035

343 16 7
                                    

Elisse's POV

Oo, gusto kong matapos na to.

Oo, gusto kong magkasama kami ulit.

At nung makita ko ulit ang mga mata niya, mas nabuhayan ang loob kong lumaban dahil gising na siya.

Pero kung siya ang tatamaan ng bala, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Tumakbo ako ng mabilis sa harapan ni McCoy. At tinanggap ko na kung ano man ang mangyayari.

Para sayo.

Gagawin ko.

Naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig, unti unti ng pumipikit ang mata ko.

Then I was engulfed by total darkness.

Patay na ba ako?

Third Person's POV

It's been 4 days since nangyari ang aksidente. Jerome is locked up real good. At sa mga nagdaang araw ay tuluyan ng nakapagpagaling si McCoy and nadischarge na sa ospital.

Pero pinalitan naman siya ni Elisse.

4 na araw na ay hindi pa siya nagigising. Nakuha ang bala sa bewang niya, pero di pa siya nagigising.

Ang mommy ni Elisse ay nawawalan na ng tulog sa pagbabantay kay Elisse. Kasi sabi nga niya,

"I would be very happy if I see her eyes open once again."

Si Tita Sheila at ang tropa naman ay tuwing hapon pumupunta sa ospital para bisitahin siya, dahil sa umaga, may kanya kanya naman silang trabaho. Hindi sila gumagala or lumalabas kung hindi nila kasama si Elisse. So kinaya nilang 4 days walang gala? Himala.

Ganun kasi nila kamahal si Elisse.

At kay McCoy naman, 24/7 nasa tabi lang ng hospital bed kung nasan si Elisse.

Umaalis lang siya kung kailangan niyang bumalik sa bahay nila , then babalik din agad agad.

Ganito pala ang nararamdaman ni Elisse nung naaksidente din siya. Ngayon alam na niya ang feeling.

Feeling na mawalan.

He almost break down, lalo na ng makita niya yung dugo ni Elisse sa sahig.

Sa apat na araw nayun, kinakausap niya lang si Elisse. Umaasang naririnig siya nito at magising na.

Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya. Dahil dapat siya daw ang nasa pwesto ni Elisse ngayon. Dapat siya ang nahihirapan, hindi si Elisse.

Araw araw din niyang pinapasalamat si Elisse. Sa pagsagip sa kanya. Pero sana daw siya nalang para hindi na niya nakikitang nahihirapan si Elisse.

Gusto niyang bumalik na sa normala ang lahat.

Gusto na niyang magising ang prinsesa niya.

Gusto niya.

Sobra.

McCoy's POV

Umupo ako sa upuan sa tabi ng hospital bed. Agad kong hinawakan ang kamay niya

Day 5 na tulog pa din siya.

Tinitigan ko siya ng mabuti, may mga tubong nakalagay sa iba't ibang parte ng katawan niya, which looked painful. Pero kung i-total, diyosa pa din.

Huminga ako ng malalim, at tumingin ulit sa kanya. Sa nagdaang limang araw, ito lang ang nakikita ko.

Sana magising ka na.

Miss na kita.

So ganito din pala yung feeling niya nung maaksidente din ako. Kaso mas malala yun dahil dalawang linggo akong unconcious.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon