KINABUKASAN, hindi nakapasok si Owen dahil matindi raw ang hangover ayon kay Frei. Gusto sana itong dalawin ni Gemme para alagaan pero iba na ang sitwasyon nila ngayon dahil may girlfriend na uli ito. Hindi rin niya nakita si Fia nang araw na iyon. Naisip niyang baka ito ang nag-aalaga kay Owen.
Pakiramdam niya ay may hangover din siya... sa kakaiyak. Last night, she cried a river. Kahit pilit niyang isinasaksak sa isip na hindi talaga para sa kanya si Owen, hindi pa rin niya maiwasang umiyak. Napansin ni Miles ang pamumugto ng kanyang mga mata nang mag-alis siya ng shades habang nasa klase. Nang magtanong ito, sinabi niya na saka na lang niya sasabihin dito ang kanyang problema kapag handa na siya. Iginalang ng kaibigan ang pananahimik niya kahit may hinala nang si Owen ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
Mag-isa siyang naglalakad sa corridor nang maramdaman niyang may umagapay sa kanya. Nang balingan niya ito ay nakita niya si Hero.
"Hi!" nakangiting bati ng binata
"Hello," matamlay na bati niya.
"What's with the shades?" Huminto ito at hinarap siya kaya napahinto rin siya.
"Masakit kasi ang mga mata ko."
"May sore eyes ka? Patingin nga."
Bago pa man ito mapigilan ni Gemme ay natanggal na nito ang kanyang shades.
"You've been crying?" gulat na tanong nito.
Hindi niya sinagot ang tanong ni Hero. Kinuha niya ang shades mula rito at isinuot uli iyon. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Gemme, ano'ng ginawa niya sa 'yo?" Alam niyang si Owen ang tinutukoy nito.
"Wala siyang ginawa sa akin."
Hinawakan nito ang kanyang braso kaya napahinto siya. "Sumama ka sa akin." Bago pa siya makatanggi, nahila na siya ni Hero papunta sa isang bahagi ng campus na walang nagdaraang tao.
Napilitan na rin siyang umupo sa bench na naroon. Ang totoo, gusto talaga niya ng makakausap. Gusto sana niyang sabihin kay Miles ang kanyang problema kaya lang, marami pa siyang dapat ipaliwanag dito bago iyon dahil hindi naman niya nasabi sa kaibigan na nagpanggap lang sila ni Owen na may relasyon. Isa pa, ayaw niyang mapagalitan ng kaibigan at magalit ito kay Owen. Si Hero ay alam ang tungkol sa pagpapanggap nila ni Owen. Puwede siguro siyang mag-open up sa binata.
"What happened?" tanong uli nito. "I'm ready to listen."
Bumuntong-hininga si Gemme. "Nagkabalikan na sila ni Fia."
"Kaya tinapos na niya ang usapan n'yo?"
Ikinuwento niya kay Hero ang naganap nang nagdaang gabi. "Hindi pa kami nagkakausap pero alam kong tatapusin na niya ang usapan namin," garalgal ang boses na sabi niya. Hinagod nito ang kanyang likod nang tuluyan na siyang napaiyak.
"I told you to be prepared for it. Now, you've got to try to move on. Forget about him, Gemme. It would be a lot more painful if you continue loving him when you know you cannot have him."
"Alam ko naman 'yon, eh. Iyon din ang gusto kong gawin. Pero madaling sabihin, mahirap gawin."
"Gusto mo bang tulungan kita?"
Napatingin siya kay Hero. Inalis nito ang kanyang shades at pinahid ng hinlalaki nito ang kanyang mga luha. "I'm willing to help you forget him."
"Hero... Hindi ba unfair 'yon para sa 'yo? Alam mong si Owen ang mahal ko."
"I really, really like you, Gemme. I don't care if you're in love with him right now. I'm determined to replace him in your heart, kung hahayaan mo lang akong subukang gawin 'yon."
Nakita niya ang sincerity sa mga mata ng binata. Siguro nga kailangan niya ito para makalimutan si Owen. Sa tingin ni Gemme ay hindi niya kayang lumimot at mag-move on nang mag-isa. She needed help.
NATIGILAN si Gemme sa paglabas ng classroom nang makita si Owen na nakasandal sa railings. Umalis ito mula sa pagkakasandal nang makita siya. He smiled and raised his hand. Hinintay niyang lumapit ito sa kanya. Nagpaalam si Miles sa kanya, siguro ay nakahalata na may dapat silang pag-usapan ni Owen.
"Hi!" bati ng binata.
"Hi. Kumusta ka na? Hindi na masakit ang ulo mo?"
"Hindi na." Hinawakan siya ni Owen sa kamay at hinila. "Tara, kain tayo."
Nabigla siya sa iginawi nito. Bakit umaakto pa rin ito na parang patuloy pa rin ang palabas nila? Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan. Si Hero iyon. Binawi niya ang kamay mula kay Owen.
"Come on, kain tayo," yaya ni Hero nang makalapit.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Owen nang lumapit siya kay Hero at hawakan ng huli ang kanyang kamay. "Gemme? Ano'ng ibig sabihin nito?"
"Magkita na lang tayo sa hangout n'yo nina Frei mamayang five," aniya na may alanganing ngiti sa mga labi at nagpahila na kay Hero palayo kay Owen. Hindi niya napigilang lingunin si Owen.
Naroon pa rin ang binata sa pinag-iwanan niya rito, nakasunod ang tingin sa kanya at mababakas ang pagdaramdam sa mga mata. Nag-init ang mga mata ni Gemme. It hurt her seeing him like that. She wondered why he had to look like that.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...