang tao ngayon sa library ay papayag pa rin akong anditosiya sa harap ko.
Lumipas ang ilang araw at naging close kaming dalawa, hindi man kasing close noon pero masasabi kong malapit na kami doon. Madalas ko siyang makagrupo at makapartner sa ibat ibang activity na meron kami at siguro dahil doon mas nasanay kaming tulungan ang isa't isa.
At dahil sa kanya mas nagiging madi ang paglimot ko sa nakaraan at bumabalik ang tiwala ko sa mga lalaki. Ngunit minsan napapaisip ako na paano kung gusto niya lang na maramdaman ko ang pagiging komportable sa kanya at sa pagdating ng panahon ay lolokohin niya rin ako?
Ayoko na sa mga taong sinungaling at manloloko. Ang hirap mas tiwala at magsabi ng totoo. Naging malapit man ang loob ko sakanya masasabi ko parin na andoon ang pagdududa.
Naranasan ko na kasi dati na magtiwala sa isang tao, sinabi niya sa akin na pinapalayo daw siya ng kanyang magulang na lumapit sa grupo ni Daniella. Tinanong ko siya kung bakit at ang sinabi niya lang ay magagalit sa kanya ang magulang niya at konektado daw ito sa naging issue niyaa noong nakaraan.
Kaya ako bilang isang taong akala ko'y pinagkakatiwalaan niya dahil sa sinabi niyang iyon ay hinayaan ko siyang samahan ako at maging kaibigan ko pero dahil nalaman niya na crush ako ng crush niya ay sinabi niya sa grupo ni Daniella na pinapalayo ko raw siya sa kanila dahil bad influence sila at hindi sila katiwati-wala.
Nakakagulat man ay wala akong nagawa kahit gusto kong magreklamo ay hinayaan ko nalang kung satingin nila ay ganoon akong tao ay sige paniwalaan nila siya, hindi ako ang masama.
"Tanda mo pa ba yung nakasulat sa white board kanina sa English class natin? " Nabalik naman ako sa sariling pag iisip ng bigla itong nagsalita.
Ngumiti ako saka ito sinagot. "Ah-ano nga ulit? " Narinig kong nagsalita siya pero hindi ko narinig ang mismong sinabi niya. Kung ano ano kasi ang iniisip ko yan tuloy nahihirapan kang magfocus.
Natawa naman siya ng mahina saka inulit ang tanong. Cute.
"Ahh oo bakit? "
"May lecture ka ba? Nakalimutan ko kasi eh.." Nahihiya niyang tanong.
Nag-isip muna ako bago siya sinagot. "Ahh oo meron kaso hindi ko pa susulat." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag saka inilagay ang password upang mabuksan. "Eto, pinicturan ko"
Agad naman niya itong tinanggap at nagpasalamat. Tumango ako at tinitigan muna siya habang nagsusulat. Ang sipag!
Patuloy lang ako sa pagsusulat ng maramdaman kong hindi na niya ginagalaw ang kamay. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya. Napakunot ang noo ko pero hindi pinansin at pinagpatuloy ang pagsusulat.
Maya maya lang ay bigla itong nagsalita. "Trix? "
"Hmm? " sagot ko sakanya ng hindi nakatingin.
"Ahh? Kilala mo si Jina? "
"Oo syempre ako--" Bigla akong napatigil sa pagsasalita ng marealize kung kanino ang binanggit niyang pangalan. Napatingin ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko. Doon ko lang nakita na pictures ko na pala ang tinitingnan niya. Kaya pala siya nangiti! At habang natingin ay nakita niya ang mukha ni Jina! Anong gagawin ko?
Dali dali akong tumayo sa pagkakaupo at inilagay sa bag ang mga gamit na nasa lamesa. "Sorry, bye. " medyo napalakas kong sabi kaya napatingin ang mga taong nandito kaya napayuko naman ako saka dali daling tumakbo.
Sh*t okay lang sana na makita niya kasi madaling sabihin na oo kaibigan ko siya pero nadulas ako nasabi ko na ako siya. Paano na ako haharap sa kanya? Nakakahiya naman dapat kasi binura ko na yun eh kaso paano ko gagawin yun eh picture na nga lang ang alaala ko sa mukha kong iyon.
Ilang beses ko siyang iniiwasan sa mga oras na gusto niya akong makausap ay agad akong umaalis ayoko pa, hindi ako handa. Nakakainis naman kasi eh!! Sana pala yun ang una kong sinulat para hindi ko na kailangan ibigay cellphone ko.
"Trixie! " Napabalikwas naman ako mula sa pagkakaupo sa ilalim ng puno kung saan ako madalas na tumambay ng marinig ang boses niya. Tatakbo na sana ako para umiwas ng bigla niyang higitin ang kamay ko para pigilan ako sa plano.
"Wag mo naman akong iwasan oh. " Tiningnan ko siya at doon ko naramdaman ang pagkaguilty. Bakit nga ba? Alam na niya bat di ko nalang sabihin ang totoo.
"Mag usap tayo. " Binitawan niya ang kamay ko at pwede na akong tumakas pero wala akong planong gawin yun. Nakakapagod na rin naman tsaka para matapos na para akong hinahabol ng pulis sa ginagawa kong ito.
"Sorry. " Yun lang ang sinabi ko saka tumungo. Aisshhh feeling maiiyak ako.
Narinig ko ang tama niya kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako saka pinunasan ang luha sa aking mga mata gamit ang sariling kamay. "Di ka dapat nagsosorry. " Naging seryoso niyang sabi pero nakatingin parin ako sakanya. "Dapat nga ako magsorry eh. "
"Huh? " Naguguluhan kong sabi. Hindi siya maintindihan anong ibig niyang sabihin? Bat siya magsosorry? Bakit di ko kailangang mag sorry? Asihh!! Naguguluhan ako!
"Matagal ko ng alam. "
BINABASA MO ANG
The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)
Novela JuvenilA/N: (Cover not Mine credits to the owner) Source: Pinterest ! UNDER REVISION ! THEY train so hard so they can get the justice they want. Losing someone is never easy to let go. They seek for the truth because they were left clueless. Hindi sya nag...