"HAVE you heard the news? Sina Owen at Fia, break na!"
"Totoo ba 'yan?"
"Oo. Break na sila. One week na. Grabe! Ang tagal din nila, 'di ba?"
"Bakit ngayon lang lumabas ang balitang 'yan?"
"'Buti naman nag-break na sila kasi ang arte-arte ng Fia na 'yon. Hindi siya bagay kay Owen. Ako ang mas bagay kay Owen!"
Kung hindi lang nabigla si Gemme sa narinig na usapan ng mga babaeng nadaanan niya sa bench, sasabunutan niya ang babaeng nag-claim na bagay ito kay Owen.
Break na sina Owen at Fia! Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa kanyang isip. Kulang na lang ay kantahin niya iyon at sabayan ng cheer dance. Abot-tainga ang kanyang ngiti nang pumasok siya sa locker room. Ubod-lakas niyang pinakawalan ang tili nang maisara niya ang pinto. Nagtinginan sa kanya ang lahat ng naroon. Nginitian lang niya ang mga ito.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Becca, isa sa mga kasamahan niya sa pep squad.
"I'm just super-duper happy!" ngiting-ngiting sagot ni Gemme. Kinuha na niya ang mga gamit sa locker at nagpalit ng damit.
Ganadong-ganado si Gemme sa pagpa-practice ng pinakabagong routine at napansin iyon ng lahat. Sa wakas, natupad na rin ang kanyang hiling sa wishing well. Magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen.
Hinanap niya si Owen nang matapos ang practice. Natagpuan niya ang binata sa isang bench kasama ang mga kaibigan nitong sina Jacob at Frei. Nagtago siya sa halamanan nang marinig na binanggit ng isang kaibigan nito ang pangalan ni Fia.
"Ano ba talaga'ng nangyari, pare? Bakit bigla kayong nag-break ni Fia?" tanong ni Jacob.
"Oo nga, pare. Bakit bigla-bigla naman?" segunda ni Frei.
Humugot ng malalim na hininga si Owen. "She just told me she's tired."
"She's what?" bulalas ni Frei.
"Tired of you? I can't believe it," ani Jacob.
Owen snorted. "Hindi rin ako makapaniwala. Fia dumped me." Nagmura ito.
"Shit, pare. Si Fia lang ang babaeng nag-dump sa 'yo," ani Frei.
"How did that happen? I mean, paano nangyaring napagod na siya sa 'yo?" tanong ni Jacob.
"I admit it was my fault kaya siya nagalit sa akin. Hindi ako naka-attend sa silver wedding anniversary ng parents niya."
"Bakit 'di ka naka-attend?" tanong ni Jacob.
"Something more important came up."
"And what is that?"
"Hindi ko puwedeng sabihin."
"And why not?" pangungulit ni Frei.
"Shit, pare. I have no time for this." Akmang tatayo si Owen pero pinigilan ito ni Jacob sa balikat.
"It's okay, pare. Hindi mo na kailangang sabihin sa amin kung bakit. Pero sinabi mo ba sa kanya ang dahilan mo? Kung totoong importante 'yan, siguro naman, dapat naintindihan niya."
"She wouldn't listen. Napuno na raw siya. Hindi naman kasi 'yon ang unang beses na hindi ko siya nasipot. Apat na beses na."
"Kasalanan mo naman pala talaga, eh," komento ni Frei.
"I know. Kaya nga nag-sorry ako. Pero ayaw na raw niya. She said she's tired of me so she broke up with me. I tried to change her mind but I failed. Mukhang ayaw na nga talaga niya."
Nakita ni Gemme nang tapikin ni Jacob sa balikat si Owen. "Marami pang ibang babae riyan, pare. Hayaan mo na si Fia kung ayaw na talaga niya."
Nandito naman ako, ani Gemme sa isip. Kung puwede lang siyang mag-butt in at segundahan ang sinabi ni Jacob.
"But I love her," ani Owen.
Mahina lang ang pagkakasabi ng binata pero pakiramdam ni Gemme, isinigaw iyon sa kanyang tainga.
"And I'm going to win her back," dugtong pa ni Owen.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Gemme sa mga dahon. Wala sa loob na nalapirot niya ang mga iyon. Wala pala siyang dapat i-celebrate sa nangyaring paghihiwalay ng dalawa. Lalo lang niyang napatunayan na mahal talaga ni Owen si Fia.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomantikTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...