Hindi maiwasang sulyapan ni Gemme sina Fia at Jedric na nasa mesa di-kalayuan sa mesang kinapupuwestuhan nila nina Owen, Frei, at Jacob sa canteen. She caught Fia looking at them. Nang magkasalubong ang tingin nila, nakita niya ang talim sa mga mata ng babae.
Ramdam ni Gemme na nagseselos na si Fia. Mukhang malapit nang magtagumpay ang palabas nila ni Owen. Maaaring ilang araw na lang ang bibilangin at hindi na makakatiis si Fia at makikipagbalikan na ito sa dating nobyo. Kaya kailangan niyang mag-double time. Bago pa man makakilos si Fia, kailangan na niyang paigtingin ang pagpapaibig kay Owen.
He admitted she was fun. That was just it. Napaka-wholesome ng tingin ng binata sa kanya. Mukhang hindi pa nito nakikita na kaakit-akit din siya bilang babae. That was what she had to work on.
"Ang sarap-sarap nito," ani Gemme na ang tinutukoy ay ang sandwich na kinakain. She chewed a bite of it with gusto. "Ito ang bago sa mga sandwiches nila."
"Talaga?" sabay pang sabi nina Frei at Jacob.
"Tikman mo, baby," baling niya kay Owen. Iniumang niya rito ang tinapay.
Hindi tumanggi si Owen. Kumagat ito sa kanyang sandwich. Tumango-tango ang binata habang ngumunguya. "Masarap nga." Nag-thumbs-up pa ito.
"Kami rin, patikim!" ani Frei.
"Ayoko nga," tanggi niya.
"Bakit si Owen lang ang pinakagat mo?" reklamo naman ni Jacob.
"Bakit, boyfriend ko rin ba kayo?"
Nag-make a face si Frei. Ngumisi si Jacob. Natawa naman si Owen. Mayamaya pa, puro biruan na ang nangyari. Tawa siya nang tawa.
"Bakit ganyan tumawa 'yang girlfriend mo, pare? Parang palaging kinikiliti," tanong ni Frei.
"Siguro malakas ang kiliti ni Gemme," segunda ni Jacob.
"Sobra!" sagot ni Owen.
Minsan kasi, nang hawakan siya ni Owen sa baywang ay pumiksi siya. Nang magtanong ito kung bakit, idinahilan niyang malakas ang kanyang kiliti. Ang hindi nito alam, may halong kilig ang kiliting iyon.
"Ikaw rin naman, ah. Akala mo kung sinong pa-hunk, eh, ang lakas-lakas naman ng kiliti sa batok," pananabla niya kay Owen.
Minsan kasi, napansin niya ang nunal ni Owen sa batok. Hinawakan niya iyon. Pumiksi ito at inaming may kiliti ito roon. Dahil sa pag-amin ng binata, lalo pa niyang inasar ito. Tawa siya nang tawa dahil nakakatuwa ang tawa nito kapag nakikiliti.
"Aba, naman... kung saan-saan na pala kayo naghahawakan diyan, ha," pang-aalaska ni Frei.
Lolokohin pa sana niya si Owen pero pinigilan siya ng binata. "Sshh! Secret 'yon. Baka may makarinig."
"Eh, ano naman ngayon kung malaman ng iba na malakas ang kiliti mo?" aniya na sadyang nilakasan ang boses. Nagtinginan ang schoolmates nila na nasa mga kalapit na mesa.
Dahil sa ginawa ni Gemme, kinalabit siya ni Owen sa tagiliran. Pumiksi siya at gumanti. Hanggang sa mauwi na sila sa kilitian at tawanan. Sina Frei at Jacob ay pinanonood lang sila.
Tumikhim nang malakas si Frei. "Baka nakakaabala na kami ni Jacob sa inyong dalawa."
Sabay silang napatingin ni Owen sa dalawa pero kaagad din nilang ipinagpatuloy ang pagkikilitian.
"Mawalang-galang na sa paghaharutan n'yo pero may gusto lang akong sabihin," pagsingit uli ni Frei.
Tumigil sila ni Owen sa pagkikilitian. "Ano 'yon, pare?" tanong ni Owen.
"Invited tayo sa birthday party ni Jerry." Ang presidente ng student council ng Engineering ang tinutukoy ni Frei. "Isama mo si Gemme."
"Knowing Jerry's mother, themed party na naman 'yan," ani Jacob.
"Siyempre. Events and party organizer ang mama niya, eh. The theme is Old Hollywood movies. So we have to dress up like those famous old Hollywood movie characters," ani Frei. Iginalaw-galaw nito ang mga daliri sa baba. "Meron na akong naisip na characters para sa inyong dalawa ni Gemme."
"Sino?" tanong ni Owen.
"Sina Superman at Lois Lane."
Nagtawanan sila.
"Magbi-briefs ka lang ng pula, pare," pang-aasar ni Frei. "Don't worry, ako ang magpopomada sa buhok mo." Lalong lumakas ang tawanan.
"Ikaw na lang ang mag-briefs ng pula. Mas bagay sa 'yo," ganting-pang-aasar ni Owen kay Frei. Mayamaya ay bumaling ito sa kanya. "Come with me to the party."
"Sure." Malamang na naroon din si Fia kaya gusto siya nitong isama.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...