Elisse's POVMinulat ko ang mata ko, at nakita ko agad ang liwanag galing sa bintana.
Sino ba naman kasing tao ang nag-iwan na bukas ang kurtina? Kainis.
Oh great nakatali pa din ako.
So nakatulog ako dito sa upuang to?
Umaga na pala at nagrereklamo na ang tiyan ko.
Pati ang pwet ko.
Pero bago ang lahat, kailangan kong makaalis dito sa mabaho at madilim na basement na to bago maggabi mamaya. Alam kong totoo ang sinasabi ni Jerome, at wala akong kalaban laban dun. Pinapakita ko lang sa kanya na hindi ako natatakot.
But I'll try my best. Kailangan ko makawala dito.
"JEROME?!" tawag ko ng sobrang lakas. Gusto ko rin siyang galitin eh. Bala na.
Bumukas ang isang pinto to who knows where, so may pinto pala. Akala ko basement to?
But pwede na yun, at least may alam ako kung san yung labasan.
"Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo." sabi niya. Dumiretso siya sa upuan sa harapan ko at umupo.
"Eh gutom ako eh. May pagkain ka ba diyan?" tanong ko. Sa pinaka casual na tono. Na parang simpleng taong nagtatanong lang at hindi malang inaalala ang sitwasyon niya ngayon.
Lumabas siya ulit at bumalik na may dalang isang tray ng pagkain. Good for breakfast.
"Syempre di dapat magutom ang prinsesa ko." sabi niya at ngumiti sa akin.
Prinsesa daw? Anong klaseng prinsesa ang isinasakay sa van at papaamuyin ng weird na panyo at itatali sa upuan? Matino ka pa ba?
Nilagay niya ang tray sa harap ng maliit na mesa sa harap ko.
"Kung matino kang tao, papakawalan mo ako dito para makakain ako ng maayos." sabi ko at tiningnan siya ng seryoso. Nginisihan niya lang ako.
"Pano kung makatakas ka? Alam ko na yang style na yan Elisse." sabi niya.
Eh di wow.
"Sige lamunin mo yang mag-isa mo." sabi ko at umiwas sa tingin niya. Ayaw naman pala akong pakainin, nagdala pa ng tray dito. Ano paiinggitin mo lang sakin ganon?
"Just wait, mamaya, pag makaalis na tayo, wala ng gugulo sa iyo. Pangako." sabi niya then tuck a strand of my loose hair behind my ear. Nginisihan ko siya ng bongang bonga at ginalaw ang ulo ko para malayo sa kamay niya.
"Kaharap ko na ang gulo ngayon, di ko na siguro kakayanin kung makakasama ko pa. Sayang, maganda sana sa Japan, yung kasama ko, HINDI." pagdidiin na sabi ko. Tinawanan niya lang ako.
"Wala ka ng choice Elisse." sabi niya.
"Ayaw kong sumama Jerome!" tumayo lang siya at naglabas ng baril at tinutok sa akin. Hindi nawawala ang ngisi sa kadiri niyang mukha.
"Kung hindi ka magiging akin, you should never be a property of anyone. Especially McCoy." sabi niya. Isang dahilan para matahimik na ako. Baril na tong kalaban ko eh. Pero tinitigan ko parin siya ng masama.
"You choose. Sasama ka o mamamatay ka? " tanong niya pa.
Buhay naman oh. Bakit ako pa kasi?!
Hindi ko siya sinagot, tinitigan ko lang siya ng super stern at nilayo niya ang baril sa akin. Lumabas na siyang muli ng basement.
Pano na to? Ano ng gagawin ko?
Paano ako makakalabas dito?
Kamay, nakatali sa likod.
Paa, nakatali din. Mahigpit pa.
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage | McLisse
Fanfiction[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme aside tho, it's year 2021 and I still am a supporter of these two kahit di na ako gano'n ka-active as...