kung nasa film screen lang ang party, siguro ay black and white ang picture with matching moving lines pa. Mrs. Genares' birthday party was all classic in every detail. Mula sa mga ilaw, palamuti, props, table setting, food presentation, hanggang sa music background ay classic na classic. Siyempre, ang mga bisita ay nakasuot din nang naaayon sa theme ng party.
Looking at those people, naalala tuloy ni Gemme ang halos kahawig na theme ng party ng anak ni Mrs. Genares na si Jerry four years ago. Classic din ang theme niyon kaya lang ay Hollywood old movie characters ang costume concept. Naalala niya ang kanyang "Rhett Butler." Naalala niya nang sumayaw sila at naghalikan sa gitna ng dance floor. Isa iyon sa pinakamagagandang alaala ng pagpapanggap nila ni Owen noon. Bumuntong-hininga siya. Sana hindi na lang niya nalaman na nagbalik na sa Pilipinas si Owen para hindi na niya nalamang ikakasal na ito. Hindi na sana umasa pa ang kanyang puso. Sa ikalawang pagkakataon, bigo na naman siya.
Her outfit was almost the same as what she had worn four years ago—balloon gown na may flairy details at wide-brimmed hat. Nakasuot siya ng curly brown wig. Feeling ni Gemme, siya pa rin si Scarlett O'Hara. Wala nga lang siyang "Rhett Butler" nang gabing iyon. She came there alone. Halos lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay may bitbit na date. Parang lalo lang siyang nalungkot.
Naglalakad si Gemme palapit sa buffet table nang matigilan siya sa nakitang lalaking papasalubong sa kanya. Nakasuot ito ng old-style American black coat na halos katulad ng suot ni Owen noong dumalo sila sa party ni Jerry four years ago. His hair was fixed like how Owen's was fixed then.
My Rhett...
He was smiling at her as he continued walking towards her. Nang huminto ito sa harap niya ay hindi siya nakapagsalita. Wala siyang ginawa kundi ang titigan ito. Parang mabibingi siya sa malakas na kabog ng kanyang dibdib.
Kaunti lang ang ipinagbago ni Owen. Naging mas malapad lang ang mga balikat at mas nag-mature ang hitsura pero mas gumuwapo. "Hi, Scarlett," bati nito. "It's nice to see you again."
Noon lang nakuhang ngumiti ni Gemme. "R-Rhett— er, Owen! W-what are you doing here?" She stammered.
"I was invited by Jerry."
Hindi kasama ang guest list sa mga inayos ni Gemme sa pagtitipong iyon kaya hindi niya alam na imbitado pala si Owen. "I see. Are you alone?" Baka kasama nito ang fiancée nito.
"Yes. You?"
"What do you mean? If I have a date? No, I don't have."
"How have you been, Gemme?"
Ngumiti siya. "Heto, mukhang nene pa rin."
Natawa ito.
"Ikaw? Kumusta ka na? Kailan ka pa bumalik from the States?" Gusto sana niyang itanong kay Owen kung bakit bigla na lang itong umalis ng bansa four years ago at kung bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya. Kaya lang, nakahiyaan niya. Hindi na sila close ngayon.
"Well, I'm fine. Kababalik ko lang a month ago. Trabaho nga agad ang inintindi ko, eh. Project director ako sa Elecaros Electrical Systems. Ang dad ko ang CEO ngayon ng kompanya."
Mabuti at in good terms na pala ang binata at ang daddy nito. Mukhang marami nang nagbago sa buhay ni Owen mula nang umalis ng bansa. Marami siyang gustong malaman tungkol sa binata pero wala namang saysay kahit marami siyang malaman tungkol sa nangyari dito sa mga nakalipas na taon. Hindi na siya dapat makipaglapit uli rito. He was getting married. Masasaktan lang siya.
"Teka, bakit nga pala parang hindi ka nagulat nang makita mo ako?" tanong niya.
"Kanina pa kita nakita. Hindi lang ako makalapit dahil palagi kang may kausap at mukhang busy ka. But prior to this night, alam ko nang nagtatrabaho ka sa company ng mama ni Jerry. He told me about it. Ang sabi niya, 'yong ex-girlfriend ko raw ang managing supervisor sa business ng mama niya," nakangiting sabi nito.
Ngumiti siya. "Ex-girlfriend..."
"Yeah. Wala pa ring nakakaalam na kunwari lang ang lahat maliban sa ating apat."
"Oo nga. Ang alam ng lahat, naging tayo talaga."
Saglit na pinagmasdan ni Owen ang paligid. Noon lang naging aware si Gemme sa background music. It was the same music that played four years ago in that same place.
"I feel nostalgic," ani Owen.
She did, too. In fact, she felt like she wanted to dance with him again. "Yeah, parang katulad lang ng party noon ang party ngayon."
"Dance with me," biglang sabi nito.
"Ha?"
"Let's dance. For old times' sake." Inilahad ni Owen ang kamay. Hindi nagdalawang-isip si Gemme. Tinanggap niya iyon. Ilang sandali pa ay nasa dance floor na sila. Nakahawak siya sa mga balikat ni Owen at ito naman ay nakahawak sa kanyang baywang. Lihim siyang kinikilig sa pagkakalapat ng mga palad ng binata sa kanyang baywang. It felt so nice to feel him close once again.
"How did you end up being Mrs. Genares' business partner?" tanong ni Owen.
"I love parties. I like how Tita Trina organizes parties. Kaya naisip kong sumosyo sa kanya. Masaya naman ako sa pinasok ko."
"I'm happy for you. Doon ka pa rin ba nakatira sa bahay ng pinsan mo?"
"Ha? Ah, no. Lumipat na kami." Mabuti na lang at lumipat na sila ng bahay. Although they still owned the old house. Mga katiwala na lang ang naroon. Nang pumanaw kasi ang kanyang lolo, lumipat na sila sa ancestral house para may makasama ang kanilang lola.
"Saan ka na nakatira ngayon?"
Bakit ba kailangang magtanong ni Owen tungkol sa bago nilang bahay? May balak ba itong dugtungan ang ugnayan nila? Sinabi ni Gemme kung saan siya nakatira.
Naghari ang katahimikan. Nakatitig lang sa kanya ang binata na bahagya niyang ikinailang.
"Wala ka bang itatanong sa akin?" mayamaya ay tanong ni Owen. "It's been four years. Wala ka man lang bang gustong malaman tungkol sa akin?"
"Sasagutin mo ba kapag nagtanong ako?"
"Bakit naman hindi?"
"Bakit ka umalis?" lakas-loob na tanong ni Gemme.
"Well, it was not my decision to leave. It's my older brother's. Naisip ko rin na mas makakabuti sa mama ko ang bagong environment para makabangon uli siya. Kaya pumayag na rin ako. My mom needed me so I went to the States with her. I continued my studies there. Doon din ako kumuha ng master's degree," pagkukuwento nito.
"Si Fia..." Tumigil si Gemme. Naisip niyang wala nang saysay kung itatanong niya kung bakit nito iniwan si Fia noon gayong ang inakala niya ay mahal na mahal nito ang babae. May Krissa na ito. "Never mind."
"Si Fia? The last I've heard about her, she's married and has two sons."
Ang akala siguro ni Owen ay gusto niyang kumustahin si Fia. Tumango-tango na lang siya.
"Anymore questions?"
"Well... k-kailan ang kasal mo?"
Kumunot ang noo nito. "Kasal?"
"Ang kasal n'yo ni Krissa Marquez. Isn't she your fiancée?"
Mukhang natigilan ito. "How did you know about that?"
"She went to our office. Nagpapa-organize siya ng engagement party para sa inyo."
Tumango-tango si Owen. Ipinagpalagay niyang kumpirmasyon iyon sa kanyang tanong. Lihim pa rin siyang nasaktan kahit alam na niya ang tungkol doon.
Pinilit niyang ngumiti. "Congratulations."
Hindi sumagot si Owen.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...