Part 12

8.6K 276 9
                                    

Nagtitili si Gemme nang matapos ang timer ng shot clock at ideklara na nanalo ang koponan nina Owen. Itinaas niya ang hawak na pom-poms at kasama ang buong pep squad, sabay-sabay silang nag-cheer para sa mga ito.

Pumasok sa finals ang team nina Owen. Isang laban na lang at matatapos na ang yearly basketball competition. Lalo tuloy siyang naging proud kay Owen dahil sa tingin niya, ito ang nagpanalo ng laro. Hindi malayo na ang university nila ang magkamit ng championship sa basketball division ng interschool competition na iyon.

Lumakad siya palapit kay Owen nang sa tingin niya ay tapos nang makipag-high-five sa mga kasamahan nito at makipagkamay sa mga kalaban.

"Congratulations! I'm so proud of you!" Sa tindi ng katuwaan ay niyakap ni Gemme ang binata.

Ginantihan ni Owen ang kanyang yakap. Wala namang binago ang halik na namagitan sa kanilang dalawa noong gabi sa party ni Jerry. Ang alam kasi nito ay hinalikan niya lang ito para pagselosin si Fia. Hindi na nito binanggit sa kanya ang tungkol doon pagkatapos.

"Higpitan mo pa ang yakap sa akin," bulong nito sa kanyang tainga.

"Huh? Bakit naman?"

"Fia's watching."

Binaha ng disappointment ang dibdib ni Gemme. Ang akala pa naman niya ay nagustuhan ni Owen ang yakap niya. Nakaakbay pa rin ito sa kanya nang umalis na sila sa court at lumakad papunta sa locker room. Natanaw niya si Fia na nakatayo sa daraanan nila. Nakatingin ito sa kanila ni Owen. Mukhang sadyang hinintay sila ng babae. Kinabahan siya. Ano ang sadya ni Fia? Makikipagbalikan na ba ito kay Owen?

"Hi, Owen," bati ni Fia na bahagya lang ang pagkakangiti.

Huminto si Owen sa harap ng babae. "Hi." Hindi nito inalis ang pagkakaakbay sa kanya.

Tumuloy sa paglalakad palayo ang teammates ni Owen at ang mga kasamahan ni Gemme sa pep squad. Silang tatlo na lang ang naiwan sa lugar na iyon.

"Congratulations," bati ni Fia sa dating nobyo.

"Thanks." Ngumiti nang bahagya si Owen. "By the way, this is Gemme, my girlfriend. Gemme, she's Fia."

Nawala ang ngiti ni Fia.

"Hi, Fia!" She extended her hand to Fia. Hindi nito inabot ang kanyang kamay.

"Can I join the party?" tanong ni Fia kay Owen.

Hindi kaagad sumagot si Owen. Hindi alam ni Gemme kung bakit kailangan pa siyang tingnan ni Owen na parang nagpapaalam ito sa kanya na payagang dumalo si Fia sa party. Then she realized he was acting.

"Sure!" Siya na ang sumagot kay Fia. "You can join us. Jacob's house. Eight PM."

Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Fia. Mabilis nitong ibinalik ang tingin kay Owen. "Thanks, Owen!" nakangiti nang sabi nito.

Nang pumunta sila ni Owen sa bahay nina Jacob, may mga nakahanda nang pagkain at beer sa malaking pavilion. Mag-isang dumating si Fia. Kakilala nito ang lahat ng teammates at kaibigan ni Owen kaya madali itong nakahanap ng kausap.

Laging nasa tabi ni Gemme si Owen. Mukhang naging mas determinado itong pagselosin si Fia dahil ang huli na mismo ang lumapit. Ibig sabihin, nagtatagumpay na talaga sila. At ibig lang ding sabihin niyon, malapit na silang maghiwalay ni Owen. Nilagok ni Gemme ang beer sa basong may yelo na ibinigay sa kanya ni Jacob at sumubo ng sisig na ibinigay ni Owen.

"Oops, 'ne, puwede ka na bang uminom? Mukhang bawal pa sa iyo," nagbibirong puna sa kanya ni Frei.

Binelatan lang niya ang binata.

"Ayoko nga sanang painumin kaya lang, paminsan-minsan lang naman nagkakaroon ng ganito," ani Owen, acting like a real boyfriend. Binalingan siya nito. "One bottle lang, ha? Kapag naubos 'yan, tama na. Ayokong malasing ka," he said softly.

"Uuuy... overprotective boyfriend. Ngayon lang kita nakitang ganyan kalambing, ah. Nakakakilig," pang-aasar ni Frei habang pinaglalaruan ang mani na inihahagis at sinasalo nito sa pamamagitan ng bibig.

"Oo nga, Owen. Napansin namin, ibang-iba ang lambingan n'yo ni Gemme. Para kayong mga teenager na lalanggamin sa sobrang ka-sweet-an," komento ng isang teammate nito.

"True love, pare." Itinaas pa ni Frei ang dalawang kamay sa kalangitan at sumigaw ng "True love!"

Tumawa si Gemme kahit deep inside, hindi siya natutuwa sa mga naririnig. Everything was just an act. Even Frei and Jacob had their supporting roles. Nang tingnan niya si Fia, nahuli niya ang pagngangalit ng mga ngipin nito. Kung alam lang ng babae na wala itong dapat ikagalit.

Kung ano-ano ang napagkuwentuhan nila at dahil marami ang joker sa grupo, tawanan sila nang tawanan. Mayamaya, nagpaalam sa kanya si Owen na pupunta sa CR. Mayamaya, si Fia naman ang nawala sa puwesto nito. Abala si Gemme sa pakikipag-usap kay Jacob kaya hindi niya napansin kung saan pumunta ang babae. Malakas ang kutob niya na sinundan nito si Owen. Nagpaalam siya sa kausap para tingnan kung tama ang kanyang hinala.

Pumasok si Gemme sa bahay nina Jacob at hinanap ang CR. Hindi pa man niya natatagpuan ang hinahanap ay may naulinigan na siyang mga tinig mula sa pasilyo. Nang lumapit at sumilip siya roon, nakita niya sina Fia at Owen na magkaharap. Nagtago siya para hindi makita ng mga ito. Pinakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa.

"I'm sorry, honey. I regret letting you go," ani Fia.

Wala siyang narinig mula kay Owen.

"Hindi sana kita iniwan. Hindi sana ako nagpadalos-dalos. I still love you. I missed you so much, honey. I've never been happy since the day I let you go."

"So what do you want now, Fia?"

"I want you to come back to me. We've been together for almost five years. Minahal mo ako nang gano'n katagal. Hindi ako naniniwalang wala ka nang nararamdaman para sa akin. Let's start all over again and spend more years together."

Inalis ni Gemme ang tingin sa dalawa at sumandal sa pinagtataguan. Binabaha na ng takot ang kanyang dibdib sa mga naririnig. Nang sumilip uli siya, nakita niyang nakayakap na si Fia kay Owen. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.

"I love you, honey. Nakipag-break na ako kay Jedric dahil na-realize ko na ikaw pa rin ang mahal ko. So please forgive me and come back to me. I need you back in my life." Then Fia kissed Owen torridly on the mouth.

Bago tumalikod, nakita pa ni Gemme nang lumapat ang likod ni Fia sa pader habang patuloy na nagpapalitan ng halik ang mga ito. Nang makabalik sa mga kasama ay pilit niyang ginawang normal ang kilos.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Owen. Hindi nito kasama si Fia. Mukhang sadyang nagpaiwan ang babae para hindi mahalata na nag-usap at nagkaayos na ang mga ito. Nagpaalam siya kay Owen at nagdahilan na may natanggap siyang tawag mula sa bahay at pinauuwi na agad siya. Nagprisinta itong ihahatid siya pero tumanggi siya. Idinahilan niya na nakainom ito. Ipinahatid na lang siya ni Jacob sa family driver.

"I'll see you tomorrow, Gemme. Mag-usap tayo bukas," ani Owen bago siya pumasok sa kotse.

Siguro ay pag-uusapan nila ang pagtatapos ng palabas nila dahil nagkabalikan na ito at si Fia. Pinilit niyang ngumiti. "O-okay. Huwag kang masyadong magpapakalasing, ha? 'Bye..."

Nang makaandar na ang kotse ay saka niya pinakawalan ang pinipigilang pagluha. Good-bye, Owen...

That was it. The end of their show. Hindi siya nagtagumpay sa kanyang plano na paibigin si Owen. Pero dapat sigurong maging masaya na lang siya para sa binata dahil magiging masaya na uli ito sa piling ng totoong mahal nito.

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon