"Hollywood?" ulit ni Miles sa binanggit na theme ni Gemme para sa party na kasalukuyan niyang ino-organize. Nagkita sila sa isang coffee shop isang hapon.
"Yes. Hollywood celebrities. Dapat iyon ang theme para sa fifty-fifth birthday party ni Tita Trina. Guests have to dress up like their favorite famous Hollywood celebrity," paliwanag pa niya. "But she changed her mind. Ang gusto niya, classic concept na lang. Early nineties era at American setting."
Mula nang maka-graduate sa college ay nag-invest kaagad si Gemme sa business ni Mrs. Trina Genares—ang Merrymakers, isang firm na nag-o-organize ng special events at parties. Mula sa birthday parties hanggang sa weddings, kaya nilang ayusin. She's the managing supervisor. She liked parties kaya naisip niya na siguro, mag-e-enjoy siya kung magiging parte siya ng ganoong business. And she did. Katulong ang isa pang events organizer, pinlano nila ang birthday party ng managing director ng Merrymakers.
"Ang arte, ha."
"Ganoon talaga si Mrs. Genares. Gusto talaga niya ng bonggang costume parties. So, what do you think? Kung hindi nagbago ang isip niya, sinong Hollywood celebrity kaya ang bagay na i-portray ko sa party? How about Paris Hilton? Short blonde hair with Chihuahua."
"No way. You are too petite to be Paris."
"How about Lindsay Lohan wearing her stolen coat?"
Tumawa ito. "Mas gusto ko si Britney Spears with shaved head."
"Argh! Puro naman pasaway ang mga 'yon. 'Buti na lang, nag-iba siya ng theme. Anyway, how's your job?"
"So far, so good." Isang taon nang matchmaker si Miles sa isang matchmaking agency, ang Hearts & Cupids.
"Inspired ka lang sigurong maghanap-hanap ng match ng kung sino-sino dahil may love life ka."
"Si Cedric..." Bumuntong-hininga ito. "I don't think I have a future with him. Hindi kami perfect match. Mayaman siya, ako, hindi. Ni hindi pa nga niya ako magawang maipakilala sa parents niya."
"Kailangan ba talagang perfect match ang dalawang tao? Hindi ba dapat mas mahalaga ang feelings nila sa isa't isa? Kasi may mga match nga in terms of different aspects, pero wala naman silang feelings for each other."
"Kaya nga pinagmi-meet ko muna sila para malaman nila kung puwede silang magkagustuhan."
"Ako ba, sa tingin mo, mahahanapan mo ng match?" tanong ni Gemme pagkatapos humigop ng kape. "Kinukulit na ako ni Mommy na ipakilala ko na raw 'yong 'boyfriend' ko na ikinukuwento ko sa kanya."
"Bakit kasi kailangan mo pang gumawa ng kuwento sa family mo na may boyfriend ka kahit wala?"
"Eh, kasi nagtataka sila kung bakit wala pa rin akong nagiging boyfriend since Hero. To defend myself, sinabi ko na lang na may idine-date ako para matigil na sila sa pangungulit."
Noong isang buwan, sinabi ni Gemme sa makulit niyang mommy na saka na niya ipakikilala ang lalaking kanyang idine-date dahil gusto muna niyang makatiyak kung karapat-dapat niyang ipakilala ito sa mga magulang. Nang magtanong ang mommy niya kung ano ang pangalan ng lalaki, wala siyang sinabi dahil wala naman talaga siyang masasabi. Sinabi niya na secret muna ang identity ng lalaking iyon dahil gusto niyang sorpresahin ang kanyang mommy. Hindi na ito nagpilit na malaman ang pangalan ng kanyang "boyfriend." Nang-aasar pa nga ito na baka raw kaya ayaw niyang sabihin ang pangalan ng lalaking iyon ay dahil personal na kakilala nito iyon o kung hindi naman ay sikat.
"So, hanggang kailan ka magsisinungaling?"
"Hanapan mo na lang ako ng match para matigil na si Mommy sa pangungulit."
"Bakit kailangan pa kitang hanapan, eh, okay naman ang dalawang manliligaw mo? Kahit sino sa kanila ang piliin mo, okay lang."
"I don't like any of them. I want someone strong and smart. Pero gusto ko, sensitive din siya. May puso. Hindi mayabang kahit may ipagyayabang. Ayoko ng lalaking masyadong loud. Hindi ko type 'yong masyadong kuwela. Gusto ko, serious pero funny at times..."
"Guwapo siya, six-one ang taas niya, magaling siyang mag-basketball at ang pangalan niya ay Owen Lorenzo," patuloy ni Miles sa kanyang pag-e-enumerate.
Nahulog mula sa tinidor na hawak ni Gemme ang piraso ng cake na dapat ay isusubo niya.
"Tama ako, 'no? Si Owen nga?" Hindi niya matiyak kung nang-aasar si Miles.
Muli niyang tinusok ang piraso ng cake na nahulog pabalik sa platito at itinuloy na ang pagsubo roon. "Hindi, ah."
"Kunwari ka pa. Sobrang tagal na nating magkaibigan kaya hindi mo na dapat ako pinaglilihiman. Besides, kahit hindi mo sabihin, alam ko na si Owen pa rin ang isinisigaw ng puso mo."
"Miles, naman, eh... shut up."
Ngumisi ito. "'Yong description mo ng tipo mong lalaki, si Owen 'yon at wala nang iba," pagko-conclude nito.
Nagkunwari siyang abala sa pagkain. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit mula nang maghiwalay sila ni Hero ay hindi na uli siya nagkanobyo. She wanted someone like Owen.
Ang akala ni Gemme, simula nang ma-appreciate niya ang existence ni Hero sa kanyang buhay, unti-unti na siyang nakaka-move on sa kanyang damdamin para kay Owen. Pero nang umalis si Owen sa St. Catherine noon, na-realize niyang ito pa rin talaga ang kanyang mahal dahil nakadama siya ng labis na kalungkutan. Hero even caught her crying.
Hero gave up on her. Hindi niya masisisi ang binata kung bakit siya iniwan. Naging sobrang unfair niya kay Hero. God knows she did everything to forget Owen. Pero sa huli, ang puso pa rin niya ang nagdesisyon.
Naghiwalay rin kaagad sina Fia at Owen pagkatapos magkabalikan dahil hindi na tinapos ni Owen ang pag-aaral. Nalaman niya mula kay Frei na nag-migrate na ang pamilya ni Owen sa Amerika. Noon pa pala niyayaya si Owen ng kuya nito na mag-migrate at doon na lang magpatuloy ng pag-aaral. Si Owen lang ang ayaw umalis sa bansa. Hindi rin daw alam ni Frei kung bakit biglang pumayag si Owen na tumira sa ibang bansa. Ni hindi man lang nagpaalam si Owen kay Gemme. Kahit paano naman ay naging magkaibigan sila.
"Kung nalaman ko lang nang maaga ang mga kalokohang pinaggagawa mo noon, napigilan sana kita sa kahibangan mo," ani Miles na nagpabalik ng kanyang atensiyon dito.
Nang malaman ni Gemme na umalis si Owen papunta sa Amerika ay umiyak siya kay Miles. Nagtanong si Miles kaya napilitan siyang ipagtapat ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Owen.
"Paano kapag bumalik si Owen from the States? Ano'ng gagawin mo?"
"Wala!"
"Paano kung sabihin ko sa 'yong nandito na sa Pilipinas si Owen?"
Natigilan si Gemme sa pagkain, sabay baling sa kaibigan. "Ano'ng sabi mo?"
"Nakita ko siya sa lobby ng isang hotel. May kasama siyang tatlong lalaki. Lahat sila, naka-business suit. When I inquired about him, I found out na director siya sa Elecaros Electrical Systems."
"Elecaros Electrical Systems?"
"Yes. Lalo siyang gumuwapo ngayon. And... he's still single," ani Miles na may halong pang-aasar ang tono.
"I see..." kunwari ay bale-walang sabi niya pero lihim na nag-celebrate ang kanyang puso. Owen was back! Ang akala niya ay hindi na ito babalik pa sa bansa. And he was still single!
"So, do you want me to research further?" nanunuksong tanong nito.
"No, thanks." Humigop siya ng kape. Because I will do the research myself!
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...