Elisse's POV
I've been spending the past few hours in trying to untangle the ropes. Pero wala talaga. Pinagpapawisan na ako sa pagod ng paggalaw dito sa upuang to.
Masyadong mahigput ang pagkakatali. Siguro may marka sa to sa kamay ko.
Malapit ng maggabi, ibig sabihin babalik na dito si Jerome any minute.
Wala na akong maisip na paraan kung paano makawal dito. Unti unti ng natatanggap ng damdamin ko na hindi ko na nga ulit makikita si McCoy.
Pero hindi ako papayag.
Pero parang imposible na din. Wala na akong magawa.
Pinipigilan kong pumatak ang mga luha mula sa mata ko. Hindi ako titigil, gagawin ko hanggang sa kaya ko. Gagawin ko ang lahat para makatakas ako dito.
Bumukas ang nag-iisang pinto at pumasok si Jerome. Bumilis ang tibok ng puso lalo na't nung magtagpo ang mga mata namin. Nakangisi lang siya, sa istura ko ngayon, halata siguro niya na sinusubukan kong makawala.
"Time's up." sabi niya. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang nga tali.
Kita mo nga naman.
Pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas talaga siya.
Matapos niya akong mapakawalan ay itinali niya ulit ang kamay ko, doble pa sa higpit nung nauna.
Mashaket.
Nag-iisa lang siya kaya medyo nahihirapan na din siya sa sobrang likot ko. Gusto ko makawala eh.
Pero hindi nga naman siya ang pinakamatalining tao sa mundo.
Kayaman-yamang tao, hindi manlang naghire or nagpatulong sa iba or what. Mas pinili niya pang mag-isa. Yan tuloy nahihirapan na siya.
Hindi nga naman ginagamit utak. Konting isip naman oh! Hindi kaya nakatali ang paa ko.
With no other word, sinipa ko ang mahal niyang tinatagong yaman. As hard as I can, sana hindi ka na magkaanak niyan.
Napa-aray naman siya sa sakit at nabitawan niya ako. Kahit nakatali ang kamay ko, tumakbo ako papunta sa pintuan papalabas ng basement.
Pero nakalock, pinaikot ko ng pinaikot ang doorknob, wala parin. Mahirap na nga kasi nakatali pa ang kamay ko.
Ano ba naman nasa loob ako! Hindi na to kailangan ng susi!
Pero may keyhole, so may susi nga to. Sigurista din pala si Jerome.
Ng makarecover na siya sa 'sayaw' na ginawa niya ay agad itong tumakbo sa akin.
Then sinamapal ako. Malakas. Sapat na para matumba ako sa lupa. May marka na naman to!
He grabbed my chin and made me face him. Klaro sa mukha ang galit nito.
"SASAMA KA SA AKIN!" sigaw niya. Pati ang mga laway na nakatakas sa bibig niya ay nagfly-away.
"HINDI AKO SASAMA SA TAONG MABAHO ANG HININGA!" sigaw ko pabalik sa kanya kaya ayun, nasampal ako ulit.
Pinatayo niya ako ng super harsh at aakmaing sasampalin ulit pero nakailag ako at sinipa siya ulit.
Di manlang talaga nag iisip. Tsk.
Puro ka sampal. Bakla!
Kinaladkan niya ako sa isang part ng basement na hindi ko pa napuntahan or nakita manlang, may isa pang pinto doon. Nakabukas na.
Sayang.
Gumalaw ako ng gumalaw para makawala sa hawak niya, pero hinigpitan niya pa ito lalo.
Nakita ko yung kotse niya dun sa labas. Nakita ko di na may mga pumapatak ng ulan. At unti unting lumakas ito.
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage | McLisse
Fanfiction[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme aside tho, it's year 2021 and I still am a supporter of these two kahit di na ako gano'n ka-active as...