Part 6

8.4K 252 1
                                    


Gemme was hired. Iyon ang sabi ni Owen. Kahit pakiramdam niya ay napilitan lang itong kunin siyang pretend girlfriend dahil sa nangyari sa corridor, natutuwa pa rin siya dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon para mapalapit dito.

Kapag nasa loob daw sila ng campus, kailangan nilang umaktong normal na mag-on. Hindi lang daw si Fia ang audience nila. Mas magiging makatotohanan ang palabas kung pati ang schoolmates nila ay makukumbinsing may relasyon sila. Puwede nitong hawakan ang kanyang kamay at akbayan siya anytime he wanted. Puwede rin daw siyang hagkan nito sa pisngi kung kinakailangan. Gusto raw nito na nakapostura siya araw-araw katulad ng isang campus babe. Pumayag siya sa lahat ng sinabi nito, maliban lang sa isa.

"Do not fall in love with me," ani Owen.

Huli na ang babala nito. Mahal na niya si Owen. Pero siyempre, kunwari ay sumang-ayon siya.

Kinabukasan, magkasabay silang naglakad ni Owen sa corridor papasok sa campus. Halos lahat ng mga mata ay nasa kanila. Nakaakbay sa kanya si Owen. Nang balingan niya ang binata ay nginitian siya nito na parang in love sa kanya. Kinilig siya kahit pakunwari lang ang ngiting iyon. Nang ibalik niya ang paningin sa daan, nakita niya si Miles na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa kanila ni Owen. Huminto siya sa harap ng kaibigan.

"Miles!"

Nakita niya nang tapunan ng tingin ni Miles ang kamay ni Owen na nasa kanyang balikat. Hindi niya sinabi kay Miles ang tungkol sa pagpapanggap nila ni Owen. Mahigpit kasing ibinilin ni Owen na walang dapat makaalam sa pagpapanggap nila maliban sa kanilang apat. Isa pa, alam niyang hindi papayag si Miles na maging pretend girlfriend siya ni Owen.

"Miles, this is Owen, my boyfriend. Owen, siya si Miles, ang best friend ko."

Halata ang pagkagulat ni Miles.

"Hi, Miles!" nakangiting bati ni Owen. In-extend nito ang kamay sa kanyang kaibigan. "'Nice to meet you."

Walang nasabi si Miles kundi "Hi." Pero alam niyang kapag silang dalawa na lang mamaya ay uulanin siya nito ng tanong.

"Ah, baby, sabay na kami ni Miles. Mauna ka na sa building n'yo," aniya kay Owen.

"Ihahatid na kita sa building n'yo," giit nito.

Mukhang alam na ni Gemme kung bakit nagpipilit si Owen na ihatid siya. Fia was standing a few meters away from them. Kasama nito si Jedric.

"Miles, magkita na lang tayo sa classroom," aniya sa kaibigan.

Mukhang napipilitan lang na nagpaalam si Miles sa kanila. Nagpatuloy sila ni Owen sa paglalakad. Nakita niya nang mawala ang ngiti ni Fia nang dumaan sila ni Owen.

No, Fia. Huwag ka munang magselos, please. Lalong huwag mo munang babalikan si Owen. I still need to make him fall for me. 

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon