SARISARI ang naglalaro sa isip ni Gemme habang iniisip ang tungkol sa namagitang halik sa kanila ni Owen. Bakit siya hinalikan ng binata? Nabigla lang ba ito o simula iyon ng sinabi nitong pagtulong sa kanyang makalimutan si Hero? Ano ang intensiyon ni Owen sa pagtulong sa kanya? Kasama ba iyon sa intensiyon nito na mapasaya siya o may iba pang dahilan? Pero ano ang dahilan na iyon? Could it be that he had learned to finally like her? Pero dapat ba niyang ikatuwa na may gusto na ito sa kanya gayong ikakasal na ito?
Halimbawang gusto nga siya ni Owen, pero iba ang "mahal" sa "gusto." At ang mahal nito ay ang pakakasalan nito—si Krissa iyon.
Tama ba na umasa siya dahil lang hinalikan siya? He did not even talk to her the next morning. Parang walang nangyari. Nahiya naman siyang ungkatin kay Owen ang tungkol doon. Natakot din siya na baka mapahiya lang siya kapag nagtanong siya at hindi niya magustuhan ang magiging sagot ng binata.
It had been four days since they last saw each other. Hindi na rin nakatanggap pa ng tawag o text message si Gemme mula sa binata. Maybe that was it. Humantong na siguro sila uli sa pagtatapos ng kanilang palabas. Tatlong araw na lang ay engagement party na nito at ni Krissa. Sa ayaw at sa gusto niya, talagang hindi na sila maaaring magkasama pa.
Nakahalata ang kanyang pamilya na nagkaroon sila ng problema ni Owen bago pa sila umuwi mula sa beach resort. Her mother gave her pieces of advice. Hindi raw por que nagkaroon sila ng di-pagkakaunawaan ni Owen ay dapat na silang maghiwalay. Pag-usapan daw nila nang mabuti ang naging misunderstanding nila. Kung nalalaman lang ng mommy niya ang totoo...
Nang magkita sila ni Miles, hindi rin siya nakatiis at ipinagtapat din niya ang nangyari nang umiyak siya rito. Ang akala niya ay pagagalitan na naman siya ni Miles dahil sa kagagahan niya pero nagulat siya nang bigyan siya nito ng isang advice na nagpaliwanag sa naguguluhan niyang isip.
"Talk to him. Kung ayaw niyang kusang lumapit sa 'yo para pag-usapan ang totoong sitwasyon n'yo, then take the initiative. You have the right to know the truth. Kung anuman ang malaman mo, tanggapin mo. Maganda man o pangit iyon, at least, inalam mo ang totoo at wala kang panghihinayangan o pagsisisihan sa bandang huli."
Pumunta si Gemme sa opisina ng Elecaros Electrical Systems para hanapin si Owen. Fortunately, she saw Jacob there. Kaya malaya siyang nakaakyat hanggang sa administration office. Hindi pa raw dumarating si Owen ayon sa secretary ng binata pero ang sabi ni Jacob, maaari siyang maghintay sa labas ng opisina ni Owen. Bago pa man siya maiwan ni Jacob sa secretary ni Owen ay may babaeng biglang dumating. Nakilala kaagad niya ito.
Si Krissa. Mukhang galit na galit.
"Where is Owen?" bulyaw ni Krissa sa secretary.
"Sorry, Ma'am. He's not in yet."
Mukhang hindi naniwala si Krissa kaya tumuloy-tuloy ito papasok sa loob ng opisina nang walang paalam. Ilang saglit pa ay lumabas din ito. "Where the hell is he?" tanong nito at pagkatapos ay bumaling kay Jacob. "Jacob, where is he?"
Nagkibit-balikat ang lalaki. "I don't know."
"Is he hiding from me?"
"Ask him when you caught him."
"He can't do this to me! Our engagement party is all set. Hindi ako papayag na hindi siya dumating. Mae-engage kami sa ayaw niya at sa gusto!" galit na sabi ni Krissa.
"Come on, Krissa. Owen didn't tell you to prepare his engagement party with you this soon. So, kapag hindi siya sumipot sa party na ipinahanda mo, hindi ka dapat magalit. Ikaw ang may kasalanan diyan dahil nagdesisyon ka nang sarili mo. Pangalawa, hindi naman kayo normal couple. Political couple ang tawag sa inyo. You are just about to marry each other for the expansion and merging of your father's company and our company. You have no claims to Owen emotionally wise. And third—"
"Shut up, you bastard!" bulyaw ni Krissa sa binata. Nanggigigil sa galit ang babae at parang gustong lapain si Jacob. Ngumisi lang si Jacob dito. Tumalikod na ang babae at padabog na naglakad palayo.
"Totoo ba ang mga sinabi mo?" tanong ni Gemme kay Jacob na hinahabol ng tingin ang mahahabang legs ni Krissa. Medyo natagalan pa ito bago lumingon sa kanya.
"Ha?"
"Totoo bang hindi mahal ni Owen si Krissa?" Gusto niyang makumpirma ang narinig. Para siyang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib sa narinig mula kay Jacob pero may pangamba pa rin siya.
Hinila siya ni Jacob papasok sa private office nito.
"Hindi mahal ni Owen si Krissa," sagot nito sa tanong niya nang naroon na sila.
Ngayon, alam na niyang walang pinagtataksilan si Owen noong hinagkan siya nito. Walang ibang mahal ang binata. Kung ganoon, may posibilidad kayang may pagtingin din sa kanya si Owen kaya siya hinalikan?
"Si Krissa lang ang patay na patay kay Owen. Kaya hiniling niya sa daddy niya na ipakasal siya kay Owen. Kinausap ni Mr. Marquez ang father ni Owen. They had a business deal. Owen agreed to marry her. Sinunod niya ang utos ng father niya."
"Bakit niya sinunod ang father niya? Kung hindi talaga niya gusto si Krissa, tatanggi siya. He had the right to choose whom he wants to marry."
"His father has a terminal disease. Cancer of the colon. Kaya kahit ayaw niya kay Krissa, pumayag siyang maikasal sa babaeng 'yon."
Tumingin si Gemme sa glass wall na kita ang tanawin sa labas. "I sympathize on his father's condition pero hindi pa rin tama na ipakasal niya si Owen sa babaeng hindi mahal ng anak niya para lang sa kapakanan ng kompanya nila."
"That's also my sentiment, Gemme. Pero naaawa si Owen sa father niya. Ayaw niyang sumama ang loob ng father niya dahil may sakit nga. Kahit nagkaroon sila ng rift noon dahil sa paghihiwalay ng parents niya, hindi pa rin daw niya kayang tiisin ang father niya."
"Kailangan kong makausap si Owen. Please call him. Alamin mo kung nasaan siya. Pupuntahan ko siya pero huwag mong sasabihin sa kanya."
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
عاطفيةTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...