Part 16

8.5K 237 1
                                    

"IS THAT Krissa Marquez you just talked to, Mela?" tanong ni Gemme sa isa sa party organizers ng Merrymakers. Kababalik lang ni Mela sa desk nito. Ang dinig niya, galing ito sa private room dahil VIP raw ang bagong client nito. Bilang managing supervisor, laging mino-monitor ni Gemme ang activities ng mga empleyado.

"Yes, Ma'am. The infamous bratinella heiress-model."

Krissa Marquez was tall, beautiful... and skinny. And yes, bratinella heiress-model. Para itong Paris Hilton ng Pilipinas.

"Anong klaseng party ang ipinapa-organize niya?"

"Engagement party."

"Really? Ikakasal na pala siya. Bakit hindi yata napapabalita na may boyfriend siya? Who's the mystery guy?"

"Anak ng CEO ng Elecaros Electrical Systems, isang company na nagma-manufacture at nagpo-provide ng electrical facilities and services."

"E-Elecaros Electrical?"

"Yes. Why?" nakakunot-noong tanong ni Mela na mukhang nagtaka sa kanyang tono.

"A-ano'ng pangalan ng fiancé niya?" hindi humihingang tanong ni Gemme.

"Owen Lorenzo daw."

Nabitiwan ni Gemme ang hawak na folder. Mabuti na lang at naka-bind ang laman niyon.

Owen was getting married?

"Are you okay, Ma'am?"

"O-of course," sabi na lang niya pagkatapos mabilis na pulutin ang folder na nahulog bago pa iyon madampot ni Mela. "Just report to me the updates of that project, okay?"

Pagkatapos tumango ni Mela ay mabilis na pumasok si Gemme sa kanyang private office. Owen was engaged! He was getting married. She felt a searing pain inside her chest. Ang akala pa naman niya nang malaman niya na nasa Pilipinas na ang binata ay magkakaroon na siya ng pangalawang pagkakataon para mahalin nito. Nakahanda pa naman sana siyang gawin ang lahat para sa pagkakataong iyon, siya na ang mahalin ng binata. But just like four years ago, someone else owned his heart.

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon