019

332 13 11
                                    


Elisse's POV

Huling araw na namin dito sa Batangas. Around 5:30 na siguro ngayon. Bukas ng hapon kami aalis.

Ewan ko kung saan sila nagpupupunta. Nag iikot-ikot siguro yun ngayon kasi aalis na kami bukas.

Balik uli ng trabaho.

Ngayon, nandito kami ni McCoy sa balcony ng kwarto namin dito sa rest house. Kung saan kitang kita ang view ng buong beach at ng araw na palubog na.

"Ang ganda talaga." sabi ko. Tulala parin sa sunset na nakikita ko.

"Maganda nga." sabi ni McCoy dahilan para tumingin ako sa kanya. Pero nakatingin na pala siya sa akin. Nakangiti.

Heart be like: asdfghjkl.

"Parang ayaw ko ng umalis dito." sabi niya at lumapit pa sa akin.

"Kung pwede lang sana." sagot ko sa kanya.

"Elisse."

"Hmm?"

"Sa tingin mo ba, may matatalo sa rules natin?" sabi niya. Naconfuse tuloy ako. Bakit parang ang weird niya?

"Hindi ko alam McCoy. Pero sa tingin ko.. Meron." sabi ko sa kanya.

"Ako din.. Sa tingin ko meron...."

Oo McCoy. Ako yun.

"Bat mo ba natanong?" sabi ko sa kanya.

"Wala lang." sagot niya at binaling ang atensiyon niya pabakik sa sunset.

"Sana ganito nalang tayo palagi. Yung walang inaalala sa mundo." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Di ako makapaniwala." sabi ko. Tulala parin sa paglubog ng araw.

"Na ano?" tanong ni McCoy.

"Na nangyayari lahat ng to. Na planado na yung buhay ko. Dahil sumusunod lang naman ako. Di ako makapaniwala na magiging CEO na ako ng kumpanya sa susunod na taon. At ikakasal na tayo sa susunod pang taon. Hindi ba parang ang bilis?" paliwanag ko sa kanya.

"Diba nga sabi mo gagawin mo ang lahat para sa Mommy mo? Alam mo naman na ganun din yung gagawin ko diba?" sabi niya.

"Masyado ng mabilis ang oras. Di na natin namamalayan. Kaya dapat pahalagahan natin ang bawat segundong natitira." dagdag ni McCoy.

"Life is short nga naman talaga." sabi ko.

"Oo. Kasing short ng height mo." asar niya.

"Ang taas taas mo kasi." asar ko pabalik sa kanya.

"At least mas mataas ako sayo."

"Ewan ko sayo." sabi ko at pumasok ng muli sa kwarto. Nakakapagod tumayo dun sa labas. Sumunod naman si McCoy at dumiretsong humiga sa kama.

"Uuwi na ulit bukas." madrama niyang sinabi kaya tumawa ako ng mahina.

"At least naenjoy naman natin." sabi ko at humiha na din sa tabi niya.

"Di ka pa ba nagugutom?" tanong niya sa akin.

"Tatawagin naman nila tayo." sagot ko.

"Ayaw kong umalis." sabi niya at pinaglaruan ang daliri ko.

"Ako nga din. Pero syempre, alam mo naman." sabi ko sa kanya. Pinaglalaruan niya pa din ang mga daliri ko.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at ginamit ang mga daliri niya para dahan dahan himasin ang kamay ko.

Nag-g-gymnastics na yung puso ko.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sa mga kamay namin. Magkahawak oadin hanggang ngayong. Hindi din ako pakapagsalita dahil nakangiti lang ako.

"Bat mo ginagawa yan?" finally. Natanong ko din.

"Gusto ko. Bakit ba?" sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

WTF?

HINALIKAN NIYA YUNG KAMAY KO?!

HINALIKAN NIYA?!

AS IN HINALIKAN NIYA?!

AS IN NAG IWAN TALAGA SIYA NG GERMS NA NAKAKAKILIG NA GALING SA KANYA?

OO NAGBEBESO DIN KAMI MINSAN PERO PISNGI LANG YUN LUH

WTF DI AKO MAKAGALAW

Tumingin siya sa akin naghihintay ng reaksiyon. Ngumiti lang ako sa kanya at binalik niya din yun sa akin.

"Elisse! McCoy! Kakain na!"

Time Skip

"Mamimiss ko yung luto mo Manang Edna." sabi ni Yassi at yumakap kay Manang Edna.

"Babalik po kami. Pangako yan." sabi ni Zeus.

"Mauna na po kami. Salamat po ng sobra." sabi ni McCoy. Nakaayos na lahat ng gamit namin sa van. Ready na pauwi.

"Sasabihan ko nalang po si Mommy pagka uwi. Salamat talaga Manang Edna." sabi ko at yinakap siya.

"Ingat kayo ah. Balik kayo dito." sabi niya. Nagpaalam na kaming lahat sa kanya at sumakay na ng van. Mahaba-habang biyahe pa.

Sa may bintana talaga pwesto ko. Katabi ko si McCoy, na busy sa Instagram.

"Di kaba inaantok?" tanong ko sa kanya. At sumunod ang hikab ko.

"Hindi. Masarap tulog ko kanina." sagot niya.

Ayy sabagay. Ang aga aga ko kasing nagising ewan ko nga kung bakit.

Patuloy lang ang paghikab ko kaya matutulog muna ako saglit.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana. Pero ng medyo mapikit ko na yung mata ko, naramdaman ko na nilipat yung posisyon ng ulo ko sa kabilang side. Minulat ko uli yung mata ko at nakitang nasa balikat na ni McCoy ang ulo ko.

"Tulog ka na diyan. Gigisingin nalang kita." sabi niya kaya tumango nalang ako at binalik ang ulo ko sa balikat niya.

Life can't get any better♥.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon