015

407 15 2
                                    

Happy 900 reads!

Elisse's POV

Umaga na at una kaming girls na nagising. Nakita namin yung posisyon ng boys.

Si Ryle nasa ulo na yung kumot.
Si Tom nakabaliktad na. Yung ulo niya sa may paanan tsaka nakapatong yung paa niya sa dibdib ni Jimboy.
Si Nikko naman nasa ILALIM NG UNAN yung ulo.
Basta yung iba ang gulo na. May wrestling na nangyari dito.

Si McCoy at si Zeus naman nagkanya kanya sa kanila. Humanap sila ng sariling pwesto somewhere sa sala.Umiiwas sa gulo. Silang dalawa lang yung matinong natulog.

Nandun na sina Yassi sa kusina naghahanda ng almusal.

Lumapit muna ako kay McCoy at umupo sa tabi niya banda.

Tinitigan ko ng maiigi ang mukha niya.

Mahahaba ang pilikmata. Matangos ang ilong. Mapulang labi na ang sarap halikan.

Hala? San nanggaling yun?

Erase. Erase.

Ang amo ng mukha niya. Parang himbing na himbing siya sa pagtulog.

"Elisse? Ano yan?" narinig kong sabi ni Sofia sa likod ko.

"Ah wala sige punta na ko sa kusina." sabi ko at tumayo agad agad at hinila si Sofia papuntang kusina.

Agad naman niyang sinumbong kina Yassi yung nakita niya kanina.

Bestfriend ko nga talaga sila :-|

"Guys umupo lang ako sa tabi niya ok?" depensa ko sa sarili ko pero parang wa epek.

"Bakit ka umupo dun kasi? Sus depensa pa more. Huli ka na balbon." sabi ni Michelle at nagtimpla ng Milo para sa aming lahat.

"Ewan ko sa inyo. Yassi nagtataka lang ako, asan yung mga katulong niyo?" pang change topic ko.

"Day off. At sina Mommy at Daddy bumalik ng New York. Mags-stay sila dun for ilang weeks. Y'know office stuffs." sabi ni Yassi habang nagpiprito ng itlog.

Ako naman dito naghahanda ng sandwich.

Hari kasi ang mga Hashtags ngayon. At last day na to ng sleepover. Then mag babakasyon na kamiii.

Kami pa lang yung nakakaalam nun. Hindi pa nasasabi sa Hashtags kasi kami yung assigned sa mga plano.

Para san pa ba yung one month leave diba?

Si Yassi quit muna ng modelling. Si Michelle naman sa pagpipicture at kami ni Sofia sa office.

Isang buwan yun kaya susulitin namin.

Linagay na namin lahat ng pagkain at kami ni Michelle ang bumalik sa Hashtags.

Tulog pa din.

Pumunta muna ako kay "fiance" at inalog siya ng konti.

"Mokya, gising na."

Hindi eh. Walang effect.

"Gising na." sabi ko at inalog siya uli.

Nakita ko naman na pilit ding ginigising ni Michelle yung iba. Then,

May naisip ako.

Tinawag ko si Michelle na bumalik sa kusina. At nagpatulong kami kay Sofia at Yassi.

Kumuha kami ng takip ng kaldero.

MWAAHHAAHAHAHA.

"Ready?" sabi ni Yassi at umatake na kami.

"GISING NA SUNOG SUNOG!"

"UMAATAKE ANG ISIS!"

"HAHAHAHAHAH"

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon