001

1.8K 34 1
                                    


Elisse's POV

"Maw, nandito na ako!" Tawag ko kay yaya matapos buksan ang pinto. Mga 4 o'clock na siguro ng hapon ngayon. At ayaw ko magabi sa opisina. Nandun naman si Mommy at uuwi rin yun maya maya.

"Neng! Sa kusina ako!" Sagot ni Maw. Oo Maw ang tawag ko kay yaya. At neng ang tawag niya sa akin. Hehe. Ganyan kasi kaming dalawa.

Dali dali akong pumunta sa kusina para puntahan si Maw.

Nakita ko siyang nagtitimpla ng orange juice at sa tabi ng baso ay may cookies na binake niya.

"Sarap naman! Thank you Maw!" Sabi ko at agad na umupo at pinagpiestahan ang niluto ni Maw.

"Sige lang. Kain lang. May natira pa naman para sa Mommy mo." Sabi niya. Di ko na siya nasagot dahil puno na ang bibig ko ng cookies.

"Neneng, dahan dahan lang. Baka mabulunan ka." Paalala niya pa saakin. Pagkatapos ay pumunta na siya sa kanyang kwarto para naman makapagpahinga.

Elisse Joson nga pala. 23. At nagtatrabaho sa kompanya na kung tawagin ay Joson Industries. Oo. Kompanya NAMIN.

Sa totoo lang ay hindi namin mapupundar ang kompanyang yan kung hindi dahil kay Tita Sheila. Siya ang tumulong kay Mommy para mabuo ang kompanya. Sa ngayon ay sa States pa si Tita Sheila. Kasama ang kanyang pamilya. Uuwi sila next week.

Naubos kuna yung merienda ko at pumunta na ko sa kwarto. Naligo at nagbihis muna ako bago bumaba. Alangan namang bumaba akong walang damit?

Pumunta ako sa sala at nanood muna ng TV habang hinihintay si Mommy.

Bigla ko tuloy na alala si Sofia. Kamusta na kaya siya ngayon? 2 years ko na siyang di nakita dahil kasalukuyang nasa Paris siya dahil sa business ng Mommy niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagmessage kay Fia sa Messenger, kahit di siya active. Namimiss ko na kasi siya. Sobra.

Biglang bumukas ang pinto and then I saw Mommy. Nagbeso ako sa kanya at sinabing sa kusina na ang kanyang merienda.

Then Mommy came out from the kitchen bitbit ang platitong puno ng cookies at isang basong juice. Umupo siya sa tabi ko. Syempre kumuha nanaman ako ng cookies kahit kumain na ako kanina.

"Anak, bukas may pupuntahan tayo."

"Saan 'yun Mi?" Tanong ko naman.

"Basta. Be ready for tomorrow." Sagot niya nalang.

"Ok Mi. Pero.. Kain muna ako!!" Cheerful kong sagot sa kanya at kumuha nanaman ng cookie.

Lumipas ang ilang oras at kumain na kami ng hapunan. Pagkatapos ay tinulungan ko si Maw na maghugas ng plato.

Pumunta na ako sa kwarto at nahiga. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

'Sweet dreams, Elisse.'




The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon