MAY HINANAKIT sa mga mata ni Owen nang lumingon ito at titigan si Gemme. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng binata na para bang pinagtaksilan niya. Kasalukuyan silang nasa likod ng gym.
"What's going on with you and Hero?" tanong kaagad ni Owen.
"A-alam mong gusto ko siya, 'di ba?" hindi direktang tugon ni Gemme. Hindi pa niya sinasagot si Hero. Pumayag lang siyang magpaligaw rito at samahan nito sa pinagdaraanan niyang problema sa pag-ibig.
Lalong bumakas ang pagdaramdam sa mukha ni Owen. "Hindi mo man lang hinintay na pakawalan kita at tapusin ang usapan natin."
Huminga nang malalim si Gemme para pagluwagin ang nagsisimula na namang manikip na dibdib. "N-nakita ko kasi kayo ni Fia noong isang gabi kaya alam ko na tapos na ang palabas natin." Ngumiti siya at pilit itinago ang nadaramang lungkot sa pamamagitan ng pagpapasigla ng boses. "Congratulations! Nag-succeed tayo sa pagpapanggap natin. Nagkabalikan na kayo ni Fia. I'm happy for you, for both of you."
"Nakita mo kaming—"
"Yes," putol niya sa sinasabi ng binata. "Dapat pupunta ako sa CR no'n, eh. Nakita ko kayong naghahalikan, kaya hindi ko na kayo inistorbo. Hindi na lang ako nagwiwi," kunwari ay masiglang sabi niya. Nilapitan niya si Owen at kinuha ang dalawang kamay nito. "Alam kong masaya ka dahil nagtagumpay ang plano n'yong magkakaibigan. Sana maging masaya kayo ni Fia. Sana this time, hindi na kayo maghiwalay," aniya kahit lihim na nasasaktan sa mga sinasabi.
Nang tingnan niya si Owen ay mukhang hindi ito masaya. She wondered why. "What's wrong?"
Umiling ito. "Nothing."
"Hindi pa ba ayos ang problema ng mama mo? Akala ko ba, nagpa-rehab siya?" tanong niya. Baka iyon ang pinoproblema nito.
Hinawakan ni Owen ang kanyang mga kamay. "Don't worry about me, Gemme. I'm all right. Thanks for everything." Ngumiti na rin ito pero parang pilit iyon.
"So, I guess... this is our official breakup, am I right?"
Tumango ito.
"S-so, ex na kita mula ngayon?" Pinilit pa rin niyang magbiro kahit parang maiiyak na siya.
He cupped her face. "Tandaan mo lahat ng ipinagbilin ko sa 'yo, ha? Huwag mong masyadong i-spoil ang boyfriend mo."
Tumango si Gemme.
"Sana maging masaya ka kay Hero. Sana alagaan ka niya nang mabuti. Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo sa akin, ha? Lagot siya sa akin."
Muli siyang tumango. Matagal pa siyang tinitigan ni Owen. When he pulled her close and hugged her, she wanted to cry. Iyon na siguro ang huling pagkakataon na mararamdaman niya ang mga yakap ng binata. Nang maghiwalay sila, hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha.
"Are you crying? Why?"
"Dahil mami-miss kita."
"Bakit mo ako mami-miss?" tanong nito na parang may hinahanap na kung anong sagot mula sa kanya.
Dahil mawawala ka na sa akin. "Dahil kahit isang buwan lang tayong nagkasama, marami tayong happy moments together. Itinuring na kitang kaibigan. I'm just sad na hindi na tayo puwedeng maging magkaibigan dahil sa sitwasyon. Mag-ex tayo sa pagkakaalam ng lahat, it would be odd kung ipagpapatuloy natin ang friendship natin. B-baka makasira pa sa relationship n'yo ni Fia kung patuloy tayong magiging close," tuloy-tuloy na sabi ni Gemme. Nang tingalain niya si Owen, nagulat siya nang makitang parang maiiyak din ito. Siguro ay dahil itinuring din siya nitong kaibigan. "Good-bye, Owen... Be happy always, okay?"
When she left him standing there, she felt as if her heart torn down to pieces. Sunod-sunod nang nagpatakan ang kanyang mga luha. Wala na sigurong mas sasakit pa sa pamamaalam sa isang pag-ibig na sinikap niyang makamit pero hindi kailanman naging kanya...
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...