027

314 14 0
                                    

Elisse's POV

"Lisse, alis muna ako ah." sabi ni McCoy.

Nagkwentuhan lang kami dito matapos niya akong dalhan ng frappe.

Boyfriend material.

Pero teka, sabi niya wala siyang gagawin ngayon? Kaya nga siya pumunta dito eh. San naman siya pupunta ngayon?

"San ka naman pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta may pupuntahan lang ako. Babalikan kita mamaya dito. Diba pupunta ka sa bahay mamaya? Susunduin kita." sabi niya at tumayo na.

"Sige. Ingat ka." I said finally giving in. Medyo may feeling ako dito kay McCoy ah. Parang may mali.

Don't blame me. It's my girlfriend instincts kicking in.

Hinatid ko siya sa baba ng building. Pagkasakay niya ng kotse, sinigurado kong malayo layo pa muna siya bago pumara ng taxi at pinasundan siya.

Thoughts started flooding my mind. Pano kung may iba siya? Pano kung miyembro siya ng mga gang na pumapatay? Pano kung druglord siya?

Matapos ang ilang pasikot aikot sa daan, tumigil na yung kotse ni McCoy. Pinatigil ko na din sa driver yung taxi pero malayo pa yun sa kotse ni McCoy.

Sementeryo? Anong gagawin niya dito?

Nakaka creepy na ah.

Nagtago ako sa likod ng puno, medyo malapit ng konti sa kanya pero sinigurado ko namang hindi niya ako makikita.

Nagstop siya sa isang nitso at nilagay ang bulaklak na hawak hawak niya kanina pagbaba sa kotse.

Akala ko naman kung ano may bibisitahin lang pala. Baka relative niya or something.

Papaalis na sana nung marinig kong may sinabi siya.

"Hello Maris."

Sino yun? Di ko naman narinig na may kilala siyang Maris.

Imbis na umalis, nanatili nalang ako sa pwesto ko at pinakinggan ko siya ulit.

"Kamusta ka na? Kung tatanungin mo ako, ayos lang ako. Masaya na ako Maris, tapos alam mo ba, may nakilala akong babae. Alam kong yun yung gusto mo, na tumaprin ko yung pangako mo kasama ang iba. Na maging masaya."

"Ang swerte ko sa kanya. Kagaya na ang swerte ko sayo noon."

"Malapit na din birthday mo. Dadalaw nalang ako ulit dito. Isasama ko na siya para makita mo."

"Sa totoo lang, hindi ko aakalaing mahuhulog ako sa kanya. Despite the fact that magpapakasal lang kami dahil sa isang business deal."

Halos kinakausap na niya yung nitso pero patuloy parin ako sa pakikinig. With evey word he releases, grows my curiosity.

"Maganda, mabait, kalog, understanding, at higit sa lahat mapagmahal. Nasa kanya na ang lahat."

I smiled at his words. Tama nga siya, he can get really cheesy if he want to.

"Alam kong masaya ka na diyan Maris. Bantayan mo ako ha. Lalo na si Elisse kasi nakasalubong ko nanaman yung Jerome nayun kanina."

Nakasalubong niya si Jerome? Bat naman di niya sinabi?

"Mabilis lang dapat akong dadalaw sayo, susunduin ko pa siya eh." sabi niya. Lumabas na ako sa hiding spot ko at tahimik na lumapit sa likod niya. Hindi niya parin ako napapansin.

"Pangako kong aalagaan ko siya. Kasi alam kong yun naman yung gusto mo, yung maging masaya ako." sabi niya.

This time, ako naman yung nagsalita.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon