Elisse's POV
"Bakit nga pala nagplano sila agad?"
Seryoso, nakinig kaba talaga?
"The sooner the better." sabi ko at huminga ng malalim. Napansin siguro ni McCoy.
Parang wala ako sa sarili ngayon. Parang gusto kong itigil muna yung oras.
Hindi sa ayaw kong ikasal kay McCoy. Mabuti siyang tao at alam kong hindi niya ako pababayaan(aish). At syempre, mahal ko na rin yun.
Mahal ba or gusto ko lang?
ANG GULO EWAN KO BA. BASTA AKIN LANG YUN.
Ang lalim na kasi ng iniisip ko. Tinitingnan ko na kasi ang sarili ko sa future at parang ang bilis bilis ng lahat ng pagyayari.
Akalain mo yun, patatawagin ka sa office. Tapos ang aga pa ng sinet na oras sa alarm. Papakilala ka sa mga tao tapos BOOM! Engaged kana.
Pero aaminin ko, ang swerte ko parin dahil hindi ibang tao ang naging anak ni Tita She. Ang swerte ko dahil si McCoy yun. Ang swerte ko dahil siya ang maipapakasal sa akin. Ang swerte ko kasi nakilala ko siya. Ang swerte ko dahil napamahal na siya sa akin.
Pero ako ba, napamahal din kaya sa kanya?
Hindi ako nagsisi nag agree ako sa deal nato. Pero hindi ba parang ang bilis naman?
23 palang ako. Sa totoo lang dati ang plano ko talagang edad na maikakasal is 25+.
Pero malapit na din naman dun. But still.
"Elisse? Hoyyyyyy!" sabi ni McCoy habang kinakaway ang kamay niya sa harap ng maganda kong mukha.
*awesome hair flip*
"Lutang ka yata. May problema ba?" tanong niya sa akin. Pumasok na kami ng elevator at pinindot niya yung ground button.
"Nabibigla parin siguro. Ewan ko ba." sabi ko. Matagal tagal pa bago kami makaalis dito. Sa top floor yung office ni Mommy eh.
Bigla akong hinila ni McCoy papalapit sa kanya.
Yinakap niya ako.
Puso ko? Asdfghjkl♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Yumakap naman ako pabalik syempre. Kailangan i-enjoy ang moment. Plus, kailangang kailangan ko yun.
"Alam ko. Nakakabigla ang lahat. Pero nandito na tayo eh. Panindigan nalang natin." sabi niya habang hinihimas ang buhok ko. Napangiti nalang ako.
AYIEEEE.
Kumalas siya sa yakap kaya tinitigan ko siya.
"Para san yun?" tanong ko sa kanya.
"Alam kong medyo nape-pressure kana. Kaya sa tingin ko kailangan mo yun." nakangiting sagot niya. Kaya yinakap ko siya ulit.
Wow. Lakas ng loob kong gawin yun ah. Proud na ko sa sarili ko.
"Salamat. Dahil nandiyan ka." sabi ko. Di ko man siya makita pero ramdam kong nakangiti siya na parang nanalo ng 1 million dollars sa lotto.
Narinig namin yung tunog ng elevator ibig sabihin sa baba na kami kaya kumalas kami sa yakap.
Naglakad kami papuntang parking lot pero-
"Teka, san tayo pupunta?" tanong ko. Malay ko ba. Kanina pa kami nag-uusap tapos may pa elevator moment pang yun. Ewan ko kung san kami pupunta.
Or didiretso nalang ako sa bahay. Pero maaga paaaaa. Gusto ko pa siyang makasama. Ayieee.
"Park?"
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage | McLisse
Fanfiction[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme aside tho, it's year 2021 and I still am a supporter of these two kahit di na ako gano'n ka-active as...