005

693 26 2
                                    


McCoy's POV

"Kamusta kayong dalawa?" Tanong ni Mama sa amin ni Elisse.

"Ok naman po. Nagkwentuhan lang kami." Sagot ko at bumagsak sa upuan sabay hinga ng malalim.

"So, ano?"

"Napagdesisyonan na namin ni McCoy, Mi." Sagot ni Elisse.

Huminga siya ng malalim.

"Papayag na po kami."

"Pasensya na talaga sa inyong dalawa." Malungkot na sabi ni Mama.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Ma, basta ikakasaya ninyo, ok ako dun. Mahal ko kayo eh." Sinabi ko habang hinahagod ang likod niya.

"Basta po para sa ikabubuti ng kompanya." Sagot ni Elisse.

"Kami na bahala sa mga plans. Ang mahalaga muna ngayon ay mas makilala niyo ang isa't isa." Sabi ni Tita Barbie na lumapit kay Elisse.

Lumabas na kami ni Mama ng office dahil uuwi na. Pero syempre, kinuha ko ang number ni Elisse bago kami umalis. Sabi ni Mama eh. Para daw ano.. You know..

Ako ang nagdrive at natulog si Mama sa buong biyahe.

Pagod.

Nakarating naman kami sa bahay at sumalubong sa akin si Marcus na dalidali akong yinakap.

Ang sweet.

Pumunta muna ako ng kwarto at nagbihis. Matapos ang ilang oras na tambay sa kwarto ay tinawag ako ni Daddy dahil kakain na daw.

Bumaba na ako at pumwesto sa upuan.

Habang kumakain ay kwinento ko kay Mama ang lahat.

"Ano balak mo ngayon?"

"Ewan ko nga Ma. Siguro dapat kilalanin ko muna talaga siya." Sagot ko sa tanong ni Mama.

Sa totoo lang ay maganda naman talga si Elisse. Pero hindi ako yung tipo ng lalaki na makakita ng magandang chix ay lalandiin na agad.

Pero hindi chix si Elisse ha.

Masaya din siya kasama. May pagkakalog din. Pero hindi ko kaya pilitin ang sarili ko na mahalin siya.

Pero gaya nga ng sinabi ko, gagawin ko 'to para sa pamilya ko.

Mabait naman si Elisse. Pero kanina lang kami nagkakilala. At may konti pang pagkakailang sa aming dalawa.

Tinapos ko na ang pagkain ko at dumiretso sa kwarto. Malalim ang iniisip ko at hindi ako makatulog.

Mga 8:30 palang naman. Gising pa naman siguro si Elisse.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Elisse.

'Lunch tomorrow? 10 a.m sa Marshalls uli.'

Sent.

'Sure. See you. Goodnight.:).'

Nagreply naman ako syempre

'Goodnight, Aling Elisse.'

Sa lahat ng nickname na pwede ipangalan, Aling Elisse talaga? Nakoooo McCoy!

Hehe. Pero ang cute.

'Sige na. Tulog na. BANGUS.'

Aba.. Bangus pala ha.. Sige!

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon