Final Part

16.5K 464 38
                                    


Nakita ni Gemme si Owen na nakaupo sa lumang mesang nakadikit sa pader sa likuran ng basketball gym sa St. Catherine University. Nang tawagan ni Jacob si Owen, nalaman nitong nasa SCU ang kaibigan. Nagtaka sila kung ano ang ginagawa nito roon. Ang sabi ni Owen, naimbitahan ito at ang ibang varsity teammates nito sa batch nito sa SCU na maging special guests sa isang sports event.

Nang pumunta si Gemme sa dating pinapasukang university, kaagad siyang pumunta sa gym pero wala roon si Owen. Nakita pa nga niya si Frei na hinahanap din pala si Owen. Ang sabi nito, pagkatapos daw ng event ay bigla na lang nawala si Owen at hindi na makita. Suddenly, she had thought of that place.

Nakasuot ng basketball jersey na tulad ni Frei si Owen. May hawak na bola na pinaglalaruan nito sa mga kamay. Biglang huminto sa paglalaro sa bola ang binata at tumitig nang matagal sa kung saan. Mukhang problemado.

Biglang lumingon sa gawi niya ang binata. On instinct ay nagtago siya. Namali siya ng hakbang at nabangga niya ang mga latang naroon na lumikha ng ingay. Bigla ay nasa harap na niya si Owen. Nagtaka ito nang makita siya roon.

"Gemme? Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Owen! Ahm... naisipan ko lang bumisita rito sa school natin," pagsisinungaling niya. "'Tapos... pumunta ako rito sa likod ng gym, nakita kitang nakaupo sa table doon. Nandito ka na rin lang, baka puwede tayong mag-usap?"

Tumango ito. Bumuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap dito tungkol sa sitwasyon nila.

"Halika. Doon tayo sa table."

"Bakit nandito ka sa likod ng gym?" tanong ni Gemme nang makaupo na sila.

"Wala lang. Noong nag-aaral pa ako rito, lagi talaga akong pumupunta rito kapag gusto kong mag-isip."

"Ano'ng iniisip mo kanina?"

Matagal bago ito sumagot. "Ikaw."

"Ako?"

"I was thinking how you are right now. Iniisip ko kung galit ka pa rin sa akin."

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"

"Dahil pinipilit kitang gawin ang isang bagay na hindi mo ginawa for the past four years."

"Ano 'yon?"

"Ang kalimutan si Hero. Na-realize ko na wala akong karapatan na alisin siya sa puso mo kung gusto mo pa rin siya."

Gusto na sanang sabihin ni Gemme na hindi si Hero ang kanyang mahal pero sa tingin niya, kailangan muna niyang itanong ang mga dapat itanong bago umamin sa kanyang totoong nararamdaman para dito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi mo pala mahal si Krissa? Na napilitan ka lang na pakisamahan siya para sa father mong may sakit? Nagpunta ako sa office n'yo kanina. Nakita ko si Krissa na nagwawala roon. Nandoon si Jacob. Narinig ko ang conversation nila."

"I was confused whether to tell you or not. Ayokong maging burden sa iyo. Gusto ko rin kasing isekreto ang tungkol sa father ko. Only a few people knew that he's ill. Ayaw niyang ipagsabi kahit kanino na may sakit siya dahil ayaw niyang kaawaan siya. In fact, ang alam ng buong office—except me and Jacob—nagbabakasyon lang siya. But thank God, nagre-respond na siya ngayon sa mga treatment. Ang sabi ng doctor, malaki ang possibility na gumaling siya."

"That's good to hear," natutuwang sabi niya. "Pero si Krissa..."

"Hindi ko sinabi ang tungkol kay Krissa dahil alam kong magtatanong ka at kapag sinagot kita, magtatanong ka uli hanggang sa mai-reveal ko ang pinakapuno't dulo ng lahat—ang papa ko at ang medical condition niya."

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon