"Dito?" namamanghang tanong ni Gemme kay Owen.
May usapan silang once a week ay magkikita sila para mag-date para mas maging makatotohanan ang kanilang pagpapanggap. She thought of it as a chance to be with him. Nang araw na iyon, dinala siya ni Owen sa amusement park kung saan niya ito dinala noon. Hindi niya inaasahan iyon.
"Yes," nakangiting sagot ni Owen. "Let's relive the memories of 'The Pretend Lovers, Part One.'"
Tumawa siya. Nang makapasok sa park, sinakyan nila ang lahat ng amusement rides na sinakyan nila noon. Hindi matapos-tapos ang tawanan nila.
"Kung makatili ka, para pa ring noon," panunukso nito.
"Ngayon na lang uli kasi ako nakapunta rito. 'Yong last kong punta rito, eh, no'ng kasama kita."
"Bakit? Hindi ba kayo pumunta ni Hero dito noon?"
"Hindi."
"Bakit? Bakit noong nagpa-practice kang maging good girlfriend para sa kanya, dinala mo ako rito?"
Hindi agad nakasagot si Gemme. Hindi niya niyaya si Hero sa lugar na iyon dahil baka habang kasama niya ito ay si Owen ang kanyang maisip. Marami kasi silang masasayang alaala ni Owen sa lugar na iyon. "No reason at all. Hindi lang pumasok sa isip namin na pumunta rito," pagsisinungaling niya.
"Where is he right now?"
"I don't know."
Parang may gusto pang itanong si Owen pero mukhang sa huli ay nag-alangan ito. Nagpatuloy siya sa paglakad habang nakatingin sa iba't ibang rides na karamihan ay nasakyan na nila. Umaagapay lang ito sa kanya. Hanggang sa matagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng Ferris wheel.
"Do you want to ride the Ferris wheel? Nakalimutan mo na ba 'yong trauma na inabot mo noong na-stuck tayo sa pinakatuktok niyan?" nakangiting tanong ni Owen.
Hindi naman talaga siya na-traumatize doon. In fact, para sa kanya, ang ride na iyon ang pinaka-memorable ride sa lahat ng naroon. Hindi niya makakalimutan kung paano siya niyakap ni Owen doon at naramdaman niya kung paano ang pangalagaan nito.
"Sakay tayo," yaya niya. Kahit ma-stuck sila roon ay wala na siyang pakialam, basta ito ang kanyang kasama.
"Look at the stars," anito habang nakasakay sila sa Ferris wheel at nasa tuktok niyon. "They sparkle like how your eyes used to then."
Tandang-tanda pa ni Gemme ang sinabi ni Owen noong una silang sumakay sa Ferris wheel.
"They sparkle beautifully like how your eyes seem to sparkle almost all the time."
"Used to do then? Hindi na ngayon?" tanong niya.
Tumitig ito sa kanyang mga mata. "They don't sparkle anymore."
"Why?"
"Hindi ba dapat... ako ang magtanong niyan?"
Hindi na kasingningning kagaya noon ang mga mata ni Gemme dahil kahit masaya siya habang kasama ngayon si Owen, deep inside ay malungkot siya dahil alam niyang kahit ano ang kanyang gawin, wala na siyang kapag-a-pag-asang mahalin pa nito.
"The Gemme I met four years ago was full of life. She's bubbly. She's fun. She always smiles and laughs. What happened to her?"
"I'm still the same, Owen. Medyo nag-mature lang ako pero ito pa rin ako."
"Something has changed in you, Gemme. Whenever I look in your eyes now, all I see is sadness. Why are you sad? Who made you sad?"
Ikaw. Nalulungkot ako kasi hanggang sa pagpapanggap mo lang ako kayang mahalin...
"What happened between you and Hero? Did he hurt you?"
"No!" In fact, siya pa nga ang may kasalanan kay Hero.
"Then who did?"
"N-no one. Please, Owen, let's not talk about hard stuff. Let's just enjoy the ride."
Tumahimik na ang binata. Matagal na walang nagsalita sa kanila. Owen broke the silence.
"I want you to be happy, Gemme. I want to see your eyes sparkle like how they used to then."
Then love me back, Owen. For now, I think, that's the only thing that could bring back the sparkle in my eyes.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...