NANG buksan ni Owen ang pinto sa gawi ni Gemme ay kaagad siyang bumaba. Dahil mataas ang kotse at hindi niya kaagad naiapak ang kanyang mga paa sa lupa ay nawalan siya ng balanse. Napasubsob siya sa dibdib nito na mabuti na lang ay naroon. Nakulong siya sa mga bisig ng binata.
Hindi nakakilos si Gemme. Parang ayaw na niyang kumilos. Why, it felt incredibly good to be in his arms again and their bodies were close like that. Lalo niyang napatunayan kung gaano niya na-miss si Owen at kung gaano niya kagustong makasama uli ang binata. Tutal, ang akala nito ay lasing siya, sasamantalahin na niya ang pagkakataon. She wrapped her arms around him and sniffed his male scent. She closed her eyes.
"Gemme..." anito.
"Ganito pala ang feeling ng nalalasing."
Nagsisimula pa lang si Gemme na i-take advantage ang kunwariang kalasingan nang bigla siyang masilaw sa liwanag kahit nakapikit ang kanyang mga mata. Dumilat siya. All she saw was a pair of bright lights. Nang mawala ang ilaw, saka lang niya na-realize kung saan galing ang liwanag. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang mga magulang na bumababa ng kotse. Sa pagkabigla ni Gemme, naitulak niya si Owen. Binitiwan siya ng binata.
Sinalubong ni Gemme ang kanyang mga magulang na papalapit sa kanila. Kunot na kunot ang noo ng kanyang daddy habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Owen. Ang kanyang mommy naman ay bahagyang nakanganga na parang namamangha. Bakit hindi, nakita sila ng mga itong magkayakap ni Owen!
"Dad... Mom..." Humalik si Gemme sa pisngi ng mga ito.
"Good evening po," bati ni Owen sa dalawa.
"Good evening din. May I know kung bakit nagyayakapan kayo rito?" pormal na tanong ng daddy ni Gemme.
"Dad... uhm... bale... muntik na kasi akong—"
"Siya ba ang boyfriend mo?" putol ng kanyang mommy sa sinasabi niya.
"Ha?"
"You said you're dating a guy. Huwag mong sabihing hindi siya ang lalaking sinasabi mong idine-date mo? Nakita namin kayong magkayakap."
Naumid ang dila ni Gemme. Napagkamalan sila ni Owen na magnobyo! Bumaling siya kay Owen. Gusto niyang tulungan siya ng binata na magpaliwanag sa kanyang mga magulang tungkol sa nakita ng mga ito pero mukhang wala itong balak na magsalita.
"Dad, Mom, kasi—"
"It's okay, baby," nakangiting putol ng kanyang mommy sa sinasabi niya. "We're not mad because we caught you hugging this guy. It's okay to hug. Boyfriend mo naman siya, eh. I actually felt relieved that you finally brought this guy here. What's your name, hijo?"
"I'm Owen, Ma'am. Owen Lorenzo."
"'Nice to meet you, Owen. I'm Brenda and this is my husband Freddie." Inilahad nito ang kamay kay Owen. Inabot nito iyon. Nakipagkamay rin ito sa kanyang daddy. "Come inside. My mother-in-law wants to meet you, too."
"Mom, it's already twelve midnight," sa halip na itama ito ay iyon ang lumabas sa bibig ni Gemme.
"Oo nga pala. Baka natutulog na si Mama." Tumingin ito kay Owen. "Would you come here again tomorrow for dinner?"
Magsasalita sana si Gemme para itama ang maling akala ng mga magulang pero si Owen naman ang pumigil sa kanyang sasabihin.
"Sure, Ma'am," nakangiting pagpayag ni Owen.
"We'll expect you tomorrow, okay? O, siya, papasok na kami. You may now continue the hugging." Nanunudyo ang ngiti ng kanyang mommy bago muling pumasok ang mga ito sa kotse. Hinintay muna ni Gemme na makapasok ang kotse sa loob at maisara ng maid ang malaking gate bago niya hinarap si Owen. napangiti ito nang balingan niya.
"They really thought I am your boyfriend." Parang naaaliw pa sa nangyari ang binata.
"I'm sorry. Hindi ko naitama ang iniisip nila. My mom didn't give me the chance to speak. Don't worry, I'll talk to them and tell them they're mistaken."
"It's okay. Just let them think I am your boyfriend."
"Huh?"
"Okay lang sa akin na magpanggap na boyfriend mo. I'm willing to provide you the same service you've given me four years ago."
Napamulagat siya. "What?"
"Noong nangailangan ako, tinulungan mo ako. Now it's you who needs me, I'm willing to pose as your boyfriend for as long as you want to."
She laughed. "You're just kidding, right?"
"No, I'm not."
"P-pero hindi ko naman kailangan ng pretend boyfriend."
"Sa tingin ko, kailangan mo. Have you seen your mother's face? She's very happy. I could imagine she'll be very disappointed when you tell her the truth. At saka nakita nila tayong magkayakap. Baka pagalitan ka ng dad mo kapag nalaman niyang nagpapayakap ka sa hindi mo boyfriend."
"Pero..."
"Na-miss ko rin 'yong panahong nagpapanggap tayong mag-on," nakangiting sabi ni Owen.
"Na-miss mo 'yon?"
"Yeah. It was fun."
Umangat ang isang kilay ni Gemme. "So, you just want to have fun, huh?"
Lumuwang ang ngiti nito. "I want to return the favor. Magpo-pose akong boyfriend mo. I like how your mother smiled when she thought I am your boyfriend. Naisip ko, baka malungkot siya dahil wala ka nang naging boyfriend since Hero kaya ganoon siya kasaya nang malaman niya na may boyfriend ka na uli. It would be a pity to break her hope," nakangiting sabi nito. Mayamaya ay tinitigan siya ng binata. "Your mom smiles like how my mom does. And whenever my mom smiles, I feel really happy. Parang masasaktan din ako kapag na-disappoint siya."
Owen was still the same. Sensitive pa rin ito pagdating sa mama nito. "Kumusta na nga pala ang mama mo?"
"She's okay. She's in the States with my sister. Hindi na siya alcoholic. Hindi na siya nag-asawa uli."
"Is she happy?"
"I think she is. She learned to live without a partner. Busy siya ngayon sa pagma-manage ng business namin sa States."
"That's good."
Matagal silang nagtitigan. Gusto sana ni Gemme na patuloy na tutulan ang suggestion nito tungkol sa muli nilang pagpapanggap na magnobyo pero mukhang wala siyang lakas na gawin iyon. Bukod sa sinabi ni Owen na dahilan kaya ayaw nitong ma-disappoint ang kanyang mommy, lihim din niyang ninanais na makasama uli ito tulad ng dati. Now, was she pathetic or what?
"I'll see you tomorrow." Humakbang na ito pabalik sa kotse.
"Wait."
Lumingon ito.
"You're getting married."
"So?"
"You cannot pose as my boyfriend because you're engaged. Paano kung malaman ng fiancée mo ang tungkol sa atin?"
"She wouldn't know." Itinuloy na nito ang pagpasok sa loob ng kotse.
Hindi na siya nakapag-apela pa nang umandar na ang kotse ni Owen palayo.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...