NGINITIAN ni Gemme si Miles na nalaglag ang mga panga nang makita siya.
"Gemme? Ikaw ba 'yan?"
Tumango siya. "Uh-huh." Poised na naglakad siya papasok sa classroom.
Nagsipulan ang mga kaklase niyang lalaki. Pati ang mga kaklase niyang babae ay nagulat din sa kanyang hitsura nang araw na iyon. She was wearing a short blue strapless dress with a pair of three-inch heels. Bahagya niyang kinulot ang dulo ng kanyang mahabang buhok para magmukha siyang seductive. Naglagay rin siya ng kaunting makeup.
Marunong siyang mag-ayos at magdamit na parang isang dalaga. Hindi lang niya madalas na ginagawa dahil hindi siya komportable na nagsusuot ng maiikling damit at may kolorete pa sa mukha. Lalo pa at madalas na nasa school lang siya. Kapag uma-attend lang ng social gathering siya nag-aayos nang ganoon. Mas komportable siya sa nakasanayan niyang getup—cute and trendy.
Now, she had to look sexy and sophisticated. Hindi na siya maaaring mag-double ponytail o mag-headband. Kailangang naka-fix na parati ang kanyang buhok tulad ng kung paano inaayos ni Fia ang buhok nito. Gusto niyang ipakita kay Owen na kaya rin niyang mag-ayos tulad ni Fia. Kaya rin niyang matalbugan ang babae kapag ginusto niya.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Miles na tumabi sa kanya sa upuan.
"I'm changing my look. Officially today, ganito na ang magiging ayos ko araw-araw."
"Why?" naguguluhang tanong nito.
"Wala lang. Naiirita na kasi ako sa mga nagsasabi na mukha akong nene. Kaya nag-iba ako ng look para naman hindi na ako mukhang bata," pagkakaila niya.
"Pero dapat bang ganyan ka-show off?"
"This is how campus babes dress up. Bagay naman sa 'kin, 'di ba?"
"Yes, Gemme. Bagay na bagay sa 'yo," sabad ng isa nilang kaklaseng lalaki.
"Thanks!" nakangiting sabi niya.
May sasabihin pa sana si Miles pero naudlot iyon dahil dumating na ang kanilang professor.
Later that day, nakasalubong niya sina Frei, Jacob, at Owen sa corridor. Napansin niyang nakatingin ang tatlo sa kanya. Si Frei ay nakatingin sa kanyang legs. Si Jacob ay nakatingin sa dibdib niya. Si Owen naman ay sa mukha niya nakatingin. For a moment, he looked as if he was mesmerized. Pero habang lumiliit ang distansiya sa pagitan nila ay kumukunot ang noo ng binata.
Ngumiti si Gemme sa tatlong lalaki nang malapit na ang mga ito sa kanya. Huminto ang mga ito. Frei and Jacob were both smiling. Mukhang hindi siya na-recognize ng dalawa. Si Owen lang ang nagpakita ng recognition.
"Hi, guys!" bati ni Gemme.
"Hi," halos sabay na ganting-bati nina Frei at Jacob.
"So, guys, how do you find my look?"
"You look hot." Si Frei ang sumagot. Gusto niyang hambalusin ito sa lantarang pagtitig sa dibdib niya.
"Teka, parang pamilyar ka. May we know your name?" tanong ni Jacob.
"Gemme?" nakakunot pa rin ang noo na tanong ni Owen.
Tumango siya. Nakita niyang nawala ang ngiti ng dalawa.
"I-ikaw 'yong cheerleader?" gulat na tanong ni Jacob.
"Yup."
"Si nene... dalaga na?" kumukurap-kurap pang tanong ni Frei.
"Hindi na ako nene!" bulyaw niya.
Ngumisi si Frei. "Naniniwala na ako. Nag-ayos ka ba ng ganyan para lang patunayan na hindi ka na nene?"
Inirapan niya si Frei at ibinaling ang tingin kay Owen. "Can we talk?"
Hindi sumagot si Owen, tumitig lang sa kanya. Nasa mga mata nito ang uncertainty. Hindi pa rin ba siya puwedeng ipantapat kay Fia? Napatunayan na niya na kaya niyang maging kaakit-akit. Hindi pa rin ba siya puwedeng maging pretend girlfriend nito?
"Pare, si Fia, papalapit," narinig niyang bulong ni Jacob kay Owen.
Kaagad na lumipad ang tingin ni Owen sa kinaroroonan ng ex-girlfriend. Pumihit si Gemme para tingnan ang babae pero nagkamali siya ng hakbang. At dahil napakataas ng heels na suot niya ay natapilok siya. Napasinghap siya. Her first instinct was to grab whoever was near. May isang pares ng mga brasong humawak sa kanya. The next thing she knew, she was in Owen's arms. Nakasubsob siya sa dibdib nito at nakayakap sila sa isa't isa.
Mukhang blessing in disguise pa ang pagkakatapilok niya dahil sa wakas, naramdaman na niya ang makulong sa loob ng mga bisig nito. Napakasarap sa pakiramdam na mayakap nito. She could dwell in his arms forever.
Nang tumingala si Gemme kay Owen, nakita niyang nakayuko ang binata sa kanya. There was tenderness in his eyes as he looked at her.
"Are you okay?" marahang tanong ni Owen.
Dahan-dahan siyang tumango.
"Masakit ba ang paa mo?"
"M-medyo. Natapilok kasi ako."
"Next time, baby, mag-iingat ka. Ayokong napapahamak ka."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Gemme. Baby?
"Come on, dadalhin kita sa clinic," sabi nito at sa pagkabigla niya, pinangko siya nito. Nang makita niya si Fia na halos isang dipa na lang ang layo sa kanila, nahulaan na niya kung bakit ginawa iyon ni Owen. It was all for show. And by the look on Fia's face, mukhang hindi nito nagustuhan ang nakitang pagpangko ni Owen sa kanya. He did all those things just to make Fia jealous.
Was she hired?
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomansaTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...