"I told you, I can manage. I can drive," tutol ni Gemme kay Owen nang buksan ng binata ang pinto ng passenger's seat ng kotse nito para sa kanya.
"No, you can't. You almost tripped a while ago. Ako na ang maghahatid sa iyo pauwi, okay? Huwag nang matigas ang ulo mo."
"Nakainom lang ako, Owen. Hindi ako lasing." Hindi napigilan ni Gemme na uminom ng alak dahil nalulungkot siya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit kailangang pagtagpuin pa uli sila ni Owen kung hindi rin naman pala ito mapapasakanya sa bandang huli.
"Que lasing ka man o nakainom lang, I'll drive you home," he insisted.
Nang hindi pa rin kumilos si Gemme para pumasok sa kotse, binuhat siya ni Owen at iniupo sa passenger's seat. Napatili siya sa ginawa ng binata. Lumigid ito para sumakay sa driver's seat. Napasinghap siya nang bigla na lang itong dumukwang at ikinabit ang kanyang seat belt.
"Hindi naman kasi ako lasing, eh," patuloy na paghihimutok ni Gemme kahit umaandar na ang kotse.
"It doesn't matter now kung lasing ka man o hindi. You're already in my car," anito.
"Bakit kailangan mo pa akong ihatid na parang concerned ka?"
"I'm concerned, okay?"
"Bakit ka concerned?"
"Because we used to be friends. At saka may utang-na-loob ako sa 'yo sa ginawa mo para sa akin noon."
"Binayaran mo ako ng twenty thousand pesos kaya wala kang utang-na-loob sa akin."
"Malaking bagay pa rin para sa akin ang ginawa mo para sa akin noon. At hindi iyon matutumbasan ng pera."
"Bakit?" Hindi maintindihan ni Gemme kung paano naging isang malaking bagay iyon para kay Owen gayong nagkahiwalay rin naman ito at si Fia.
"I'll tell you about it kapag hindi ka na lasing."
"Hindi nga sabi ako lasing, eh." Tiningnan niya nang matalim ang binata.
He laughed as he looked at her.
"Ano'ng itinatawa-tawa mo?"
"Wala lang. Ang cute mo pala kapag nalalasing."
"Hindi nga sabi ako lasing, eh!"
"Okay. Hindi na kung hindi."
Tumingin si Gemme sa labas ng bintana.
"Bakit wala kang boyfriend?" mayamaya ay tanong ni Owen.
"I just don't feel like having one right now and please don't ask why," paiwas na sagot niya.
"Wala ka man lang idine-date?" pangungulit nito.
"Wala. Although I told my parents I am dating someone. That person doesn't exist—" Napahinto siya. Ang daldal niya!
"Why did you do that?"
Napilitan siyang magsabi ng totoo. "Dahil makulit ang mommy ko. She wants me to have a boyfriend. Eh, ayoko pa nga sa ngayon. Para hindi na nila ako laging kinukulit, sinabi ko na lang na may idine-date ako pero ang sabi ko, hindi ko pa siya puwedeng ipakilala sa kanila because I want to find out first if he's worth to be introduced to them."
"You're fooling your parents."
"Hindi naman masyado. Slight lang."
"You're giving them false hope."
"I just did that to defend myself. Nagtataka na kasi sila kung bakit hindi na ako nagka-boyfriend since Hero." Kulang na lang ay takpan ni Gemme ang bibig dahil parang walang preno iyon. Ilang sekreto na niya ang kanyang naibuking. Ganoon ba ang epekto ng alak na nainom niya?
"Hindi ka na nagkaroon ng boyfriend since Hero? Why?"
"Please don't ask," mailap ang mga matang sabi niya.
"Is it because you still love him? Hindi mo siya makalimutan?"
Hindi sumagot si Gemme. Hindi si Hero ang mahal pa rin niya hanggang ngayon, kundi si Owen. But she could not afford to spill that secret. He was getting married soon. Nang hindi siya sumagot ay hindi na rin nagsalita ang binata. She rested her head on the car seat's backrest and closed her eyes.
BINABASA MO ANG
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1)
RomanceTuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at deter...