028

286 13 2
                                    


Ryle's POV

"Bat ang tagal mo?"

"Sorryyyyy. Traffic." sabi ko at hinalikan siya sa noo. Nagpout lang ito.

Kita mo. Pacute.

"Libre mo ko pagkain mamaya." sabi niya at tumayo. Syempre naman. Lagi naman tong nagpapalibre eh.

Why na late ba kamo? Tutulungan ko lang naman siyang mamili ng mga kaek-ekan niyang gagamitin sa photoshoot ni Yassi.

Eh sa busy si Yassi, tapos ang gusto ni Sofia, siya yung bumili ng mga products na gagamitin ni Yassi. Kasi daw ever since nagstart si Yassi sa modeling, siya na daw bumibili ng gamit niya. Ayaw daw kasi niya yung mga ginagamit kay Yassi nung staff something. Ay ewan. Bestfriends goals daw.

Me, being the supportive 'boyfriend', sinamahan ko siya.

Pano nga ba nangyari lahat?

Flashback

Pagkarating ko sa building nila, agad akong umakyat sa taas kung nasan ang office niya. Matapos ang madalin usapan namin kanina sa text, bumili agad ako ng flowers at napakaraming chocolates.

Nagtanong na ko sa mga kaibigan niya kung ani ang paborito niya. Syempre kung manliligaw ka, dapat alma mo na yun.

Oo, manliligaw.

Di pa ako humihingi ng permisiyon sa kanya or ewan ko ba kung papayagan niya akong ligawan siya.

Pero bago lahat ng to, nagpaalam muna ako sa parents niya. Through videochat nga lang since bumalik sila sa Paris.

Mabuti nalang at pumayag. Sabi nila, nakita daw kasi nila sa akin na seryosong seryoso ako kay Sofia.

Nagtataka din nga ako kasi diba ayaw ko sa kanya? May World War III kung magsama kaming dalawa.

Basta ewan ko, sa tagal siguro na nakakasama ko na siya, mas nakakainlove.

The more you hate the more you love ang peg?

"Hi Sofi." sabi ko kaya lumingon siya. Nandito na ako sa loob ng office niya. Kasalanan niya yun, iniwanang bukas ang pinto eh.

Halata sa rekasyon niya na nagulat siya. Nakita na akong may dalang bulaklak eh. Ano ba namang pumapasok sa isip mo dun?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at tumayo mula sa upuan.

Wow, thanks sa welcome mo ah.

"Didiretsuhin na kita." sabi ko at pinaupo niya muna. Mabait siya ngayon kaya aabusuhin ko muna.

"Sofia Andres, sa mga nagdaang buwan na nakasama kita, di ko inakala na sa sobrang inis ko sayo, kabaliktaran pala yun ng nararamdaman ko. Hindi ko na pahahabain pa. Sofia, pwede ba kitang ligawan?" sabi ko at binigay sa kanya yung flowers pati na chocolates.

Naghahalong emosiyon ang nakikita ko sa mukha niya.

"Nagpaalam ako sa parents mo. Wag kang mag-alala."

Blanko ang itsura niya kaya medyo unti unti na akobg nawalan ng pag-asang papayag pa siya. Lumipas na ang ilang minuto at hindi pa rin siya sumasagot eh.

"Sumagot ka naman. Kainis to." biro ko sa kanya pero blangko talaga eh. Nag-iisip pa siguro..

"Uy. Ok lang kung ayaw mo. Ano kaba." sabi ko to lighten up the mood. Pero deep inside, gusto kong mag-oo siya. Dahil dun, malaki ang chance na maging kami.

"Ikaw kasi binigla mo ako. Pero sige na nga. Papayag na ako." sabi niya at sinuntok ako sa braso. Masakit pero nakakakilig.

So ayun, dun nagstart. Pumayag siyang ligawan ko siya. And eventually, mas naging close kami. Pero nag aaway parin.

Hanggang isang gabi, dinala ko siya sa taas mismo ng rooftop, sinigurado kong nakablindfold siya nung time na yun. At nandito na yung parents niya since nakauwi na sila. Sinakay ko siya sa helicopter at nung nasa taas na kami, kinuha ko ang blinfold noya at pinatingin ko siya sa baba. Nakita niya yung mga candle lights na nakaform ng 'Will you be my Girlfriend?' doom sa rooftop.

Yung ginawa niya, sinuntok ako ng sinuntok habang tumutulo ang luha niya. Tumatawa pa nga eh.

Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Yung pagiging weird.

Sabi niya, first time daw na may nag-effort sa kanya ng ganito kaya sobra ang tuwa niya.

At finally, napa-oo ko si Sofi.

That was far the one of the bestest day in my life.

Hanggang ngayon, ok parin kami. Mas madali na siyang makausap ng matino ngayon. Life can't get any better. Especially when I'm with her.

Expect the unexpected nga naman talaga. Hindi ko alam na si Sofi lang pala ang makakapagpatino sa akin. And I thank her for that.

Which leads us today...

End of Flashback

"Tapos na ba yan?" sabi ko sa namimiling Sofia. Kanina pa kami ikot ng ikot sa mall. Kahit ganito siya, masaya ako. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Yung kayang niyang magsacrifice ng kahit konti lang para sa kaibigan.

"Madali nalang promise. Tapos nito kakain na tayo." sabi niya at patuloy parin sa pagpili.

"Okie done!" sabi niya at hinila na ako papuntang cashier.

Ng makabayad na siya, tinulungan ko siyang bitbitin ang halos sampung shopping bags.

Para kay Yassi lang ba talaga lahat ng to? Sinakop niya yung buong barangay eh.

"San tayo Sof?" tanong ko sa kanya. Alam ko na gusto na niyang kumain, gutom na rin naman ako kaya bala na siya kung saan.

"Pizza Hut?" sabi niya, patanong pa nga. Humihingi ng approval ko. Tumango lang ako at pumunta na kami doon.

Matapos ng lahat pang lakarin ay hinatid ko si Sofia sa kanila. Nag commute lang siya kanina eh.

Kahit ako di aakalaing ang isang babaeng tulad niya, nagcocommute din pala.

Nakarating kami sa kanila, pero hindi na din ako nagtagal. Napagod din naman ako at alam kong nahalata ni Sofia yun. Kaya pinauwi na niya ako.

"Grabe."

Yan kang yung nasabi ko pagkapasok ko ng kotse. Eh kung shopping pa lang nga kasama siya pagod na ko eh.

Pero syempre, masasanay din ako. Basta para sa kanya. Alam ko naman na ang barkada nila nina Elisse ay go na go basta shopping.

At pagkain.

Pero yun yung nagpapaiba kay Sofia. Unique kumbaga.

I love her for who she is. At gusto ko ganon lang siya. Dahil minahal ko siya sa kung sino siya at wala akong babaguhin dun.

Pinaandar ko na ang kotse ko at umuwi.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon