Natasha's P.O.V
Pagkatapos kong maubos ang prutas na inihanda sa akin ni Felix ay agad din naman siyang bumalik. Pinigilan kong ngumiti kaya upang tunay na makaiwas rito ay isinubo ko ang natitirang slice ng mansanas.
"Sabi ni doc pwede kana raw umuwi tsaka baka nag-alala na sayo ang parents mo. I want to call them using your phone but it has password so.. I waited five hours until you wake up. " Sana di na siya bumalik.
Kasi pinipigilan ko talaga pero wala eh kaya ko nga ito ginagawa at tinatrabahong mag-isa upang malaman kung totoo nga ba ang mga bagay na pinaghihinalaan ko para mapuno ako ng galit at poot sa taong nasa harapan ko. Ngunit bakit ganito ang ginagawa mo sakin? Masyado mong pinapaasa ang marupok kong puso!
Doon ko lang napansin na sobrang gabi na hindi ko man lang nagawang icheck ang phone ko. Kainis! Kaya agad kong kinuha ang bag ko at tiningnan kung andoon ang cellphone ko. Hinalungkat ko ito ng hinalungkat kulang nalang ilabas ko ang mga gamit ko pero hindi ko nakita ang aking cellphone. Titingnan ko siya para sabihing wala rito ang cellphone ko pero baka ko pa man maibuka ang bibig ko ay agad niyang nilabas ang cellphone ko.
Dahan dahan siyang ngumiti saka tumawa. Tiningnan ko siya ng masama saka inagaw ito sakanya. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko minsan ko lang siyang makitang ganyan! Kaya dapat magpasalamat ako.
"Hayy naku!! Nakakainis naman dapat binigay mo na agad! " Kunwaring galit kong sabi pero mahahatala mo namang joke lang.
"Sorry, I didn't know" Natatawa niya paring sabi pero pinipigilan. Dahil doon ay agad kong binuksan ito at nagtaka naman ako ng mapansin kong wala man lang nag message sakin bukod kay Lauren. Nadismaya ako pero malay mo naman diba busy sila? Baka may importanteng dapat gawin kaya hindi na nasiguro kung may kulang saamin pero bakit si Lauren naalala?
Tumingin ako kay Felix at agad na niyaya itong umuwi. Naging tahimik ang buong eksena siguro dahil na rin sa reaksyong pinakita ko ng makuha ko ang cellphone ko. Kaya siguro hindi nasabi ni Felix kina Tito ang nangyari sakin kasi wala naman palang nag-alala o tumawag.
Nagpahatid lang ako sa labas ng subdivision namin kay Felix dahil hindi ko siya pwedeng dalhin sa loob. "Salamat pala sa paghatid ha! Sorry sa lahat ng problemang dinulot ko sayo. " Sabi ko ng itigil niya ang kotse.
"No prob. Sorry din.." Tipid niyang sabi, tumango naman ako saka nagpasalamat ulit. Tuluyang lumabas ng kotse at hinintay muna itong umalis bago ako pumasok sa loob. Habang naglalakad ay nakamasid parin ako. Nakakatakot na ayokong mapahamak, sana naman ay walang mangyaring masama sa akin.
Pagdating ko sa loob ng bahay ay napansin ko ang malakas na tawanan sa Garden namin, dahil nacurious ako ay agad akong pumanta doon at kung anong nangyayari.
Napansin ko ang tatlong babaeng nasa harap ng long table kung saan nang aayos ng makakain at si Tito na busy sa paghahanda ng pag iihaw. Agad namang napansin ni tito ang aking presensya kaya agad niya akong tinwanag.
Masaya akong ngumiti at lumapit doon pero aagad din itong nawala ng hindi pa ako nakakalapit ay nakita ko kung sino ang isa tatlong babaeng andoon. Stacey?
Nagulat siya ng makita ako pero agad din namang tumakbo papalapit sa akin upang yakapin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Matutuwa ba ako? Maiinis? Maiiyak? Hindi ko na alam.
Matutuwa ba ako kasi hindi ko na kailangang mag sinungaling sa dahilan na alam kong buhay siya? Maiinis ba ako dahik hindi man lang niya nagawang sabihin saakin na andito pala siya?
Maiiyak ba ako dahil alam kong napalapalapit na ako sa taong mahal niya."Kamusta kana Stacey!" Sabi ni Trixie na kakarating lamang. Kahit siya ay nagulat pero imbis na magtaka ay natuwa pa sila.
"Eto ganon parin naman! Hahaha! "
"Pwedeng ikwento mo samin ang nangyari sayo? " Naguguluhan na si Zandra.
"Sorry. " Yun lang ang nasabi ko na nakaagaw sa atensyon nila. Pinanlakihan ako ng mata ni Stacey kaya yumuko nalang ako.
"Sorry, hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan pero akala ko kasi talaga mamatay na ako pero may tumulong sa akin, ilang buwan akong hindi nakapag salita kaya hindinko masabi kung sino ako sa mga taong tumulong sa akin. Pag ipas ng ilang buwan, naging maayos naman ako mabuti nalang at mababait ang tumulong sa akin. Pinuntahan ko kayo sa dati nating bahay pero wala na kayo at doon ko napag-alaman na nasa Korea na kayo. Wala akong choice kundi itago ang sarili ko at magpanggap na patay. "
Tiningnan niya ako at binigyan ng sign para ipagpatuloy ang kwento. "Naalala niyo nung araw na bumalik tayo sa Pilipinas? " Nagtataka sila kung bakit ako na ngayon ang nagsasalita pero sinagot din naman nila ito.
"Unang araw natin ay naisipan nating pumunta sa sari-sariling pamilya. Paalis na ako non para pumunta dito sa bahay ito ng makita ko siya sa labas ng subdivision namin. Akala ko nung una na malikmata lang ako pero siya----"
"So matagal mo ng alam?! Pero ngayon mo lang sinabi? " Sigaw ni Zandra..
"Sorry.." yun lang ang nasabi ko
"Bakit hindi mo man lang nagawnag sabihin sa amin! " Laura
"Kasi inutos ko sa kanya yun, tamang gawin niyo ang paghihiganti, dahil natatakot ako makasira ulit sila ng ibang pamilya! " Singiti ni Stacey
"Pero sana narealize mo yung mga pinagdaanan namin.. " Naiiyak na sabi ni Trixie kaya agad akong lumapit sa kanay upang patahanin siya. Naawa ako sa kanila pero mas naawa ako sa sarili ko.
Bakit parang may nag iba sa kanya? Stacey, matagal kitang nakasama pero bakit parang ang layo layo mo parin?
Natapos ang aming gabi ng iyakan, sayahan at iba pang maaaring gawing bagay na matagal na naming nagawa. Iniwan din kami ni Tito para magkaroon kami ng time sa isa't isa.
Ano kayang nararamdaman ni Tito? Nasaktan kaya siya? Hindi niya ako pinapansin siguro nga galit siya sa akin. Wala naman akong magagawa gusto kong makatulong pero sa mga aksyon na pinagpipilian ko may kailangan masaktan.
"Natasha thank you ha. " Sabi ni Stacey sa akin bago ako lumabas sa kwartong tutulugan niya.
"No prob, gusto ko alng makatulong at masaya ako dahil masaya ka at masaya kayong lahat." Pilit na ngiti kong sabi bago tuluyang lumabas.
Nakakaramdam ako ng kaba at ayoko ng ganito. Natatakot sa maaaring mangyari pero siguro dahil bumalik na siya kailangan ko ng itigil ito. Tatapusin ko lang ang play, gagawin ko na ang matagal ko ng desisyon. Ang desisyon na aking pinili ng malamang buhay siya at siya nga ang taong nagpalito saking isipan.
BINABASA MO ANG
The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)
Novela JuvenilA/N: (Cover not Mine credits to the owner) Source: Pinterest ! UNDER REVISION ! THEY train so hard so they can get the justice they want. Losing someone is never easy to let go. They seek for the truth because they were left clueless. Hindi sya nag...