A Short AN lang po yung FL (Book 1 natapos parang january ata or june? july ng 2013 tapos nagsimula ang BOOK 2 nitong May 15 2014 so sana may inimprove ang pagsusulat ko. Yun lang ENJOY READING PO. :)))
***
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ko ngayon. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang tumayo sa kinauupuan ko.
Paglabas ko sa pintuan ng eroplano ay nasagap ko na ang amoy ng PILIPINAS. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan at nagmabilis na makapasok sa NAIA dahil baka makaligtaan ko ang mga bagahe ko. Napakarami pa naman non.
pagkakuha ko ng mga bagahe ko ay agad ko nang tinawagan sila MAMA dederetso na kami ngayon sa Laguna at doon ako magcecelebrate ng Christmas at New Year. KAMUSTA NA KAYA SILA?
"Hello?"
"Hello Ma? Nasan na kayo? Palabas na ako. Nakaskinny jeans akong black then tube na blouse na nakaboots okay?" Unang bati ko sa kanya.
"Naandito na. Inaantay ka. Okay . wait lang." Pinatay ko ang cellphone ko at nagmadaling lumabas. Namimiss ko na sila.
Nagpalinga-linga ako sa labas para hanapin ang Mama pero hindi ko sila makita. Akma ko nang tatawagan ang Mama ng may kumalabit sa akin.
"Andrea! Ikaw na ba yan anak?" Si Mama na maluha-luha nang makita ako. Limang taon din akong nawala para magtrabaho sa Australia. Nasabi ko naman na naging successful ako doon dahil nabigyan ko ng bahay at negosyo ang mga Mama na ako lang mag-isa at walang tulong ng Daddy ko.
Masasabi ko din na maraming nagabgo sa akin. nagmatured na ako to the point pinag-iisipan ko muna ang sasabihin ko at gaagwin ko.
"Musta na Ma?" Niyakap ko iti ng mahigpit at nagderetso na kami sa sasakyan kung saan nag-aabang ang dalawa kong kapatid. Na sina Angelo at Ailleen.
"Ayos naman ako. Ikaw anak kamusta ka? Tumaba ka na." nagkekwentuhan kami habang papunta sa sasakyan na Van na inarkila daw nila. Nagtataka ako bakit hindi pa sila nabili ng sasakyan kahit second hand man lang.
"Deretso muna tayo ng Duty Free mamimili lang ako ng chocolates na pasalubong sa kanilla wala akong masayadong dala eh."
Pagkarating namin ay sa sasakyan ay nakita ko ang Daddy na nakatayo sa labas ng sasakyan. Agad ko itong niyakap. "Kamusta daddy?" Nakita ko sa mata nito na maluha-luha ito. Nakakatawa lang. HAHA
"Ayos naman ako Anak ang ganda mo na lalo." sagot nito. Pagkatapos non ay nilagay na niya a likod ang mga baggage ko at ako ay pumasok na sa loob ng Van nakita ko ang dalawang kapatid ko binati ko ang mga to.
"Kamusta Angelo at Aileen?" Dalaga at Binata na sila ata ng laki na din ng pinagbago nila.
"Okay naman Ate." magkasabay na sagot nila. Halata sa kanila na nahihiya sa akin kaya lihim akong natatawa sa kanila. Pagkatapos namin mamili sa Duty Free ay agad na kaming tumahak pauwi sa Laguna pero bago yon ay kumain muna kami sa isang fastfoods na hi-way na madadaanan.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)
General FictionPagpasensyahan niyo po ang BOOK 1 isinulat ko pa yon nung jeje days ko pa at hanggang ngayon hindi ko pa ineedit dahil sa tinatamad ako. hihihi Enjoy Reading :)) *** MAHAL KO SIYA pero alam kong "MALI SIYANG MAHALIN" anong gagawin ko? Paninindigan...