002

1K 24 0
                                    


McCoy's POV

"McCoy!! Gising na!!" Sigaw sa akin ni Nanang.

"Nang. 5 minutes pa po." Sagot ko at ibinaon ang mukha ko sa unan.

"Alas nuwebe na Toto! Late ka na sa flight mo!"

Nagising naman ako bigla at nagmadaling pumunta sa banyo. Nanang naman ehh..

McCoy De Leon. 23. Oo, nasa States ako at uuwi kami ngayon sa Pinas. Marunong naman ako magtagalog dahil tinuruan ako ni Mommy. Hiwalay ang flight na kinuha ko dahil ayaw kong kasabay si Mommy tuwing lilipad. Saakin niya kasi ipapahawak si Marcus at kung matutulog ay naglalaway. Heck, ayaw ko silang kasabay! Yeah, ang babaw lang ng rason kung bakit ayaw ko silang kasabay. Ehh..At ngayon ay late na nga ako sa flight ko!

I finished my business inside the cr and dressed myself up. Kinuha ko na lahat ng belongings ko.

Babalik din si Nanang sa Pinas pero bukas pa ang flight niya. Hmph. Buti pa siya.

Nagpaalam ako kay Nanang at nagmadali na papuntang airport.

Time Skip

Nakahabol naman ako sa flight ko. Thankfully.

Di ko alam kung ilang hours ang biyahe kaya nag isip-isip nalang muna ako.. Planong kung balikan ang university namin dati. Kahit may bad memory ako dun. 'Wag na kayong magtanong kung ano.

Nakatulog ako sa sobrang pag iisip.

Another time skip

Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao. Nakalapag na pala ang plane at ako dito, tulog pa. Heh. Sumunod na din ako sa pagbaba.

"Welcome back to Philippines McCoy."

Narinig kong may nagsabi. Si Mommy pala. Nandito sila sa airport. Yinakap ko muna siya ng madali.

"Hinintay niyo ako dito?" Tanong ko.

"Oo. Pero halos magkasunod lang naman tayo." Sagot ni Mommy habang naglalakad kami papunta sa mga upuan kung saan nandoon si Daddy.

"Muntik pa nga ako malate. Hehe." Sabi habay kamot sa ulo.

Tumawa nalang sila lahat sa akin sabay sabing,

"Habit mo na yan!"

Kadalasan kasi kung nagbabakasyon kami sa ibang bansa ay hiwalay din ako ng flight. At, late din palagi. Kaya nga sabi nila na habit ko na 'yun.

Sinundo kami ng isang limo. Linagay namin ang aming mga bagahe at sumakay.

Medyo mahaba pa ang biyahe kaya ng tanong muna ako kay Mommy.

"Bakit nga pala tayo bumalik dito?"

"Dito na tayo titira. Bakasyon lang tayo sa States minsan. Bubuhayin uli natin ang kompanya. At malaki ang maitutulong mo dun at ang anak ng Tita Barbie mo." Sagot niya naman.

Malaki ang maitutulong ko at ang anak ni Tita Barbie? Diba babae yung anak niya? Ano naman maitutulong namin.

"Alam kong medyo malabo pa para sayo, pero bukas mo malalaman lahat. 'Wag ka sanang mabibigla." Dagdag pa ni Mommy.

Sana nga wag talaga. Dahil kung ano man 'yan, sigurado akong 'di ko magugustuhan.

Nakarating kami sa dati naming bahay. At in fairness, bagong bago pa ito. Siguro magagaling talaga ang mga nag aalaga sa bahay namin.

Nauna na akong pumasok dahil pagod na pagod na ako. Hindi nga ako nagkamali dahil kahit sa loob ng bahay ay malinis talaga. Nakita ko yung mga mesa at may mga nakatungtong na pictures namin 'nung bata pa kami. Napatawa nalang ako dahil ang liliit pa namin dito.

Sumunod na pumasok sina Mommy. Nagpaalam ako na magpapahinga muna ako.

Umakyat ako sa taas dahil nandoon ang kwarto ko. Pagbukas ko palang ng pinto ay bumungad saakin ang dati kong kwarto. Parehong pareho parin ang itsura. Pati mga bedsheets at punda ng unan. Pati rin ang pintura ng dingding at mga poster kong pinagkakakabit sa dingding nandoon pa. Pero syempre malinis at mabango naman ang kwarto. Ang galing talaga ng mga nagbantay dito.

Humiga ako sa kama at hindi na pinakealaman ang mga gamit kong hindi pa nakaayos. Hindi ko na rin gustong mag aksaya ng oras para magbihis dahil nga sa pagod na ako.

At nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon