"COOKIES?" nakakunot-noong tanong ni Owen nang silipin ang laman ng kahon na ibinigay ni Gemme. Puro iyon heart-shaped cookies. Iyon ang second day nila sa paglabas na magkasama.
"Yes. I baked them and I want you to have them," nakangiting sabi niya.
"What for?"
"Naisip ko kasi na habang nagpapanggap tayo, magpa-practice na rin akong maging isang good girlfriend para kapag nagkaroon na ako ng totoong boyfriend, maging bongga ang love life ko," pagdadahilan niya.
Parang naaaliw na ngumiti sa kanya ang binata.
"Wait... hindi ka ba ipinagbe-bake ni Fia ng cookies?"
"Fia hates the kitchen. Ayaw niya ng mainit na lugar. At saka, hindi naman ako mahilig sa cookies."
"Simple act of care means so much. Kapag mahal mo ang isang tao, paghihirapan mong gawin ang isang bagay para sa kanya. At kahit ano ang ibigay niya, kahit hindi mo pa iyon gusto, maganda at mahalaga para sa 'yo."
Ngumiti si Owen. "Nagpa-practice ka nang maging good girlfriend para kay Hero?"
Ngumiti na lang si Gemme. "Napakasuwerte kaya ng magiging boyfriend ko," malayong sagot niya.
"I agree."
Namilog ang kanyang mga mata. "You agree?"
"Yeah."
"Bakit?" excited na tanong niya.
"Kasi thoughtful ka, sweet, malambing, at maasikaso. Ginagawa mo ang gusto mong gawin at ipinapakita mo ang nararamdaman mo nang walang constraint."
Lumuwang ang kanyang ngiti. "Nakita mo 'yon?"
"Yeah. Pinagpapraktisan mo ba naman ako, eh."
"Tikman mo na 'yang cookies."
Tinikman nga ni Owen ang isa. Tumango-tango ito. "Masarap."
"Talaga?" Humagikgik siya. Sabay nilang kinain ang cookies. Pagkakain, nagyaya siyang pumunta sa isang amusement park. Naramdaman niya ang hesitation ng binata.
"What? Hindi rin kayo nagpupunta ni Fia rito?"
"Fia finds places like this childish. Ayaw niya sa mga ganitong lugar."
Fia doesn't seem to be fun at all, naisip ni Gemme. Kapag siya ang naging girlfriend ni Owen, sasaya ito nang bonggang-bongga. "But it's fun here. Palagi kami ng mga cousins ko rito. Maski si Yaya, isinasama ko," dere-deretsong sabi niya.
"Yaya?"
"Ha? Yaya... yaya ng pinsan ko kung saan ako nakikitira. 'Yaya' na rin ang tawag ko sa kanya," pagpapalusot niya. Hinila na niya si Owen kaya wala nang nagawa ito kundi ang bumili ng tickets.
Sa loob ay sinakyan nila ang iba't ibang amusement rides. Sigaw siya nang sigaw at tawa nang tawa. Halatang nag-e-enjoy rin si Owen. Lalo tuloy siyang nasiyahan dahil nag-e-enjoy itong kasama siya. Pati ang mga fun booths, pinuntahan nila. Nanalo ito sa isang target shooting game at ibinigay sa kanya ang premyong teddy bear. Niyakap niya nang mahigpit ang stuffed toy. Hinalikan pa niya iyon. Iingatan niya ang gift na iyon dahil galing kay Owen.
Niyayang sumakay ni Gemme sa Ferris wheel ang binata. Iyon na lang ang hindi pa nila nasasakyan. Sadyang inihuli niya ang ride na iyon dahil gusto niyang kapag sumakay sila roon ay madilim na madilim na at marami nang bituin sa langit. Para kasing napaka-romantic kapag ganoon.
"Pati ba naman dito, tumitili ka?" nakangiting tanong ni Owen habang nakasakay na sila sa Ferris wheel. "Hindi ba dapat sa mga fast rides lang tumitili?"
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...