Part 20

9.8K 257 7
                                    


IPINAGPAALAM ni Owen si Gemme sa kanyang mga magulang nang matapos ang hapunan at kuwentuhan nila. Owen said they needed to talk. Naisip niyang marami nga silang dapat pag-usapan tungkol sa palabas nila kaya sumama siya sa binata. Sa gilid ng breakwater siya dinala nito.

"What can I say? You charmed them all," ani Gemme.

Lumuwang ang ngiti ni Owen. "Well, that's actually effortless." Nagkibit pa ito ng mga balikat.

Tumawa siya. "'Yabang!"

Sumeryoso ito. "I like your parents, Gemme. Pati ang lola mo. They're very nice."

"And they like you, too." Bumuntong-hininga siya at sumandal sa pinto ng kotse nitong ipinarada nito roon. "Paniwalang-paniwala sila na boyfriend nga kita."

"Tulad ng paniwalang-paniwala ang buong campus noon na girlfriend nga kita." Tumabi ito sa kanya sa pagkakasandal sa kotse.

Wala na ba tayong gagawin kundi ang magpanggap, Owen? Hindi ba talaga puwedeng magkatotoo ito? "Bakit kaya hindi na lang tayo mag-artista? Magaling tayong umarte, eh," biro niya para pagtakpan ang lungkot na nararamdaman.

He laughed softly. "Yeah. Puwedeng-puwede tayong love team."

"Best actor ka nang punasan mo ang bibig ko ng table napkin kanina."

"You did the same to me every time I eat four years ago."

"Naaalala mo pa 'yon?" gulat na tanong niya.

"Oo naman."

"Thank you, Owen."

"Thank you saan?"

"You made my mom happy. You made them happy."

"Hindi sila sumaya dahil sa akin. Sumaya sila dahil nalaman nila na may lalaking nagmamahal sa 'yo."

Tumahimik siya. Sana nga ay totoo ang mga sinabi ni Owen.

"Why, Gemme? Why are you alone?"

Nakakunot-noong nilingon niya ang binata.

"You're alone and I can't see the reason why. Bakit hindi ka na nagka-boyfriend since Hero?"

"Hindi iyon ang dapat nating pinag-uusapan ngayon, Owen," paiwas na sagot niya. "Let's talk about our show entitled 'The Pretend Lovers, Part Two.'" Tumawa siya.

Parang napilitan lang na ngumiti ang binata.

"Hanggang kailan ang palabas na ito?" tanong ni Gemme habang nakatanaw sa madilim na dagat.

"Kung hanggang kailan mo gusto."

Bumaling siya rito. "Kung hanggang kailan ko gusto?"

"Yeah."

"You're crazy! How could that possibly be? Paano kung hilingin ko sa 'yo na habang-buhay kang magpanggap na boyfriend ko? Papayag ka ba?" Ikakasal ka na! Ano'ng gusto mong maging labas ko? Kabit mo?

"Napakabigat ba ng dahilan kung bakit hindi ka na nagkaroon ng boyfriend pagkatapos ni Hero? Ano ba'ng ginawa niya sa 'yo?"

Hindi niya sinagot si Owen. Muli siyang tumingin sa dagat. "Alam mo kung ano'ng na-realize ko ngayon-ngayon lang? This is all just a waste of time for both of us. Tulad noong una, may katapusan din ang palabas na ito. Magbe-break din tayo kunwari. Malulungkot din ang parents ko kapag naghiwalay tayo." Napailing-iling siya. "Sana hindi na lang natin ginawa ito. Nadamay ka pa sa panloloko ko sa parents ko."

Hindi ito sumagot. Siguro na-realize din nito ang mga komplikasyon ng ginawa nilang pagpapanggap sa kanyang mga magulang at lola.

"Ang masama pa nito, baka makita ka nila isang araw na kasama si Krissa. I'm sure they're going to feel hurt and they're going to hate you." Masyado siguro siyang na-excite sa pagkakasama uli nila bilang pekeng couple kaya hindi agad niya naisip ang mga bagay na iyon.

Umalis sa pagkakasandal sa kotse si Owen at hinarap siya. "Don't worry, mag-iingat ako. Hindi kita ipapahamak. I'm the one who suggested this. So, I'm responsible for this. Kailan lang tayo nagkabalikan, puro worries ka na," sabi nito. He touched her face.

Napantastikuhan si Gemme sa binata. Nagkabalikan daw sila? At saka bakit kailangan pa nitong hawakan ang kanyang mukha na parang mahal nga siya nito at natutuwa ito na nagkabalikan na sila? Kung alam lang ni Owen na dinadagdagan nito ang kanyang paghihirap lalo na nang ngumiti ito habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Don't worry, okay? Leave everything to me. Ako'ng bahala. Smile naman diyan," nakangiting sabi ni Owen.

Pilit na ngumiti si Gemme. Nang tingnan uli niya si Owen, her heart skipped a beat. Kung makatingin kasi sa kanya ang binata ay parang gusto nitong halikan siya. Kapag hindi ito tumigil sa pagtitig sa kanya nang ganoon, baka hindi niya mapigilan ang sarili at siya na ang kusang humalik dito. The kiss they had shared at the party four years ago was still vivid in her mind. The way he kissed her was breathtaking. Iyon ang pinakamasarap na halik na natikman niya sa buong buhay niya.

Mayamaya ay tumunog ang cell phone ni Owen. Dumeretso ito ng tayo at kinuha sa loob ng bulsa ang cell phone. Saglit na tiningnan nito ang screen bago sinagot ang tawag.

"Yeah... Okay... I'll be there... All right." Muli itong tumingin sa kanya nang tapusin ang tawag. "Ihahatid na kita sa inyo."

Tahimik si Owen sa buong biyahe pabalik sa bahay nila. Siguro ay si Krissa ang tumawag at kaya tahimik ito ay dahil biglang na-guilty sa ginagawa nilang pagpapanggap. Hindi tuloy maiwasan ni Gemme na mainggit kay Krissa. Gaya ng naramdaman niyang inggit kay Fia noon. 

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon