Why Can't It Be? 12

1.1K 12 0
                                    

“I Love You.”

“B-But I’m scared.”

Sumunod ko pa. Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya. Mahal na mahal but at the same time takot na takot ako lalo na pag nalaman ito ni Mama baka itakwil niya pa ako. Hindi ko kaya yon!

“Me neither. Pero para sa atin lalakasan ko ang loob ko.  Ako ang sasalo sa lahat wag ka lang masaktan.”

Nagsusumamo ang mga nitong nakatingin sa akin habang lumuluha.  “Please! Kahit ngayon lang ipaglaban mo ako Hindi sapat sa akin ang I LOVE YOU mo kung hindi ka din naman mapapasa-akin. Please Andy.”

Nasa tuktok na kami kaya alam kong walang makakakita sa amin kaya agad na akong tumayo at hinalikan siya. Halik na nagsimula sa sipmpleng pagdampi lang hanggang sa lumalim iyon. Naramdaman kong pinisil nito ang dalawang panga ko na na agad kong ikinanganga kaya naman napasok niya ang dila niya dooon hanggang sa mahanap niya ang dila ko.

Naramdaman kong may naglalakbay na mga kamay sa likuran ko kaya agad akong napaigtad dahil sa kuryenteng nanalaytay sa mga ugat ko.

Agad akong humiwalay nang matauhan sa ginagawa niya. Umupo ako sa upuan kung nasaan ako kanina upang mag-ipon ng lakas dahil sa nanginginig kong tuhod at huminga dahil sa pagkakapos ng hangin dahil sa ginawa namin.

Masaya kaming bumaba sa ferris Wheel habang inaantay sila Ate Allison. Napagpasyahan na muna naming itago muna sa isa’t-isa ang relasyon at sasabihin nlanag kapag handa na kaming dalawa sa laban.

“What’s next guys?”

Sayang-sayang tanong ni Ate Allison habang kami ni Yogi ay nagkakailangan pang dalawa dahil sa nangyari kanina. “Space shuttle!” Ako na ang sumagot unfair naman kung siya lang ang magdedecide kung anong kakainin namin.

Nauna na akong naglakad para pumunta doon at iniwanan si Yogi na nakakunot ang noo habang si Ate Allison naman ay nakaangkla ang mga braso sa braso ko.

“Sorry Andy.”

Bulong niya. Nilingon ko siya kung anong trip na naman nang babaeng to kaya lang mukhang seryoso to. “Hindi ako makakasakay kasi buntis ako so kayo nalang dalawa ni Kuya Yogi ang sumakay antayin nalang namin kayo dun sa baba.” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinambit niyang kataga.

“We-wait lang you mean? You’re pregnant? What da hell? Seriously?” Naghihysterical na ako sa sinabi niya pero ang babae naka ngisi lang sa akin.

“Malamang. We’ve sex that’s why nabuo ito and luh nasa tamang edad na ako para sa ganon non. “ Paliwanag nito. Agad na lumapit sa amin ang dalawang lalaki para makiusyoso sa sa pinag-uusapan namin. “Nasabi ko na Babe.” Bati pa ni Ate Allisa sa kanyang Fiancee so kaya pala magpapakasala ng dalawang to dahil don? “Ayusin mo nga yang mukha mo Andy dahil ikaw palang ang unang sinabihan namin ngayon pangalawa na si Kuya Yogi.”

Inirapan ko siya samantalang si Yogi nagtataka ang itsura kung ano nga ba ang pinag-usapan naming dalawa. “Tanong mo sa kanya wag sa akin.” sabi ko dito dahil sa tingin na ipinukol niya sa akin.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon