Part 3

9.8K 264 15
                                    


HINDI alam ni Gemme kung matutuwa o maiinis sa nalamang balita. Fia was now dating Jedric, ang vocalist ng rock band na Grime na tumutugtog sa kung saan-saang bar, at schoolmate din nila. Ganoon lang nito kadaling napalitan si Owen.

Owen loved that bitch. Alam niyang nasasaktan ang binata dahil sigurado siyang alam na nito ang tungkol kina Fia at Jedric. Gusto niyang i-comfort si Owen kaya hinanap niya ito sa campus. Nakita niya ang binata sa likod ng gym na kasama sina Jacob at Frei. Sa tingin niya, tambayan talaga ng magkakaibigan ang lugar na iyon dahil nang sundan niya ang tatlong lalaki pagkatapos ng narinig niyang usapan, nakita niyang nagpunta ang mga ito roon.

Muling nagtago si Gemme para pakinggan ang pinag-uusapan ng tatlong magkakaibigan. May mga bakanteng lata sa pinagtataguan niya kaya nag-ingat siya na huwag matabig ang mga iyon at makalikha ng ingay. Kapag nagkataon, mabubuking siya ng mga ito na nag-i-eavesdrop.

"I'm going to erase that bastard's face!" galit na sabi ni Owen na alam niyang si Jedric ang tinutukoy.

"Calm down, pare. Kapag ginawa mo 'yan, magmumukha kang bitter. Hayaan mo na sila. Kalimutan mo na si Fia. Kung ayaw na niya sa 'yo, di huwag," ani Jacob.

"Oo nga. Magmumukha ka lang tanga kung iko-confront mo si Jedric. Si Fia ang kausapin mo. More than a week pa lang kayong naghihiwalay, pinalitan ka na agad. Anong klaseng babae siya?" sabi naman ni Frei.

"No, pare. Huwag mo na ring kausapin si Fia. Huwag mong ipakita na affected ka. Act like you don't care, all right? Kapag ipinakita mong apektado ka, they will look down on you. Mapapahiya ka sa buong campus. You are Owen Lorenzo, captain ng basketball varsity at campus figure. Ingatan mo ang image mo. Huwag mong hayaang bumaba ang tingin sa 'yo ng mga tao nang dahil lang sa isang babae."

Marahas na bumuntong-hininga si Owen. Hiling ni Gemme na sana ay pakinggan nito ang advice ni Jacob.

"Ibangon mo ang pride mo, pare. Find a new girlfriend. Maraming mas lamang kay Fia," dagdag pa ni Jacob.

Tumango si Frei. "Maraming babaeng nagkakandarapang mapansin mo, pare. Maybe it's about time you give those girls a chance to be with you."

"But I can't. Si Fia lang ang gusto ko. Siya lang ang mahal ko. And I intend to win her back," determinadong sabi ni Owen.

Napamura sina Jacob at Frei. Naikuyom naman ni Gemme ang mga kamay.

"Pero, pare—"

"Hindi n'yo kasi naiintindihan. We've been together for four years and ten months. Siya lang ang babaeng nakarelasyon ko nang ganoon katagal. Nasanay na ako na kasa-kasama siya kaya hindi siya puwedeng mawala sa akin. Ngayon, imbes na mag-suggest kayo ng mga bagay na hindi ko gustong marinig, tulungan n'yo na lang akong mapabalik siya sa akin. Bigyan n'yo ako ng advice kung paano ko siya mailalayo sa Jedric na 'yon at mapapabalik sa akin."

Umiling-iling si Jacob. Parang gusto nang umalis ni Gemme. Hindi na niya gustong marinig pa kung ano ang gagawin ni Owen para magkabalikan ito at si Fia.

"Talaga bang 'yon ang gusto mo?" mayamaya ay tanong ni Jacob.

"Yes. I know she still loves me. Pinatulan lang niya ang Jedric na 'yon dahil nagrerebelde siya sa akin."

"All right. Wala kaming magagawa kung 'yan ang desisyon mo," ani Jacob.

"So, what do you think? Ano'ng gagawin ko para mapabalik siya sa akin? Liligawan ko ba uli siya?"

"Walang mangyayari sa panunuyo mo. Lalo lang siyang magmamatigas dahil alam niyang gustong-gusto mo siyang bumalik sa 'yo," ani Jacob.

"So, ano'ng dapat kong gawin?"

GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon