032

291 13 5
                                    

Elisse's POV

Another week has passed, at wala paring changes na nakikita kay McCoy. Araw-araw ko siyang pinapagalitan dahil dun. Sabi ng doktor, unti unti daw nagrerecover pero parang wala naman nangyayari. Pero sabi niya,ulit, wag daw namin mamadaliin.

Miss ko na yung Mokya kooo.

Baka may lumandi sa kanya habang tulog siya.

As in unti unti na siyang nakakarecover. Nung isang araw, nagalaw na niya yung hintuturo niya. That means malapit na siyang magising. Nakuu sana nga.

At patuloy parin ang pagsend ng mga message sa akin ni Jerome. Sinumbong ko sa pulis at ongoing parin ang paghahanap sa kanya.

Binabantaan nga niya ako, like sabi niya mag-ingat-ingat na daw ako at dapat magpaalam na ako kay McCoy. Ewan. Basta weird. Sinabi ko naman na yun sa mga pulis, at may balak daw talaga siya.

So what? Di ako takot sa kanya.

Makita na sana yung hayop na yun.

"Sandali lang. Bibili muna akong pagkain sa labas. Ikaw kasi ang tagal magising, wala ng manlilibre sa akin." sabi ko sa hanggang ngayong tulog na McCoy.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. I made my way out of the hospital at pumunta sa malapit na convenient store. I'm craving for chips.

Matapos makabayad, naglakad na ako pabalik sa ospital.

Habang naglalakad, nakuha ang atensiyon ko ng isang babaeng nakawheelchair. Katabi niya ang isang lalaking na kasalandal sa likuran ng bench. Hawak lang nila ang kamay ng isa't isa habang nakatingin sa langit.

Awww sweetttt.

Anyways, balik na sa paglalakad, wala pang halos tao since, ewan, 7 ish yata ngayon ng gabi.

Medyo malayo layo lang ng konti yung convenient store. At napabagal na ako sa paglalakad, dahil sinimulan ko ng kainin yung chips.

Pag gutom, gutom.

Tatawid na sana ako ng kalsada ng may isang itim na kotse ang huminto sa harap ko.

Biglang bumukas ang pinto nito at hinila ako sa loob, nahulog yung pagkain ko.

ETO NAMAN KASI MAY PAHABLOT HABLOT NA NALALAMAN SAN NAMAN AKO DADALHIN NITO. ANO NA KAKAININ KO NGAYON?!?

Pero sandali, kidnapping to! Mas importante buhay ko kaysa sa pagkaing yun.

Tinakpan niya ng panyo ang maganda kong bibig at sinarado agad ang pinto. Base sa nakita ko, iisa lang siya. Wala siyang kasama.

Kadiri may something sa panyong yun.

Umikot ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Time Skip

Nagising akong sobrang sakit ng ulo.

Yun oh, yung paggising mo palang problema na agad.

Ng maimulat ko ng husto ang mata ko, nakita ko na parang nasa basement ako or what. Ewan, madilim na malaki ang lugar. Malay ko ba.

Tumingin ako sa baba.

Bakit ako nakatali sa upuan at ang baho ng lugar at naamoy ko pa din yung panyong may something at sino ang takas mental na nagdala sa akin dito?

Kamay at paa. Nakatali.

Buti nalang hindi niya nilagyan ng panyo o tape ang bibig ko.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon