Nagmulat ang mga mata ko nang may maanig akong putting kisame, bahagya ko pang ipiniki-pikit ang aking mga mata dahil sa nasisilaw ako. Iginala ko ang paningin ko, hindi pamilyar ang silid na ito.
“Thank god you’re awake.” Mukha ni Hugo ang una kong nakita. Nagtataka ako kung bakit siya naandito? Ang naaalala ko nasa bahay kami non.
“Kamusta na ang pakiramdam mo?” Sumunod niyang tanong.
“Anong nangyari? Nasan pati ako? Hindi ko to kwarto.” Tanong ko sa tanong niya. Inilibot ko ulit ang paningin ko pero walang katao-tao tanging si Hugo lang.
“Si Mama mo mamaya pupunta na dito para bantayan ka tapos uuwi muna ako sa inyo para maligo, dalawang araw ka nang nakaconfine dito.” Anya.
Kumunot ang noo ko, Bakit anong nangyare? Ang naaalala ko nakikipaglaban pa kami sa Battle na dalawa ni. “N-nasaan siya?” Nag-aalalang tanong ko. Pinilit kong tumayo kahit bigat na bigat pa ako sa katawan ko.
“Hindi mo pa kaya, Girl, Maiga ka na muna dyan.” Pinigilan niya akong tumayo at pinilit na ihiga muli sa kama.
“Pero Hugo, si Y-yogi, nasaan siya? Anong nangyari sa kanya?” Naiiyak na ako sa tuwing maaalala ko ang nangyaring paghaharap. “Sabi ko ipaglalaban ko siya pero napakahina ko kaya napunta ako sa sitwasyong ito.” Tumulo na ang mga luhang kanina pa nagwawala.
“Andy, gumagawa ako ng paraan para makabisita siya sayo pero nakapakahigpit ng Mama mo walang magawa ang Daddy mo dahil pag pinigilan niya ang gusto nito nagbubunganga. Pinilit niyang makapunta dito pero palaging bantay ng mga kamag-anak mo ang harapan ng pintuan.”“Bakit ako naandito? Nasa bahay ako diba?” Nalilito kong tanong.
“Hindi mo nakayanan ang pananakit sayo ng Mama mo.” Maikling sagot nito.
Si Mama? Noon pa mang mga bata kami lagi na niya kaming sinasaktan mapa physical man o emotional. Lahat ng mga malaing gawin namin sasaktan ka niya kung grabe na ang ginagawa sa akin ni Mama mas grabe pa ang sa kapatid kong si Angelo. Hindi lang niya masakatan ang kapatid kong bunso dahil may sakit ito sa puso. Kaya sa tuwing maaalala ko ang childhood life naming hindi ko mapigilan ang maiyak dahil doon. Kaya pinili ko din na mamuhay sa ibang bansa para malayo sa Mama ko. Malayo na ang loob ko sa kanya at hindi ako nagkekwento ng tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Kausapin man dili lang, pag may kailangan o pag magpapadala lang ako ng pera at kaunting kamustahan tapos papatayin ko na ang tawag. Alam yon ni Hugo. Nakwento ko sa kanya ang mga nangyari sa buhay ko.
“Hugo, please help me. Ayoko na dito.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
“Naiintindihan kita pero alalahanin mo naman ang mga Magulang mo lalo na Mama mo baka dahil sa galit ay atakihin sa puso.” Umiiling-iling ako.
“No, Hugo. Minsan kailangan kong isipin ang sarili ko at hindi sila nalang palagi. “ Bumuntong-hininga sa tabi ko si Hugo.
“Kung hindi lang kita Bestfriend, siguro binatukan na kita. Ang tanga-tanga mo kasi magmamahal ka lang sa maling tao pa eh di ayan ang gulo ng sitwasyon mo. Dahil mahal kita hangad ko lang naman sayo ang kaligayahan mo. SIge tutulungan kita.” Napaangat ako ng tingin sabay baling sa kanya. Tama ba ang naririnig ko? Tutulungan niya ako?
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)
General FictionPagpasensyahan niyo po ang BOOK 1 isinulat ko pa yon nung jeje days ko pa at hanggang ngayon hindi ko pa ineedit dahil sa tinatamad ako. hihihi Enjoy Reading :)) *** MAHAL KO SIYA pero alam kong "MALI SIYANG MAHALIN" anong gagawin ko? Paninindigan...