007

520 14 1
                                    


Elisse's POV

Nandito ako ngayon sa office working on some paperworks. Then naka receive ako ng call.

"Oh, Mokya. Napatawag ka?"

"Available ka ba ng 12? Need to talk to you about sa engagement party."

"Lunch time yun so.. Sure."

"Marshalls uli ha. 12 pm."

"Ok. I'll meet ya there."

Pagkatapos nun ay binaba ko na yung cellphone. Sakto namang pumasok si Amy. Secretary ko.

"Mam, may naghahanap po sa inyo. CEO po ng isang kumpanya."

"Papasukin mo siya." Sagot ko naman.

Lumabas na siya at hinintay ko kung sino ang CEO na dadating.

Dahan dahang bumukas ang pinto..

OH ME GEDDD

AM I AWAKE?

OR DREAMING?

"SOFIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!"

Tumayo agad ako sa swivel chair at tumakbo kay Sofia at yinakap siya ng mahigpit.

"Sofi, namiss kita. Bakit di mo sinabing dadating ka?" Sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.

"Gusto ko lang na i-surprise ka. It's been 2 years. Na miss din kita!" Sabi niya at hinigpitan ang yakap.

Patuloy lang kami sa pagtiling dalawa hanggang sa pinaupo ko muna siya.

"Dumaan na ako sa bahay niyo. Kinamusta ko rin si Tita." Sabi ni Sofia.

"Kamusta na nga pala ang Mommy mo? Sabay ba kayong umuwi?" Tanong ko.

"Oo. Pero nasa office na agad siya. Doon nga sa Paris puro trabaho, pag uwi dito trabaho parin."

"Pasyal tayo. Namiss ko magshopping dito." Yaya nito sa akin.

Kaso, may pag-uusapan pala kami ni McCoy.

"Sofi, pwedeng mga 2 o'clock nalang? May pupuntahan pa kasi ako eh." Sabi ko.

"Sige, sige."

"PERO WAIT, teka, anong pupuntahan mo? Business meetings or.. Mmmm.. A guy?"

Yan na naman tayo. Kakadating mo lang eh.

"To be completely honest, oo, may imemeet akong lalaki." Sagot ko sa kanya.

Bigla naman itong tumayo at tumalon habang tumitili.

"AYYY SI BESHYYY! LUMA-LOVELIFE NA!!!"

"Arranged marriage lang 'to Sof."

"HA?! ANONG ARRANGE? ARRANGED LANG LAHAT?!"

Tumango ako.

"Ayy.. Sayang naman.. Pati mapapangasawa mo sila din ang masusunod." sabi niya na ngayon ay nakaupo na.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Ok lang ako Sof. At para naman 'to kay Mommy eh. Tsaka, mabait naman si McCoy. Nakakasundo na rin naman kami." Sabi ko habang nakangiti.

"Sooo.. McCoy ang pangalan niya?"

Tumango ako.

"Basta mag -iingat ka lang. At malay natin, baka ma-fall ka din." Sabi nito sabay kindat pa..

Tsk. Ako? Ma-fall? Nevahh!

"Che! Hindi ako basta basta na-fafall no." Sabi ko sa kanya.

"Susss, deny ka pa. Pero hintayin mo lang, ma-fafall ka rin diyan. IPRAMISYOU."

Puno talaga ng kalokohan ang babaeng to.

Hindi ako basta basta na-fafall.

And, gumawa kami ng rule.

First who falls in love,loses.

"Sige na sige na. Aalis na ako. Maglulunch na rin naman. Magkikita pa kami." Sabi ko sa kanya.

"Sabay ako sa iyo palabas. Tara na." Yaya niya sa akin at tumayo na.

Nakalabas na kaming dalawa at papunta na ng parking lot.

"Mamaya Elisse ha. Wag mong kakalimutan. Baka mag enjoy ka masyado kasama si McCoy na yan." Sabi niya habang papasok ng kotse.

"Oo na. Sige na po. Alis na po. Pupunta po ako. Bye Sofi! Ingat sa pagdrive." Sabi ko at pinaandar na niya ang kotse niya at umalis na. Sumakay na din ako sa kotse ko at umalis papuntang Marshalls.

Time Skip (is brought to you by Cherifer.Lol.)

Naka upo na kami ni McCoy habang kumakain at pinag uusapan ang nga bagay bagay chuchuchu.

"Lisse, cancelled daw ang engagement party."

"Bakit ki-nancell?" Tanong ko.

"Hindi naman daw waste of money, but waste of time. Ikakasal pa rin naman tayo kahit wala ng engagement party." Sagot niya at sumubo ng lasagna.

"Sabagay."

"Imaginin mo nalang na nagpropose ako sayo." Sabi nito habang nakangiti pa. HAHAHA. NUUUU.

"Ala. Anyare sayo?"

"Lol."

"Napirmahan na natin ang kontrata. So.. Tapos na yung proposal mo. Its really romanticc, y'know?" Pabiro kong sinabi na nagpatawa sa amin.

"Sa susunod magmall tayo ha. Maglaro tayo sa arcade. Gusto kong malaman lahat ng paborito mong gawin." Sabi ni McCoy na nagpupunas na ng bibig niya dahil tapos na siyang kumain.

"Sure. Gusto ko rin malaman yung sayo." Sabi ko.

"Thanks for the lunch Mokya. Aalis na ako. May date pa ako eh." Sabi ko sabay tayo.

"HA?! DATE?! SINO KA-DATE MO?!" Sumigaw siya bigla. Kaya tumingin ang mga tao sa kanya. Napatawa naman ako ng mahina.

"Uy. Kalma lang. Magbobonding kami ng bestfriend ko. Umuwi kasi siya galing Paris."

"Ah ok." Simpleng sagot niya sa akin.

"Zehhh.. Nafafall kana no?" Asar kong sabi sa kanya.

"Tss. Ako? Mafall? Hindi ah. Plus, I would never break the rule." Sabi nito at tumayo na din.

"Lol. Joke lang yun. Sige una na ko Mokya. Ingat ka." Sabi ko at umalis na.













The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon