Part 8

8.8K 256 8
                                    

"So, saan ka nakatira?" tanong ni Gemme kay Owen kahit alam na niya kung saan nakatira ang binata. Marami siyang alam tungkol dito dahil sadyang inalam niya ang mga iyon. Ang tungkol na lang sa pamilya nito ang hindi pa niya nalalaman.

It was a Sunday morning. Naglalakad-lakad sila sa parke. Doon niya niyaya si Owen. Feel kasi niyang maglakad-lakad habang nakikipagkuwentuhan sa binata. Pumayag ito sa suggestion ni Frei. Niyaya siyang lumabas ni Owen. Sabi pa nito, mabuti ngang magkaroon sila ng time na makapagkuwentuhan para makilala nilang mabuti ang isa't isa at masanay sila sa company ng isa't isa para maging effective ang palabas nila.

"Sa Le Grande Village," sagot nito.

"Sa Le Grande? Ang yaman-yaman n'yo pala. Puro mga upper class ang nakatira doon, ah."

"Ikaw? Saan ka nakatira?"

"Sa Dermont Vill..." Napahinto si Gemme. Puro mayayaman din ang mga nakatira doon. Kapag nalaman nitong mayaman din sila, baka magtaka ito kung bakit nangangailangan siya ng pera gayong mayaman naman pala sila.

"Sa Dermont Village?" nakakunot-noong paglilinaw ni Owen. "Upper class village din 'yon, ah."

Mabilis siyang nakaisip ng palusot. "Oo. Sa ngayon, nakikitira ako sa kamag-anak kong mayaman. In fact, ang kotseng dina-drive ko, sa pinsan ko 'yon. Spare car."

"Ah... I see." Tumango-tango ito.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong uli niya.

"Three. I have an older brother who's living in the States right now and a younger sister."

"Talaga? Kumusta naman ang parents mo?"

Matagal bago nagsalita ito. "Can we not talk about my family?"

"Okay," sabi na lang ni Gemme kahit nagtaka siya. May problema ba ito sa pamilya kaya ayaw nitong pag-usapan iyon? O sadya lang na ayaw nito ng mga personal na tanong?

"'Di ba, tagaibang school ka dati? Bakit ka lumipat sa school namin?" pag-iiba nito ng topic.

Dahil sa iyo. "Well, meron kasing hindi magandang nangyari sa best friend kong si Miles sa school na 'yon kaya nagdesisyon siyang mag-drop out. Sumama ako sa kanya kasi ayokong malayo sa kanya. Siya lang kasi ang best friend ko," matter-of-factly na sagot niya.

"Ganoon ka ka-loyal na kaibigan?"

Tumango siya. "When I love and care for someone, I do everything just to be with her or him," aniya na may kaunting pahaging dito.

Ngumiti si Owen. "Sa tingin mo ba, tama ang ginagawa ko?"

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Itong pagpapanggap na may iba para pagselosin si Fia at ma-realize niyang ako pa rin ang mahal niya."

Super-mali! Dahil hindi mo na dapat pabalikin pa si Fia sa iyo. Pero kung sasabihin iyon ni Gemme, baka putulin kaagad ni Owen ang serbisyo niya bilang pretend girlfriend nito. Mapuputol na rin ang pagkakataon niyang makasama at mapaibig ang binata. "Sa tingin ko, tama ka naman. Gaya nga ng opinyon ko, kapag mahal ko ang isang tao, gagawin ko ang lahat para makasama siya." Katulad ng ginagawa ko ngayon.

Tumango-tango si Owen.

"Mahal mo pa rin talaga si Fia kahit iniwan ka niya nang dahil lang sa hindi ka naka-attend sa family gathering nila?" tanong niya kahit alam niyang masasaktan lang siya sa isasagot ng binata.

Kumunot ang noo nito. "Paano mo nalamang iniwan niya ako dahil hindi ako naka-attend sa family gathering nila? Sina Frei at Jacob lang ang pinagsabihan ko n'on, ah."

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon