The Beginning

31.4K 505 27
                                    

Author's Note

This is my favorite novel. Sa lahat po ng male characters na ginawa ko, it's Ethan I fell in love with. He's exactly my weakness in a man- bad boy, brusko, suplado, pero kapag nagmahal ay wagas at totoo.

While I was writing this, I was listening to the song My Sacrifice over and over again, and I imagined him singing it live on stage. Luvhet!

I was so deeply moved by this story that I cried while I was doing the last few chapters. Sana ay magustuhan ninyo.

Once upon a time, there was a woman who promised to love and cherish a broken man, come what may. But this man just left her and shattered her into pieces. This is for you, lady. I gave you a happy ending. 😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘

Enjoy reading, guyz. Kindly leave your comment and don't forget to hit the vote. Thank you. 😘😉😍

🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

CHAPTER ONE

"Anak ng teteng naman, Seth. Bakit kasama mo 'yang bulilit na 'yan?" Napakamot ng ulo si Ethan nang makitang karay-karay ng kaibigan ang kapatid nitong babae.

"Ayaw magpaiwan. Kamuntik na akong hindi payagan ng Mommy."

"Paano tayo makakapag-chicks n'yan? Sira ang diskarte natin nito!"

"Hindi ko naman kayo pakikialaman," mataray na singit ng bata. "Gusto ko lang naman manood ng giant lantern, may masama?"

"Tara na nga!" Nauna na siya sa paghakbang.

Dumiretso sila sa Paskuhan Village, kung saan idinadaos ang giant lantern parade sa tuwing sasapit ang buwan ng Desyembre. Pagdating nila doon ay puno na ng tao ang malawak na parking space. Naka-display ang mga higanteng parol na maglalaban-laban para sa championship title.

Nakita nila ang mga katropa sa ilalim ng malaking puno. May kanya-kanyang babae na nakakapit sa braso ng mga ito.

"Nakita mo na? Tapos tayo ay babysitter ng kapatid mo. Kapag may riot niyan ay isa pa nating kargo 'yan."

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Jessica!" saway ni Seth sa kapatid nito. "Huwag kang hihiwalay sa amin, ha? Kapag nawala ka dito ay hindi na kita makikita sa dami ng mga tao, naiintindihan mo?"

"Opo!"

Nagyaya munang magmerienda ang grupo sa loob ng village. Pumuwesto sila sa harap ng tumutugtog na banda. Malalaking bulas sila kaya hindi sila pagkakamalang underage.

Pinaupo nila si Jessica sa mahabang mesa kasama ng mga chicks. Bumili sila ng pagkain. Pagbalik nila ay iniabot niya sa bata ang isang jumbo hotdog on stick at pineapple juice.

"Thank you. Nasaan si Kuya?"

Itinuro niya ang kaibigan na kasalukuyang may dinidiskartehang babae sa harap ng barbeque house.

Ito ang kagandahan ng walang syota, kahit saan ay makakabingwit ka ng kahit sinong babae na matitipuhan mo. Si Seth ay nakakita na ng mabibiktima, pero siya ay wala pang namamataan na papasa sa panlasa niya.

Maya-maya pa ay may dumaang babae sa harap nila na naka-mini skirt at hanging blouse.

Hinarap niya si Jessica. "Diyan ka lang, ha? Huwag kang aalis diyan. Hintayin mo ang kuya mo." Mabilis siyang tumayo para habulin ang babae.

********************************

LUMALALIM na ang gabi. Naririnig na ni Ethan ang malakas na tugtog na sinasabayan ng pagpatay-sindi ng daan-daang bombilya ng mga higanteng parol sa labas. Wala doon ang interest niya kundi nasa babaeng nasa kandungan niya ngayon.

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon