Why Can't It Be? 4

1.1K 15 0
                                    

“Anong naramdaman mo ng nakita mo siya?”

‘Huh?” Maang na tanong ko kay Hugo nasa Condo niya kami ngayon and we plan na dito nalang mag-inoman kesa sa bar kung malasing man hindi na mahihirapan pang umuwi.

“Che kilala kita kahit di mo sabihin and I know you’ve met na.” Maarte sabi nito sabay irap. Hindi ko magets kung ano yung sino ang sinasabi niya.

“Huh? Sino?” Maang kong tanong. Habang inaayos ang ibang pagkain, sa isang araw pa ako uuwi ng Laguna kaya dito muna ako s akanya ng dalawang araw.

“Luh kailan ka pa naging Slow Andy? Your one and only KUYA YOGI.” Napahinto ako sa pag-aayos ng mga finger foods sa plato dahil sa sinabi niya,

I look at him irritatingly. Bakit kailangan niya pang tanungin ang mga ganong bagay?  Alam niya kasi lahat ng mga bagay na nangyari sa aming dalawa ni Kuya at lalo na ang pag-iwas ko sa kanya dahil na rin sa sinabi ni Ate Allison.

“Hugo, pwede bang wag na nating pag-usapan yan.” Pakiusap ko dito pero imbis na tigilan ako ay nilapitan niya ako at tinignan habang magkasiklop ang mga braso nito sa kanyang dibdib.

“So Nagkita nga kayo? Kasi umiiwas kang sagutin ako.” Pamimilit nito. Ito talagang baklang ito hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto. Ayokong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko natatakot ako.

“Fine. Yes. Civil lang kami sa isa’t-isa. Kamustahan lang.” Pag-amin ko dahi hindi ko rin naman maitatago sa kanya.

“Yun lang. Walang pag-uusap about sa past niyo?” Ibinalik ko na ang pag-aayos sa pagkain habang siya ay nilalagyan ng yelo ang mga alak.

“Wala. Duh! Nandon ang mga pinsan ko alangan tanungin ko siya ng “Hi Ex kamusta ka na? Wait dalawa pala kayo sorry naman.” Ganon?” Iritableng tanong ko sa kanya.

“Ikaw kasi tanga! “ Pagdidiin niya.

“I Know right.” Then I roll my eyes. Nakakainis  talaga siya kahit kailan.  Hindi na niya ako tinanong dahil dumating na ang barkada at nagsimula nang mag-inuman.

***

“Nandyan ka nap ala Andrea, naandito ang mga Tita mo at mga Pinsan mo.” Bungad sa akin ni Mama. Kabababa ko lang ng sasakyan ni Hugo hinatid niya ako dito sa Laguna dahil wala din naman daw siyang gagawin at ang mga parents niya ay busy sa mga apo.

“Ah Ma kasama ko si Hugo yung kikikwento ko sa inyo?” Sabi ko sa kanya sabay baba naman ni Hugo sa Audi niya lalaking-lalaki itong tignan kung hindi mo alam na bakla ito. Kahit ladlad ang pagkabakla niya eh yung pagdaramit niya ay parang isang bruskong lalaki pa rin. Ginagaya kasi nito ang mga Bakla sa New York.

“Hugo? Hala ang gwapo mo pala. Pasok ka sa bahay pakilala kita sa mga kamag-anak namin.” Bago pa makapagsalita si Bakla ay nahigit na ito ni Mama. I sighed! Mom didn't know that Hugo is gay. JEEZ! Parang alam ko na ang mangyayari.

Pagkapasok ko nabungaran ko sa Living room sila Ate Allison with Kuya Yogi and Kuya Yogurt. Ohhh… Wait MAXIMO who is seating beside the fake plant.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon