"I'M SORRY," bulong ni Gemme kay Owen nang makaagapay siya sa binata.
Bitbit ni Owen ang isang water jug at mabigat na picnic basket na inilabas nito mula sa van na naghatid sa kanila papunta sa beach resort kung saan nagyaya ang kanyang mommy.
"What are you sorry for?" nakakunot-noong tanong nito.
"For dragging you here. Masyado na kitang naaabala. Request kasi nilang isama ka namin, eh."
"It's okay. Gusto ko naman ito, eh. Unless, ayaw mo talaga akong sumama sa family outing n'yo."
"Of course not! Gusto nga kitang kasama, eh."
"Gusto mo akong kasama?"
"Oo. Para may tagabitbit kami." Tumawa si Gemme.
Magkatulong nilang inayos ang mga dalang pagkain sa open nature cottage na inupahan nila. Ilang sandali pa ay nagsasalusalo na sila sa tanghalian. Asikasong-asikaso siya ng binata habang kumakain sila. Si Owen ang naglalagay ng mga pagkain sa kanyang pinggan. Ito rin ang nagsalin ng tubig sa kanyang baso. Pinunasan nito ang kanyang bibig. Kulang na lang ay lagyan siya nito ng bib at subuan.
"Masyado mo namang bine-baby ang anak namin, Owen," puna ng kanyang daddy na may kasamang panunukso. "Baka maging spoiled sa 'yo 'yan."
"Okay lang po. Basta lagi siyang nakangiti nang ganyan."
Lumuwang ang ngiti ni Gemme. Tinotoo ni Owen ang sinabi nito sa kanya. Wala na nga itong ginawa kundi ang pangitiin at patawanin siya tuwing nagkikita sila.
"You know what, Owen? Ikaw lang ang nakapagpangiti nang ganyan kay Gemme. Whenever you're around, she smiles from ear to ear, just like that," sabi ng kanyang mommy.
Napanguso tuloy si Gemme.
"Kailan kaya ako magkakaapo sa tuhod?" singit ng kanyang lola na nakapagpalaki ng kanyang mga mata.
"Grandma!" bulalas niya.
Bumungisngis ang kanyang lola. Nagtawanan tuloy ang lahat.
"Bago ang apo, 'Ma, kasal muna," anang kanyang daddy sa kanyang lola.
Bigla tuloy nahiya si Gemme kay Owen. Na-guilty rin siya sa kanyang pamilya. Nag-uusap na ang kanyang pamilya tungkol sa kasal at apo gayong hindi naman talaga sila ni Owen. Little did they know, he was about to get married to another woman. Malapit nang mawala nang tuluyan sa kanyang buhay ang binata. Next week na ang engagement nito kay Krissa. Kaya nga sinusulit na rin niya ang mga panahong maaari pa niyang makasama ito.
Pagkatapos kumain at makapagpahinga ay nagyayang mag-Jet Ski si Owen. Pagkatapos ay nag-swimming sila. Nagtampisaw sila sa tubig at naglaro doon. Nagsabuyan sila ng tubig at naghabulan sa dagat. Halos kabagan siya sa kakatawa. She had never enjoyed the sun and the seawater until that day.
That night, after dinner, they sat on the shore and watched the sea in the dark. Maybe after tomorrow, they would not see each other again. Kaya naman hindi na nahiya si Gemme nang ihilig niya ang ulo sa balikat ni Owen. Inakbayan siya ng binata. Parang ayaw na niyang matapos ang gabing iyon.
"Don't you think it's funny?" tanong niya. "We've met twice in our lives to serve each other for one same deed—to be each other's pretend lover."
Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Owen, nai-imagine niyang napangiti ito.
"Hindi lang 'yon ang ibinigay mo sa akin, Gemme. I was sad that time and you made me happy."
"At ngayon namang ako ang malungkot, ako naman ang pinasaya mo?"
"Masaya ka ba? Napasaya ba kita?"
Umalis siya mula sa pagkakahilig sa balikat ni Owen at tiningnan ito. She smiled at him. "Oo. Napasaya mo ako. Nakita ko ang effort mo para lang mapasaya ako. Those things you don't usually do for a woman, you did for me. Kahit hindi ka sanay na pumunta sa amusement park, dinala mo pa rin ako roon para lang mapasaya ako. You've put an act in front of my parents and my grandma just to make them happy, too. In fairness, nag-improve ang acting skills mo. I really appreciate what you're doing for me, Owen. Thank you so much."
Bahagyang ngumiti ang binata. Hindi niya alam kung bakit parang may lungkot sa mga mata nito.
"There's one more thing I'd like to do for you, Gemme. Gusto ko sanang tulungan kang kalimutan si Hero para maka-move on ka na sa buhay mo. You won't be completely happy if you continue loving him."
Inaakala pa rin pala nito na si Hero ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Gusto niyang sabihin kay Owen na hindi si Hero ang mahal niya kundi ito. At kaya hindi niya magawang maging totoong masaya ay dahil alam niyang hindi siya kailanman mamahalin ng binata. Yes, she had met him twice in her life for one same circumstance. And that was to love him and get hurt twice, too. Kaya ano ang magiging sense kung sasabihin niya ang totoo? Magmumukha lang siyang kawawa. Mabuti nang isipin na lang nito na iba ang kanyang mahal.
Hinaplos ni Owen ang kanyang mukha. "I want you to forget about him. Please forget about him. If you want, puwede mo akong gamitin para kalimutan siya."
Napatingala siya sa binata.
"I'm willing to help you forget about Hero."
"Ano ba'ng sinasabi mo?" nalilitong tanong ni Gemme. Hindi kasi siya makapaniwalang aabot sa ganoong extent ang handa nitong gawin para lang mapasaya siya.
Hindi siya sinagot ni Owen at tumitig lang nang mataman sa kanyang mga mata. Naramdaman niya ang paglandas ng kamay nito sa likod ng kanyang ulo. Bago pa man siya makapagsalita bumaba na ang mukha nito at sinakop ang kanyang mga labi.
He kissed her slowly yet thoroughly. Although surprised by what he did, she could not deny the fact that she liked his kiss so much. She had been longing for that since the first time they had kissed. It did not surprise her anymore when her lips automatically moved to respond to his kiss. Sa ginawa niyang pagtugon, naging mas mapag-angkin ang halik ni Owen. Iyon na siguro ang pinakamainit na halik na kanyang naranasan sa buong buhay niya. Yes, he could go on kissing her forever and she would not stop him. Mahal niya ito at ito lang ang tanging makakapagpasaya sa kanya nang lubos.
Pero tama ba ang nagaganap? Tama ba na hayaan niyang halikan siya ni Owen kahit hindi niya naiintindihan kung bakit nito ginagawa iyon? Tama ba na nagpapahalik siya sa lalaking engaged to be married na? Napadilat siya. And, hell, they were kissing in a public place! Bagaman gabing-gabi na at hindi gaanong matao ang lugar na pinuwestuhan nila ay public place pa rin iyon!
Naitulak niya si Owen. Napabitiw ito sa kanyang mga labi pero hindi ito lumayo sa kanya. Gulong-gulo ang isip na tumayo siya at mabilis na lumakad palayo sa binata. Hindi niya kayang tanungin o kausapin ito pagkatapos ng ginawa nila.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...