McCoy' s POV"Babae, gising na." sabi ko sa natutulog pang Elisse. Nandito ako nakaupo sa kama kagigising ko lang.
Magro-roadtrip kami ngayon.
"Elisse gising na. Naglalaway ka." biro ko. Pero di siya naglalaway ah. Kahit nga natutulog ang ganda padin.
Kupido wag ako.
Pero huli na ang lahat. Natamaan na ako.
"Elissseeeeee." sabi ko uli at inalog siya para magising. Gumalaw naman siya at dinilat ang mga mata niya.
"Eto naman eh. Ganda ng tulog ko." sabi niya at hinampas ako ng unan.
"Maligo ka na. Aalis kaya tayo." sabi ko at tumayo na siya. Papunta ng cr.
"Magtoothbrush ka na rin. Baho na ng hininga mo!" pahabol ko kaya nakatanggap ako ng isang nakakamatay..
Wow. Nakakamatay.
Na tingin mula kay Elisse Joson.
Walang epekto yan sakin. Ang cute mo padin.
Nagmala-zombie walk na siya papuntang cr kaya hinanda ko na din yung mga gamit na dadalhin ko ngayon.
Time Skip
"Eto yung sasakyan natin?" tanong ni Zeus at tumingin sa sasakyan namin.
Yung sasakyan dito sa rest house na malaki na walang bubong.
(Ewan ko basta yung parang truck pero mas maliit na version na walang bubong na pwede kang tumayo sa likod something😂bear with me guys😂)
"Obvious na obvious eh." sabi ni Michelle at sumakay na kasama si Sofia. Nagseselfie pa yung dalawa.
Sumakay na silang lahat. Syempre inalalayan ko pa si Elisse para makaakyat kasi medyo mataas. Pampa pogi points yun.
Yung magd-drive eh yung driver mula dito sa rest house mismo sa Batangas.
Ang ganda ng paligid as in. Nakikita ko talaga yung beach tapos mga malalayong bundok. Parang painting sa ganda kaya di ko matiis na hindi kumuha ng litrato dun.
Pangstory sa Instagram.
Ewan ko ba kung asan na kami. Basta tinitingnan lang namin yung paligid.
"Iwanan muna natin ang lahat." kanta ni Ronnie.
Ayun oh.
"Naalala mo pa yan?" sabi ni Nikko at umupo muna.
Follow the leader style eh kaya umupo na din muna kami.
"Highschool pa tayo niya eh." sabi ni Jimboy.
Since katabi ko si Elisse, kinurot niya ko sa gilid. Ibig sabihin nun dapat tumingin ako sa kanya dahil may sasabihin siya.
"Ano yun?" bulong niya na narinig naman naming lahat.
"Yun yung ginawa naming kanta nung highschool." sagot ni Ronnie para sakin.
"Pwede marinig?" tanong ni Sofia.
"Ay wag na. Luma na yun." sabi ni Nikko.
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage | McLisse
Fanfiction[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme aside tho, it's year 2021 and I still am a supporter of these two kahit di na ako gano'n ka-active as...