McCoy's POV
Matapos ang buong araw sa trabaho ay nakauwi din ako sa bahay. Himala nga natapos ko lahat ng kakailangan sa araw na to.
Sino ba naman yung hindi gaganahan kung hanggang sa parking lot ihahatid ka?
Dumiretso agad ako sa kwarto at humiga. Minessage ko muna si Elisse.
Mokya🙈: Kain na.
Princess💕: Busog pa ko.
Mokya🙈: May gagawin ka ba bukas?
Princess💕: Wala naman na. Bakit?
Mokya🙈: Bukas ng hapon. Pa cafe tayo.
Princess💕: Sige sige.
Mokya🙈: Kain muna ko.
Princess💕: Wag ka ng magpakataba ah.
Tumawa nalang ako at bumaba na dahil sa tawag ni Mama ng hapunan.
Time Skip
"Kailan mo lang kasing i-seperate ito tapos ito yung ipabigay mo kay Tita." pag-e-explain ko kay Elisse.
Nandito ulit ako sa Joson Industries. Tinutulungam ko nalang siya. Medyo madami dami din kasi yung mga nakatambak dito. Gusto ko maging mabait kahit ngayon lang.
"Hindi ko nga kasi maintindihan." sabi niga at linabas ang ibabang labi.
Pacute amp.
Parang isang math problem tapos nagpapaturo siya sa teacher. Pero hinding hindi niya talaga makuha.
Napatawa lang ako sa reaksiyon niya. Nalilito na din kasi siya, sa dami ba naman ng gawain niya dito.
"Ihihiwalay mo lang nga." sabi ko at turo ulit sa isang folder.
"Ay ewan ang gulo." sabi ni Elisse sabay kamot sa ulo.
"Tulungan nalang kita." sabi ko sa kanya at ngumiti. Dahilan para ngumitj din siya at pinagpatuloy na nin yun pagseseperate ng mga files.
Habang gumagawa siya, di ko maiwasang tumitig sa kanya.
Anong ginawa ko para mapasakin ka?
Yung mukha niyang seryoso na halata na talagang naguguluhan pero patuloy parin. Yung kilay niya na nagkakasalubong pag nalilito siya. At ang mga mata niyang di maalis alis sa ginagawa niya.
Seryoso pero dyosa padin ang dating.
Ang swerte ko para makita lahat ng to.
"Baka matunaw na ko niyan." sabi ni Elisse. Hindi parin naaalis ang mata sa ginagawa niya.
"Bawal ba tumitig?"
"Bat ba kasi tinititigan mo ako?"
"I'm just admiring what's mine."
Hinampas niya naman ako sa braso pagkasabi ko nun. Tumawa nalang ako. Totoo naman diba.
"Just stating the fact." sabi ko na nakangiti sa kanya.
"Ok na. Nagets ko na. Upo ka muna dun." sabi niya at tinulak ako sa direksyon ng sofa. Sinunod ko lang siya at umupo na muna sa sofa.
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage | McLisse
Fanfiction[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme aside tho, it's year 2021 and I still am a supporter of these two kahit di na ako gano'n ka-active as...