004

806 24 4
                                    


McCoy's POV

"Ipapakasal namin kayo."

"Ano po 'yun?" Tanong ko ulit baka mali ang narinig ko.

"Ipapakasal namin kayo."

Kasal?! Agad- agad?! 'Di ko pa nga siya kilala! Hindi pa ako handa! Bakit naman ako magpapakasal sa kanya?!

"Alam naming hindi niyo 'to gusto." Sabi ni Mommy.

"Talagang hindi po. Bakit naman po kami ikakasal eh hindi naman namin kilala ang isa't isa. Tsaka, ayaw kong ikasal ng sapilitan!" Sagot ng anak ni Tita Barbie na si Elisse ba 'yun?

"Kailangan kasi naming ibangon ang kompanyan ng mga De Leon. at hindi magyayari yun kung hindi kayo ikasal ni McCoy. Kailangan namin ng isang ka partner na kompanya." Sagot ni Mama.

Oh, great. Bakit nga ba hindi ko 'to alam.

"Malaki ang naitulong nila sa atin Elisse. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi natin maitatayo ang kompanyang 'to. Sila ang tumulong saatin kaya siguro ay dapat nating ibalik ang tulong nila. Sila naman ang may kailangan saatin ngayon." Sabi ni Tita Barbie kay Elisse.

"Masyado po kasi kaming nabigla. Pero pag- iisipan ko muna yung sagot ko." Sabi ko. Gagawin ko ito para sa kompanya. At para sa pamilya ko. Para naman kahit sa ganitong paraan mapasaya ko sila.

"Pag- iisipan ko rin po." Sagot din ni Elisse.

Nagtinginan sina Tita at Mama.

"How about mag lunch muna kayong dalawa? Kilalanin niyo ang isa't isa. At pag- isipan ninyo ang desisyon niyo.

Tumango kami ni Elisse.

Ayaw kong makasal sa taong hindi ko mahal. Pero para sa pamilya ko, gagawin ko.

Elisse's POV

Nakoo nakooo nakooo!! Sabi ko na nga ba! Masama talaga ang kutob ko sa mga sinasabi ni Mommy kanina. Tapos mababalitaan ko nalang na.. IKAKASAL NA AKO??!!

Siguro makakatulong 'tong naisip nila Tita. Na mas mabuti kung makilala namin ni McCoy ang isa't isa.

I gotta admit, he's cute.

Pero cute lang 'yon at hindi na pupunta sa ibang usapan.

Hindi naman ako yung klaseng babae na maiinlove sa lalaking nagagwapuhan ko lang.

I'M NOT THAT KIND OF GIRL.

Lumabas kami ni McCoy sa office at naglakad papuntang parking lot. Walang kumikibo ni isa sa amin kaya masasabi mong awkward talaga.

Narating kami sa parking lot at kotse niya ang sinakyan namin. Siya din ang nagdrive.

"Grabe. Ang awkward naman nito." Mahina kong sinabi pero parang hindi lang ako ang nakarinig 'nun.

"Aha..e..ahh.. Sorry ha.. Eh.. A..a-no kasi eh.. Di kasi ako sanay at nabibigla parin ako kanina." Sagot niya.

"Hindi ok lang. Mamaya nalang natin pag- usapan yang mga 'yan." Sabi ko para ma enlighten naman yung mood.

"Saan tayo?" Medyo di na siya nahihiya 'nung sinabi niya 'yun.

"Sa Marshalls nalang." Sabi ko. Isa yun sa pinakasikat na restaurant dito kaya imposibleng hindi niya alam 'yun. Dahil bago pa sila pumunta ng States ay nakatayo na ang Marshalls.

Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagdrive.

Sabi na nga ba eh.. Alam niya.

Nakarating na kami sa Marshalls at umorder na kami. Habang kumakain ay nag- usap kaming dalawa. Hindi na masyadong awkward ngayon. Sa totoo lang ay nagtatawanan na nga kami. Nagkwentuhan kami tungkol sa pamilya, studies noon, trabaho at..

Lovelife.

Hindi rin naiwasan ang topic na yan.

Oo, may ex ako. Meron din pala siya. Parehas pala kami na nagmahal ng sobra pero ang binalik ay sakit.

Minahal ko siya ng sobra pero hindi manlang niya agad sinabi na hindi niya pala kaya ibalik 'yun.

Hindi na mahalaga kung sino 'yun.

At, nakamove on na ako kaya wag na nating ibalik pa.

"Anyways, so, ano na plano mo?" Biglang tanong ni McCoy.

"'Yung sa kasal."

Ahh, yun.

"Hindi ko nga alam eh. Pero I'm 75% sure na gagawin ko 'yun para sa Mommy ko." Sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Weww.. Nawala ang mata.

"Eh, ikaw? Ano plano mo?" Tanong ko at umiwas sa kanyang tingin.

"Siguro kagaya mo 'din. Mahal ko ang pamilya ko at gagawin ko ang lahat mapasaya lang sila." Sabi niya at uminom ng ice tea na inorder namin kanina.

"So? Ano? Itutuloy ang kasal?" Tanong ko.

"Kung ok sayo, then, sige."

Hala shemmss.. Ikakasal na nga talaga ako. Take note! Sa lalaking 1 hour ago ko lang nakilala.

"Kailangan talaga nating makilala ang isa't isa." Medyo napatawa siya ng mahina pagkasabi niya 'nun.

"Parang isang oras palang tayong magkakilala at ikakasal na tayo." Tumawa kami at tumayo na dahil babalik na kami sa office.

Nagkwentuhan pa kami habang on the way paunta sa kompanya. Magaan naman pala siya kausap. At least, medyo ok na kami. Hindi muna namin pinag- usapan yung about sa kasal. Baka kasi masira yung mood.

Nakarating na kami at naglakad papunta sa office ni Mommy. Still, nagkekwentuhan parin.

Binuksan ni McCoy ang pinto at nandoon parin si Mommy At Tita Sheila. Isang oras kami nawala at nadiyan parin sila?

Barbie's POV

Ayy..

Nandiyan na sila.

For the past hour ay pinag- uusapan namin ang kasal ng dalawa.

At dumating na nga silang dalawa. Nagtatawanan pa nga. Medyo open na siguro sila sa isa't isa.

Jackpot.

Unti- unti din nilang makikilala ang isa't isa.

Ayaw kong ipakasal si Elisse sa lalaking hindi niya naman gusto. Pero nalaki ang naulituling ni Sheila sa amin. Kung hindi dahil sa kanya ay wala kami sa posisyong ito. Wala dapat na Joson Industries kung hindi kami tinulungan ni Sheila. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya niya. Ngayon ay siya naman ang may kailangan. Kaya ibabalik ko ang tuling ng pamilya niya saakin at kay Elisse.

Mahal ko ang anak ko, pero mabait namang bata si McCoy at alam kong hindi niya papabayaan si Elisse.

At least hindi naman masisira ang future ng anak ko.

Sana nga lang ay hindi sumama ang loob sa akin ni Elisse.








The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon