Jerome's POV
"F*ck that guy! He ruined my plan!" sigaw ko at ibinagsak ang baso sa mesa. Mag isa lang ako dito sa bahay. At inis na inis na ako, lalo na sa mga sinabi ni Elisse kanina.
Bumalik ulit ako sa kusina at kinuha lahat ng alcoholic drinks na nakita ko. Kulang pa yung mga naubos ko kani-kanina lang.
Now, I have zero chances of having Elisse again. At dahil yun kay McCoy! Hayop!
Kung wala sana siya, masaya kami ni Elisse ngayon. Kung hindi sana dahil sa kasal nila nayan, na saakin si Elisse!
Eh nakakabwiset. Engaged na pala!
Ininom ko ang isang can ng beer at itinapon man yun kung saan.
Langya! Ang malas malas na araw! Bwiset!
ELISSE PLEASE BUMALIK KA NA SA AKIN!
Binato ko ang isang can ng beer na hawak hawak ko sa sobrang gigil. Naiinis na ako na parang gusto ko ng pumatay ng tao. BWISET.
I WANT HER BACK SO BAD!
Patuloy niyang sinasabi sa akin, kasalanan ko kung bakit siya nawala sa akin noon. Oo alam ko yun, pero na bored ako sa kanya kasi puro aral ang inaatupag. Hindi manlang niya kayang magskip ng klase para lang makasama ako. Or di kaya, di manlang niya kayang makipag-usap sa akin ng matagal dahil magrereview pa daw. Sino ba naman ang hindi mabobored sa kanya?
Well, alam ko ako oo. Dahil hindi ako yung tipo na estudyanteng gaya ni Elisse. Puro aral tsk. Mamatay din naman.
But seeing her now, just makes me want to take her back.
And malaki sana ang chance nun kung wala ang McCoy nayan!
Pero sandali, kung mag-asawa nga naaagaw pa, eh engaged lang naman sila.
I smirked at myself because of that thought. Then I started thinking deeply.
Mas lamang naman ako kay McCoy, kung height ang pag-uusapan. Syempre. Kaya kong lamangan lahat ng ginagawa niya para kay Elisse. Lahat ng yun, doble pa kung ako ang magbibigay.
Mapapasaakin si Elisse.
Pero dapat mawala muna si McCoy.
Well, farewell McCoy. Cause I'm taking my princess back.
Third Person's POV
"Ingat." sabi ni McCoy at hinalikan sa noo ang kanyang prinsesa. Hinatid niya siya pabalik dito sa office matapos nilang maglunch.
Plano pa ni McCoy na pumunta muna sa mall para mamili ng ireregalo niya kay Nikko bago bumalik sa opisina dahil malapit na ang birthday ni Nikko.
Tuluyan ng pumasok si Elisse sa building kaya bumalik si McCoy sa loob ng kotse at pinaandar ito papuntang mall.
Hindi niya namalayang may isa pa palang kotseng itim na sumusunod sa kanya hanggang makarating siya sa mall. Pag baba ni McCoy at pumasok na sa loob ng mall, bumaba naman ang sakay ng kotseng itim na sumusunod sa kanya.
Ang nag-iisang Jerome Ponce.
Naka sumbrero ito at naka mask. Akalain mong artistang natatakot makita ng fans. Sumilip silip siya at nagmamasid sa mga tao sa paligid.
Ng makahanap na ng timing ay tumakbo siya sa kotse ni McCoy. Agad na pumunta sa ilalim ng kotse at pinutol ang chord ng brake.
"I hope your ready McCoy De Leon." sabi nito at tumayo sa kinalalagyan. Nakangisi ang mokong.
"Elisse will slowly be mine. Without you." sabi niya at bumalik sa kotse nito at pinaandar papaalis sa mall.
McCoy on the other hand, ay nagbabayad na ng biniling sapatos para kay Nikko. Alam niyang obsessed ito sa sapatos kaya mayroon na siyang ipapandagdag sa 'collection' ni Nikko.
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage | McLisse
Fanfiction[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NALANG AKO HAHAHAHHAHAHAHA ༎ຶ‿༎ຶ. ] Eme aside tho, it's year 2021 and I still am a supporter of these two kahit di na ako gano'n ka-active as...