006

621 21 1
                                    


McCoy's POV

Nang maka-order na kami, napansin ko na hindi nawawala ang fries sa order ni Elisse. Last na punta namin dito extra large fries din inorder niya.

"Parang naadik ka na sa fries ah." Sabi ko sa kanya na tinotorture na ang fries.

"Dahan lang. Grabe naman 'to sa fries oh."

"Bata palang kasi ako, mahilig na ako sa fries."
"Eh, ikaw naman, ano paborito mong kainin?" Tanong din nito sa akin.

"Tocino." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Panorito ko rin lahat ng sinasawsaw sa suka." Sabi niya habang pinupuno ang bibig niya ng fries.

"Talaga?" Tanong ko pa dito. Parang hindi naman kasi halata sa kanya na kumakain ng mga sinasawsaw sa suka.

"Yeahhhhh."

"Umm.. McCoy, pano yung kasal?"

Napatingin ako sa kanya at tinigil ang pagnguya ko ng spaghetti.

"Hindi ba tayo magiging awkward? Iniisip ko na kasi eh." Sabi niya na nakatingin parin sa akin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Sana maging ok ang lahat." Sagot ko sa kanya.

"Uy. Dalawang taon pa naman bago mangyari 'yun." Sabi niya.

"Ikaw nga 'tong nagwo-worry eh." Sabi ko sabay tawa.

"Gumawa nalang tayo ng rules." Sabi niya at sumubo nanaman ng fries.

"Sige. Ako magbibigay ng first rule." Sabi ko.

"Ever heard of 'ladies first'?" Masungit niyang tanong sa akin.

"Ok then. Aling Elisse, ano po ang first rule?" Mapang- asar kong tanong.

"Sabay dapat tayong kakain.
Tutulungan mo akong maglinis ng bahay kahit may kayuling naman kailangan tumulong din tayo.
Sabay tayong aalis sa work.
Magpaalam sa isa't isa kung may pupuntahan.
Kung malelate sa pag-uwi, magsabi agad.
Hati tayo sa gastusin sa bahay. Syempre kailangan 'din nating mabuhay na parang mag-asawa." Sunod sunod niyang sabi.

"Ano pa bang idadagdag ko eh sinabi mo na lahat." Sabi ko. Nag-peace sign naman siya.

"O, sige isang rule."

"Bawal mainlove." Sagot ko sabay titig sa kanya.

Tumingin din siya sa akin.

"First who falls inlove,loses." Dagdag niya sa sinabi ko.

Mukhang nagkakasundo na kami.

"Sige ah." Sabi ko sabay tawa. Sinabayan niya din ako.

Unang mainlove, siya ang talo.

Pero sana hindi 'yon ako.

Elisse's POV

Well, deal is a deal.

I'm so stupid to let that happen.

Pero sige lang. Parang kasalanan ko din naman. Inubos ko kasi lahat ng rules eyyy.

Di ko namalayan na natulala na ako sa sobrang pag-iisip.

"Uy, ok ka lang? Ba't natulala ka?" Tanong ni Bangus sa akin.

"Huh? Ah, ok lang ako. Naiisip lang." Sagot ko dito at pinatuloy na ang pagkain.

"May engagement party pala after 2 weeks. Sabi ni Daddy kanina." Sabi ni McCoy tapos uminom ng ice tea.

"May engagement party pa pala." Sabi ko.

"Meron nga. Kakasabi ko lang diba?" Nakangiti pa 'to sa akin ng bongang-bonga. Gusto talaga niya akong inaasar.
Dinilaan ko nalang siya.

"Pano 'yan Mokya, gagawa ka ng kwento kung paano tayo nagkakilala. Para hindi nila malaman na arranged lang pala yung kasal." Sagot ko sa kanya.

"May Bangus na nga may Mokya pa?"

Tumawa nalang ako. Ayan sayo!

"Pero seryoso, gagawa ka talaga ng kwento."

"Oo, kailangan eh." Sagot niya naman sa akin.

Oo, sikat na nga kasi ang kompanya namin. Kaya I'm sure na may press talagang pupunta sa engagement party. Hindi dapat malaman ng publiko na arranged lang ang lahat.

Lumipas ang ilang kwentuhan at nagpasya kaming mamasyal sa park ni Mokya. Umupo lang kami sa bench at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa playground. May iba din sa fountain sa center ng park.

"Ang bilis ng panahon 'no? Parang ganyan lang tayo nung bata tayo tapos ngayon, ikakasal na tayo." Sabi niya na sa mga bata parin nakatingin.

"Mabilis nga talaga. Pero hindi natin mapipigilan ang oras kaya habang bata pa tayo, i-enjoy na natin." Sagot ko at tumingin sa kanya.

"Halika na. Snack tayo." Yaya nito sa akin sabay tayo.

"Parang kakakain lang natin ah."

"Lah. 2 pm na kaya. Kanina pa tayo dito." Sabi nito sa akin. Kaya narealize ko na kanina pa naman talaga kami dito. Diba, ang bilis talaga ng oras.

Dinala niya ako sa maliit na candy shop na malapit lang sa park at bumili ng dalawang chocolate bars. Tapos bumalik uli kami sa bench at kumain.

"Wala manlang tayong panulak?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Ay, nakalimutan. Bibili nalang ako ng bottled water mayamaya." Sagot nito at kumagat sa kanyang chocolate bar.

"Hindi ka rin pala maarte sa pagkain. Kahit nga sa pananamit." Sabi ko.

"Ano ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"I mean, kahit mayaman ka, you act like a normal person. Parang ano.."

"Oo. Ayaw ko kasing isipin na kailangan kong maging formal dahil sa yaman ng parents ko. Gusto ko yung katulad lang sa mga tao sa paligid, yung normal lang kumbaga."Sagot niya.

"Parehas lang pala tayo." Sabi ko.

"Mas maganda siguro kung simple tayong tao 'no?" Sabi ko at kumagat uli sa chocolate bar.

"Wala na tayong aalalahanin pa sa mga business deal and such." Sagot din nito sa akin.

"Mas masaya at walang stress."

"Wait lang, bili muna ako ng tubig." Sabi nito at tumakbo kung saan man para bumili ng tubig. Matapos ang ilang minuto, bumalik na si McCoy na may dalawang mineral bottle sa kamay. Binigay niya sa akin ang isa at ininom ko naman.

Nagkwentuhan muna kami hanggang sa kailangan na naming umuwi.

Hinatid niya ako sa bahay.

"Salamat sa time Elisse. Sana may susunod pa." Sabi nito na nakangiti pa.

Ayan na naman si mata.

"Walang anuman Mokya. Syempre mauulit."

Nagbeso ito sa akin at umalis.

1st Lunch Date with Mokya. Not bad after all.




















The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon