Part 4

9K 244 3
                                    


"Saan ako kukuha ng babaeng babayaran ko para magpanggap na girlfriend ko?"

Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Gemme ang mga salitang binanggit ni Owen. Hindi niya matanggap na gagawin iyon ni Owen para lang mapabalik si Fia sa piling nito. Mahal na mahal talaga ng binata ang Fia na iyon. Kung alam lang ng babaeng iyon kung gaano ito kasuwerte.

Kung bakit naman kasi hindi siya naging kasintangkad ni Fia? Oo, maganda ito pero hindi niya ipagpapalit ang baby-faced na mukha niya rito. Makurba rin ang katawan niya, hindi lang niya masyadong ipino-flaunt. Height lang ni Fia ang kanyang kinaiinggitan. Mayroon pa pala—ang pag-ibig ni Owen dito.

Marahas siyang bumuntong-hininga. Nakapagdesisyon na siya. Nang nagdaang gabi ay inisip niya nang mabuti ang gagawin. Hindi siya sigurado kung magtatagumpay siya pero handa siyang gawin ang lahat para mabaling sa kanya ang atensiyon at pagmamahal ni Owen. Magpiprisinta siya bilang pretend girlfriend ng binata.

Siyempre, hindi niya tutulungang maibalik dito si Fia. Habang nagpapanggap siyang bagong girlfriend ni Owen, paiibigin niya ang binata para hindi na nito maisipang balikan pa si Fia. Bilang pretend girlfriend nito, magkakasama sila araw-araw, at aaktong sweet sa isa't isa tulad ng normal na couples. Sa gayon, maipapakita niya rito na lovable din siya. Ipadarama niya kay Owen kung gaano siya kasarap magmahal.

Pumunta si Gemme sa basketball gym pagkatapos ng kanyang klase. Alam niyang naroon si Owen at nagpa-practice para sa nalalapit na laban ng team nito sa team ng ibang university para sa interschool competition. Nang marating ang gym, nakita niya si Owen na naghagis ng bola sa ring. Pumasok iyon. Pumalakpak siya nang malakas. Nagtinginan sa kanya ang halos lahat ng naroon.

"Si nene," sabi ni Frei na ngumisi pa. Lumapit siya sa mga ito. "May kailangan ka, 'ne?"

"Gusto ko sanang makausap si Owen pagkatapos ng practice n'yo o kaya mamayang five o'clock."

Kumunot ang noo ni Frei.

Mukhang nagtaka rin si Owen pero sumagot din agad. "Sure. Mamayang five o'clock. Sa parking area."

"Doon na lang sa pinagtagpuan natin noon."

"Pinagtagpuan n'yo noon?" sabad ni Frei.

"Sa pinagtagpuan nating apat na kasama si Jacob," pagtatama ni Owen.

"Ah..." tumango-tangong sabi ni Frei.

"Sige. Doon na lang. Five o'clock," ani Owen at ibinalik na ang atensiyon sa paglalaro.

Sa wakas, tapos na ang huling klase ni Gemme. parang naging napakabagal ng paglipas ng mga oras. Hindi siya sumabay kay Miles sa pag-uwi. Sinabi niyang pupunta pa siya sa library. Ten minutes past five nang dumating si Owen sa likod ng gym.

"Gusto mo ba kaming i-blackmail tungkol sa nalalaman mo kaya gusto mo akong makausap? Magkano?" tanong kaagad ng binata nang makita siya sa tagpuan.

"Hindi, ah! Grabe ka naman. Siguro si Frei ang nagbigay sa 'yo ng idea na 'yan, 'no?"

Hindi sinagot ni Owen ang tanong niya pero mukhang nakahinga ito nang maluwag. "Then why do you want to talk to me?"

"Well... 'di ba, kailangan mo ng babaeng magpapanggap na girlfriend mo for a fee? Nakahanap ka na ba?"

"Wala pa. Why? May ire-recommend ka ba?"

Tumango siya.

"Talaga? Sino?"

Itinaas ni Gemme ang kamay at bahagyang ngumiti.

Mukhang nabigla si Owen. "Ikaw?"

Tumango siya. "Ayaw mo?"

Pinasadahan ni Owen ng tingin ang kanyang kabuuan. Sa pagkakatingin nito sa kanya, para bang bagsak siya sa standard nito. Tumigil ang tingin nito sa kanyang bumbunan.

"Bakit? May height qualification ba ang pagpili mo ng pretend girlfriend?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Gemme.

Parang nag-alangan itong sumagot. "Well... maybe, yes. I have certain qualifications."

"Pretend girlfriend lang, may qualifications pa?"

"You don't understand, Gemme. Kailangang lamang kay Fia ang babaeng kukunin kong pretend..." Hindi nito itinuloy ang sinasabi dahil mukhang nahalata nito na na-offend siya. "I'm sorry. I didn't mean to... I mean, alam mo naman kung ano'ng purpose ng gagawin ko, 'di ba? I have to make her jealous."

"At hindi siya magseselos kung ako ang gagamitin mo para pagselosin siya dahil hindi ako nakakalamang sa kanya, gano'n ba?" Nasaktan man siya sa sinabi ni Owen ay pilit niyang inignora iyon. Walang puwang ang pagdaramdam sa kanyang puso. Kailangan niyang makumbinsi ang binata na siya ang kuning pretend girlfriend.

"Well, you're pretty, Gemme. Kaya lang, you look juvenile." Tinapunan pa nito ng tingin ang makapal na fabric headband niyang kulay-pink. "I need someone who doesn't look very young. Baka mapagbintangan pa akong cradle snatcher dahil sa 'yo."

"I'm already twenty, Owen. Late lang talaga akong nag-aral. I can change the way I look. Kaya kong mag-ayos, magdamit, at kumilos na tulad ni Fia."

Kumunot ang noo nito. "Why?"

"Anong why? You just told me I'm pretty. Hindi naman siguro ako ganoon kaalangan sa 'yo. Kaya ko namang—"

"I mean, why do you want to be my pretend girlfriend?"

Inaasahan na ni Gemme na itatanong iyon ni Owen kaya pinaghandaan na niya ang kanyang sagot. "Kailangan ko ang perang ibabayad mo sa pagpapanggap ko bilang bago mong girlfriend," pag-a-alibi niya. Hindi niya kailangan ng pera. Her family was well-off. Kaya lang, iyon lang ang puwede niyang idahilan sa binata dahil hindi naman niya puwedeng sabihin na mahal niya ito.

"How much do you need?"

"How much do you offer?"

"Around twenty thousand."

"That's a lot. Tamang-tama sa amount na kailangan ko. Payag ka na bang ako ang gamitin mo para pagselosin si Fia?"

Bumuntong-hininga ito. "I have to think first."

Parang nahuhulaan na niya ang ibig sabihin ni Owen. Hindi siya tinatanggap nito. Kumbaga sa aplikante sa trabaho, hindi siya qualified. 

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon