024

332 12 1
                                    

McCoy's POV

Napag-usapan naming sa susunod nalang ulit kami lalabas ni Elisse. Nawalan siya ng gana. Kahit tapusin yung paperworks niya tinatamad na siya.

Matapos niyang ikwento lahat sa akin, di ko alam kung anong mararamdaman ko. Nangyari sa kanya yun? Lahat ng yun?

Bakit ba nila sinasaktan ang anghel na katulad mo?

Pagkatapos ng lahat ng iyak niya, nagpahatid siya sa akin pauwi sa kanila. Pina-stay niya na din ako don.

Pagdating namin sa bahay nila. Ang katulong lang nila yung nandon. Pero hindi na niya kami pinansin kasi may ginagawa pa siya sa kusina.

Ang tamlay tamlay na ni Elisse. Maputla pa. Parang may sakit. Nag-aalala na tuloy ako.

"Elisse, ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti.

Halata namang hindi eh. Kainis.

Bat pa kasi pinakita ko pa yung comment na yun.

Ang pula na ng mata niya. Parang magtatransform na aswang maya maya.

Umakyat kami sa hagdan at dumiretso sa kwarto niya. Matapos niya magbihis sa cr ay dumiretso siya sa higaan. Nagkulubong ng kumot.

Huminga ako ng malalim. Naguguilty tuloy ako. Dahil sakin nagkakaganyan siya.

Hinubad ko yung sapatos ko at tinabihan siya. Kinuha ko yung kumot para kausapin siya ng mabuti.

"Sorry." sabi ko at yinakap siya. Yung ulo niya nasa dibdib ko lang. Mga maliit niyang braso nakakapit sa bewang ko.

Hinimas ko ang buhok niya. Nakakaadik nga eh.

"Matulog ka na muna. Alam kong napagod ka. Nandito lang ako." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Ngumiti lang siya sa akin. Halata na sa mukha niyang pagod na sa kakaiyak.

I don't want to see her like this.

Pero ang swerte ko paron dahil ako yung nandito. Nagco-comfort sa kanya.

Pinagmasdan ko lang siya habang unti unti na siyang nakakatulog.

Hindi ako nagkamali na mahulog sa kanya. Sa taong gaya niya. Sa taong katulad niya. Iisa lang siya dito sa mundo, sa akin pa talaga napunta.

Ang swerte ko diba?

Ang ganitong klaseng tao,hindi na dapat pinapakawalan. Kasi pag ginawa ko yun. Baka makuha ng iba.

Hinding hindi ko hahayaang mahawakan pa siya ni Jerome at kung sino mang mananakit sa kanya.

(Italics: Lyrics of the song "Statue" by Lil Eddie)

When the day is said and done in the middle of the night and your fast asleep my love.

Wala na kong mahihiling pa kundi makasama ka. Hindi na ako makapaghintay sa kasal na yun. Kung pwede lang sana ipamadali. Pero syempre, Slowly but surely. Basta importante sa huli tayo parin.

Stay awake looking at your beauty telling myself 'I'm the luckiest man alive.'

Pinagmasdan ko pa siya ng maigi. Ang maganda niyang mukha. Mahabang pilikmata. Matangos niyang ilong. Pisnging masarap pisilin.

Cause so many times I was certain you're just gonna walk out of my life, life.

Minsan napaiisip din ako, sa lahat ng tao dito sa mundo, bakit ako yung nagustuhan mo?

Why you take such a hold of me girl when I'm still trying to get my act right?

Madaming iba diyan. Na alam kong hindi makaka-hindi sayo. Pero bakit kaya ako?

What is the reason? When you really could have any man you want.

Anong nakita mo sa Bangus na to? Hindi naman ako yung tipo ng tao na magugustuhan agad. Simpleng tao lang naman akon. Pero bakit nga kaya?

I don't see what I have to offer.

Pero kahit nga ako, di ko alam kung bakit parang ang bilis. Ang bilis ko nahulog. Ang bilis ko natalo. Bakit ba kasi? Kasi ba ramdam ko na ikaw na yun? Yung taong alam kong makakasama ko habang buhay? Yung taong hahawakan ang kamay ko sa harap ng altar? Yung taong kasama kong manunuod ng paglipas ng panahon?

I should have been a season. Guess you could see I had potential.

Pinadaan ko ang mga daliri ko sa mukha niya. Tinititigan siya ng maigi habang natutulog. Ang mga braso niya, hindi naalis sa bewang ko kaya abot tenga ang ngiti ko. Dapat masanay na ako sa ganitong view. Kada umaga. Kahit hapon palang ngayon.

Do you know your my miracle?

Ikaw ang isa sa pinakamahalagang aksidente sa buhay ko.

I'm like a statue, stuck staring right at you.

Nagpapasalamat ako kay Mommy na ikaw ang pinili niya. Para ikasal sa akin. Para makasama ko.

Got me frozen in my tracks. So amazed how you take me back, each and everytime our love collapsed.

Wala na akong mahihiling pa Elisse. Alam kong hindi pa tayo nagtatagal, pero hindi naman sa tagal ng panahon masusukat yun eh.

Statue, stuck staring right at you.

Nakangiti parin ako. Hindi naaalis ang mata ko sa mukha niya. Mukha niyang dinaig si Sleeping Beauty.

So when I'm lost for words everytime I dissapoint you.

Hinalikan ko muli siya sa noo. Syempre, hanggang sa noo muna. Bawal pa. May respeto naman ako sa kanya.

It's just cause I can't believe. That your so beautiful..

Oo, magandang mabait na loka loka. Nasayo na ang lahat. Gusto ko siyang barilin ng halik pero baka magising. Kaya patuloy ako sa pag daydream.

Don't wanna lose you no.

Hindi. Hindi na kita papakawalan pa. Kasi pag ginawa ko yun, habang buhay ko ng pagsisisihan.

Stuck like a statue.

Nag-iwan ulit ako ng isang halik sa noo niya. Di ko maiwasan. Ang sarap niyang paliguan ng halik.

Matapos ang ilang oras na kakatitig sa kanya ay natulog na din muna ako.

Time Skip

Elisse's POV

Nagising akong sobrang sakit ng ulo. At naramdaman kong may dalawang brasong nakayakap sa kin.Dinilat ko ang mata ko at nakita ang tulog na McCoy.

Parang bata.

Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 7 na pala ng gabi.

Dinilat na ni McCoy yung kanyang mata at agad agad na ngumiti nung makita niya ako.

"Late na. Baka nandito na si Mommy." sabi ko. Hindi parin siya bumibitaw sa yakap.

"Kain na tayo." sabi ko at tumayo kaya sumunod na si McCoy pababa.

Pagdating namin sa sala, nadun na si Mommy.

"Nakatulog kayo kanina. Parang pagod kasi kayo kaya binabayaan ko muna. Umupo na kayo. Kakain na." sabi ni Mommy at umupo. Sumunod na din kami ni McCoy.

Kami na din yung naghugas ng pinggan. Ewan ginaganahan siya eh.

Pagkatapos nun ay umuwi na siya.

Bumalik ako sa kwarto. Gusto kong matulog ulit. Pagkahiga ko ay huminga na agad ako ng malalim.

'Bat kaya ganun yung comment ni Jerome?'

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon